KABANATA 3

1070 Words
“ZOIE, pinapapunta ka ‘nong lalaki na nagbigay sa iyo ng form. Ikaw daw ang magpasa ng form mo,” sabi ni Anika. “Bakit ‘yong iba, sabay-sabay na nagpasa? May tinanong ba sa iyo pagkatapos mong ipasa ang form?” Nang sulyapan ko ang lalaking kausap ko kanina ay bahagyang nakangisi ito. “Wala naman. Tinanggap lang ang form tapos tinanong lang ako kung kanino ang isang form na binigay ko.” Npakamot sa ulo si Anika. “Tinuro kita ‘tapos ang sabi sa akin papuntahin daw kita roon. Ikaw daw ang dapat magpasa.” “Hayaan mo na sila! Hindi ako lalapit doon! Bahala na kung matanggap ako o hindi. Hihintayin ko na lang ang resulta ng naunang scholarship na inaplayan ko.” Tumayo na ako at inirapan ang lalaking nakatingin pa rin sa gawi ko. “Namimili yata sila ng gusto nilang tulungan.” “Zoie, sayang naman! Ang sabi kasi ni Tatay, lahat raw ng magpi-fill-up ng form, sure na mabibigyan ng financial assistance. Ayaw mo ba ng ganoon? Hindi ka na mamomoroblema ng isang taon mong pang-boarding house at gagamitin sa eskwela. Mayaman kasi talaga sila na ang nais ay makatulong sa mga katulad natin.” Tinapik-tapik ako sa balikat ni Anika kasunod ng malakas kong pagbuga ng hangin. Malapit na ako magkolehiyo at kailangang-kailangan ko talaga ng panustos sa lahat ng mga gastusin ko. Hindi na ako maaari pang humingi ng tulong sa mababait kong Tito at Tita dahil tinanggihan ko na rin ang alok nila. Isa pa, alam ko naman na gagamitin lang nila ako para sa kapakanan ng pinsan kong napakabait sa akin. “Sige na, Zoie. Pumunta ka na ro’n. Pogi naman ‘yong lalaki, e. Malay mo, gusto ka lang ulit makita sa malapitan. Na-hipnotize mo yata. Tatawa-tawa lang ang magaling kong kaibigan. “Sira ka talaga. Hindi magkakagusto sa akin ang mga ganoon tipong lalaki. Mayaman sila, sabi mo pogi pa. Malayo sa estado ng buhay natin lalo na ako na ulila. Trip lang ako siguro niyon.” Kaunti na lang ang nakapila upang magpasa ng form subalit halatang-halata na nakatuon sa akin ang tingin ng lalaki. “Sige na nga. Para sa pangkolehiyo ko.” “Tama ‘yan, Zoie. Ipaglaban mo ang ‘yong kinabukasan.” Si Anika pa mismo ang nagtulak sa akin upang humakbang na. Pangiti-ngiti naman ang lalaki na nakausap ko kanina. Habang naglalakad ako hindi ko maiwasan ang mainis. Gusto lang ako gantihan ng lalaking iyon dahil sa sinabi ko kanina. Sinungitan ba naman niya ako, e. Sino ba naman ang hindi maiinis? Hindi ba halata na seryoso ako sa financial assistance nila? Pumila nga ako, e. Hindi ko lang naring ang sinabi niya, tinarayan na agad ako? Daig pa ‘yong nagme-menopause! Mahina akong tumikhim nang makalapit ako. Sakto naman na ako na lang ang nasa pila. May dalawa pang lalaki na katabi ang mataray na lalaki at sabay na napatingin sa akin. “Miss, may kaillangan ka ba?” tanong ng isa na may pinaka-cute na mukha. Mayamaya pa ay ngumiti ito. Lumabas ang dalawang dimple sa magkabilang bahagi ng labi ng lalaki na lalong nakadagdag ng pagiging cute nito. “Itatanong ko lang po – “ “She’s mine. Nasa akin ng form niya. May mga katanungan lang ako sa kanya,” sabad ng lalaking titig na titig sa akin. “Leave her to me.” Bigla akong nanliit nang tumayo ito. Di-hamak na parang insekto lang ako sa laki nito. “Alright, Marcus. Just don’t scare her,” ani ng isang lalaki saka tinanguhan ‘yong cute na isa pang lalaki. Umalis ang dalawa na parang bula. Ang iba pa nilang kasamahan sa bandang likuran ay isa-isang tumayo at sumunod sa dalawa. “So, your name is Zoie Madrigal? Paano mo maipapakita sa akin na deserving ka sa assistance na ibibigay namin?” Nakataas ang isang gilid ng labi na tanong nito. “Only the deserving recipients will be chosen.” Nanliit ang mga mata ko. “Mawalang galang na po, Ginoong…” Pilit niyang inalala ang pangalan na binanggit ng isang lalaki na umalis. “Ginoong Marcus…hindi po ba ninyo binasa ang form ko? Hindi po ba nakalagay doon ang sagot sa tanong ninyo?” Pinantayan ko ang titig nito. Akala niya siguro ay isang easy woman ako. Well, hindi pa naman isang full woman ang maitatawag sa akin ngunit ganoon na rin naman iyon. Nginitian ko siya ng walang kasing tamis. “Then, define what you wrote here.” Iwinagayway nito ang hawak na papel. “Ang sabi mo rito, you are deserving because you are an intelligent and hard working student. The assistance you’ll give me will not be wasted.” Tinupi na nito ang papel pagkatapos basahin. "So, can you make a further explanation according to what you wrote?” Nakapamaywang akong suminghap ng hangin. “Ginoo, hindi naman malaliim ang mga salitang ang sinulat ko, hindi po ba ninyo maintindihan? Halata naman naa magaling kayo magsalita ng ingles kaya imposibleng hindi po ninyo nauunawaan ang paliwanag na isinulat ko.” Marahan kong hinawi ang buhok ko. “May katanungan pa po ba kayo? Lahat naman po ng mga impormasyon na hiningi ninyo ay sinagutan ko, kung hindi po ninyo gusto ang sagot ko ay hindi ko na po problema iyon. Salamat po.” Tumalikod na ako. Wala na akong pakialam kung ano ng magiging kalabasan ng financial assistance application lalo pa kung ang isang Marcus na iyon ang magbe-verify ng mga detalye. Halata namang trip niya lang ako at gusto lang pahirapan. Akala niya siguro basta niya na lang ako maiisahan. Oo at ipinanganak nga akong mahirap pero totoong ipinanganak din akong may talino na siyang iniwan sa akin ng mga magulang maagang kinuha sa akin. “Miss Madrigal,” muling tawag nito sa pangalan ko. “You want some advice from me?” Nilingon ko siya na nakakunot ang noo. “Excuse me, Ginoo? Ano ang mapapala ko sa advice na ibibigay mo?” “Alam mo, matalino ka nga. Mukha naman may matapang kang kalooban but sometimes, hindi dahil sa katalinuhan at pagiging matapang lang umiikot ang ikot ng buhay. Your weakness might also help in unexpected ways. Hiling ko na isa ka sa matulungan namin. Salamat.” Walang babala na humakbang ito at lumapit sa akin. “Good luck,” dagdag pa na sabi nito bago ako nilampasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD