KABANATA 17

1140 Words

ORAS NA sa pagtanggap ng mga karangalang nakamit ng mga natatanging estudyante. Namataan kong nakatayo si aling Merly sa tabi ni Mang Tonyo na nakatayo sa kanang gilid ng entablado. Nakahinga na ako ng maluwag dahil tiyak na si Aling Merly na ang kasama kong tatanggap ng aking karangalan. Mas pipiliin ko siya kaysa sa mga Tito at Tita ko na pawang ibinilad lang ang mga sarili sa mga tao. Kunwari proud sa akin pero may iba pa lang agenda. Kinalabit ako ni Anika at nang lingunin ko ay ngumuso sa kinaroroonan ng magulang niya. She giggled na parang kinikilig na ewan. “Bakit?” mahina kong tanong. “Nakaabang na ang prince charming mo.” Umismid ako saka lumipad ang paningin ko sa tinutukoy ng makulit kong kaibigan. “Prince charming ka riyan.” Matalim ko siyang inirapan. Pinagsalikop ko ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD