KABANATA 4

1082 Words
YOUR WEAKNESS might help in unexpected ways. “Ang dami niyang sinasabi akala niya naman hindi ko maintindihan.” Pabalik na ako sa kubo na mag-isa. Hindi na ako nagpahatid kay Anika dahil wala siyang magiging kasama pauwi. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng lalaking pinaglihi yata sa higante dahil sa taas ng kayabangan. Advice raw ang sinabi sa akin pero bakit mas ramdam ko na niyayabangan niya lang ako? Hindi na ako aasa pa na mapipili ako sa financial assistance na iyon. Malabo naman kasi talaga. Unang-una, sinagot-sagot ko ang Marcus na ‘yon, pangalawa hindi ako mismo ang nagpasa ng form at pangatlo nasobrahan yata ang pagpapakitang-gilas ko. Hay! Binuksan ko ang pinto at agad ding sinarado. Malapit ng dumilim kaya tinungo ko na ang bahagi kung saan ako nagluluto. Kinapa ko ang posporo sa maliit na plastic saka sinindihan ang gasera na nasa bandang ibaba. Kailangan ko na rin magluto ng hapunan ko. May stock pa ako ng ilang pirasong sardinas, noodles at tuyo. Malapit na rin naman akong magtapos at kahit panibagong haharapin na naman ang pag-aaral ko sa kolehiyo, excited pa rin ako. New life, new challenges. Siguradong mami-miss ko ang kubo na tinitirhan ko ngayon. Kahit na mag-isa na lang ako, pakiramdam ko kasama ko pa rin sina Lolo at Lola. Napangiti ako. Masakit din palang lisanin ang nagsilbing tahanan ko ng maraming taon. Hindi magtatagal ay tuluyan ko ng iiwan ang lugar na aking kinalakhan. Sana lang talaga kahit hindi ako makapasa doon sa financial assistance, makapasa ako sa scholarship. Gusto kong patunayan sa mga Tito at Tita ko na kaya kong umasenso gamit ang sarili kong kakayahan. Maaabot ko ang pangarap ko sa pamamagitan ng angkin kong katalinuhan. I’ll make you proud, Lolo and Lola! Kinuha ko ang bigasan at nilagyan ang kaldero. Sunod kong hinugasan ang bigas at sinabawan. Pagkatapos, nilagyan ko ng tuyong kahoy ang tatlong bato na nagsilbing lutuan ko mula noon pa. May mga papel sa kanang gilid at iyon inilagay ko ‘yon sa bandang ilalim saka sinindihan. Kailangan kong tipirin ang gas na laman ng gasera upang tumagal pa ng ilang gabi. Sunod kong sinigurado na nakasara ang mga bintana. Mahirap na at baka may masasamang tao na biglang maligaw. Ilang metro rin ang layo ng bahay nil Anika na tangi kong mahihingan ng tulong kung sakaling may mangyari. Inihanda ko na rin ang pinggan at lalagyan ng sardinas na uulamin ko. Mabilis lang naman maluto ang sinaing kong bigas. May maliit na banyo sa kanang bahagi kung saan ako naliligo. Kapag walang pasok ay sa batis ako naliligo kapag natapos na akong mag-ibig ng tubig. Pinupuno ko ang dalawang may kalakihang dram at ang banga na nilalagyan ko ng inumin kong tubig. Kapag may pasok sa eskwela ay napagkakasya ko ang lahat ng inibig ko. Minsan ay tinutulungan ako ni Anika kapag wala itong ginagawa sa bahay nila. Kapag sinuwerte pa, kasama ko sa bahay si Anika sa kubo. Nang balikan ko ang sinaing ko ay halos papaluto na. Ang init! Dumiretso na ako ng banyo at dali-daling naghilamos at naglinis ng buong katawan. Ang sarap sa pakiramdam! Tila naglaho lahat ng pagod ko sa buong araw na pagpila! Nagpalit ako ng damit saka tinungo na ulit ang lutuan. Hinango ang kaldero saka inilagay sa mesa na may saping papel. Mainit pa kasi iyon at baka matuluyang masira ang maliit na mesang noon pa nilikha ni Lolo. “Kakain na ako!” Excited ako sa tuwing nasa mesa ako dahil lagi akong may pagkain na nakahain. “Thank you Lord for these food. Amen!” “Tao po! Tao po!” anang boses sa labas. Natigil ako sa pag sign of the cross dahil doon. May tao sa labas at kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ng isang lalaki! Lord God, ano na ang gagawin ko? Kahit kailan ay walang naligaw sa kubo ng kalat na ang dilim! Kung boses sana ni Anika iyon ay hindi ako magdadalawang-isip na buksan iyon. “Tao po! Tao po!” makulit na wika ng lalaking boses. “Maaari ba akong makituloy? Naligaw po kasi ako. Nahiwalay ako sa mga kasama ko. Tao po! Huwag po kayong mag-alala, mabuti po akong tao!” Kung tutuusin, hindi naman mahirap sirain ang pintong kawayan kung gusto talagang makapasok ng estranghero na nasa labas. “Sino ka? Bakit dapat kitang pagbuksan?” Dinukot sa dingding ang itak. “Pasensiya na po, Ale. Kailangan ko lang ng matutuluyan ngayong gabi. Hindi ko na alam kung saang direksiyon ang mga kasama ko. Promise po, mabait po ako. Hindi lang talaga ako sanay sa ganitong lugar. Aalis din po ako agad kinabukasan.” “Hindi ako naniniwala sa iyo! Maraming naglipanang masasamang tao sa panahon ngayon!” Akala niya siguro mapapaniwala niya ako agad! Hindi ako pinanganak kahapon kaya hindi niya ako maiisahan. “Nangangako po akong hindi ako masamang tao. Kung okay lang po sa inyo, kahit dito na lang ako sa labas.” Hindi na ako sumagot. Mahina namang kumaluskos ang lalaki at nang silipin ko ay pumuwesto lang sa gilid ng pinto at doon umupo. Bumalik ako sa mesa upang ipagpatuloy ang pagkain. Hinayaan ko lang ang lalaki sa labas. Kailangan ko ng lakas dahil tiyak na hindi ako makakatulog. Babantayan ko ang lalaki. Natapos na ako sa pagkain ngunit wala na akong marinig ni kaluskos mula sa labas. Patay na kaya siya? Pero paano mangyayari iyon? Baka nakatulog lang. Idinikit ko ang taenga ko sa pinto, pinakikinggan ko kung may ano mang kakaibang ingay o tunog. “Diyos ko! Hindi naman po siguro siya tuluyang humimlay na.” Kapag nangyari iyon ay mapagkakamalan pa akong killer. Agad kong binuksan ang pinto at natagpuang nakahiga ang lalaki sa gilid. May mga d**o naman sa kinahihigaan nito kaya siguro doon nito naisipang pumuwesto. “Hoy, gising. Lalamigin ka rito sa labas. Doon ka na lang sa loob. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo, e. Sagutin pa kita.” Marahan kong niyugyog ang balikat nito pagkatapos kong masiguro na wala itong dalang bagay na makakasakit. “A-Ale?” anito. “Pumasok ka na sa loob.” Malaki ang bulto ng lalaki. “Sigurado kang naligaw ka lang ha?” “O-opo!” mabilis nitong sagot. Nang bumangon ito ay tila namukhaan ko siya. “Teka, parang kilala kita. Nakita na kita, e.” Pinakatitigan ko ang mukha at ganoon din siya sa akin. “Ikaw!” sabay naming sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD