Kabanata 2: Mr. M

1286 Words
I never enjoy my life the way it suppose to be. I became a robot and been a good girl in front of everyone. Pero iyong dumaan ang ilang taon... Iyong pag-aaral ko at paghahanap ng trabaho... I am experiencing panic attacks and all. It's been six years, but I am still afraid of that shadow. That encounter. Hindi ko mabura sa isipan ang tagpo na iyon kahit ipilit ko pa. Lalo na't determinado ito noon na makuha ko... I am sure na babalik siya... Babalik ang lalaking iyon. "Helena," a guy tapped my back. Napatayo ako sa hawak niya. Isa pa sa naging epekto sakin noong halimaw na iyon ay ang maging alerto sa harapan ng ibang lalaki. I am his puppet. After those six years... Para akong sunud-sunuran sa bagay na kinakatakutan. I am being a good girl, not talking with anyone—I am almost lifeless because I want to prevent that demon coming here! "Pinapatawag ka ni boss," si Paul. Sinipat ako nito ng tingin. "Don't be so tense... Wala naman akong ginagawa sayo," iling nito bago umalis. Everyone thinks that I am a weirdo. Siguro nga kung hindi lang dahil sa mataas na background education ko—hindi nila ako patatagalin sa trabaho. "Ms. Luna," mariing tawag nito noong makapasok ako sa pintuan. Ibinaba ni Mr. Salcedo ang salamin at tinignan ako ng masama. "Ang sabi ko, amuhin mo ang investors at hindi sabuyan ng tubig! Anong ginagawa mo, Ms. Luna? Do you think I will tolerate your bad behavior because of your background?!" May kutob ako na si Mr. M din ang nagpapasok sa'kin dito. Doon pa rin ako sa mansyon ni Mr. M pero nagp-plano na akong bumukod. Mabilis akong umiling sa sinabi ng aking boss. I never... want to be like this too. Praning, weirdo, at parang may sakit... I never wanted this... "H-Hindi ganon, sir..." "Anong hindi?! Ganon ang nakikita ko! Umalis ka na dito sa kumpanya dahil you are fired for being such an incompetent employee!" Natigilan ako sa sigaw ni Mr. Salcedo. Sanay na ako sa ganong sigaw pero hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho! Nag-pplano akong bumukod at wala sa plano... ang matanggal sa trabaho. "S-Sir," I plead and started to cry, shooking my head. "I am so sorry for what happened. H-Hindi na po iyon mauulit. W-Wag niyo naman po ako sisantehen—" "Iintindihin mo ba ang sinabi ko o ipapakaladkad kita sa mga guard?!" Gigil na tanong nito sa'kin at pinandilatan ako ng mata. "Ang yaman mo, Ms. Luna. Kung hindi ka lang alaga... Tsk... But you are really incompetent so surely Mr. M will understand..." he sighed. Isinandal nito ang kanyang ulo sa swivel chair at pinaikot. Tama nga ang hinala ko. Si Mr. M. Kahit may kutob ako... it still hurt my feelings... "Oh? Ano pang tinitignan mo?" Si boss. "Wag mo sabihin na hindi mo alam na pinapasok ka lang ni Mr. M para dito?" Iling nito. Bumagsak ang balikat ko at pinigil na ang luha. Tinalikuran ko na ang aking boss. So, I am really incompetent huh? Grabe... Ang malas ko. Sobrang malas. Nagpasya ako na dumiretso muna sa banyo para umihi. Bitbit ang rosaryo, I prayed to never see him again. Not her. Not now. Naisip ko lang na sa tuwing mag-isa ako—magdadasal ako. At inisip ko na panangga ang dalangin na 'yon. "Girl, buti nga sinesante na siya. Praning yan 'eh!" Natigilan ako sa pagdadasal. "Oo te! Grabe, parang allergic sa lalaki kung makalayo!" "True. Feeling ko need niya ng professional help bakla..." "Ay bakit? May tama na ba ang utak?" Ang isa ko pang ka-trabaho. Hindi na nagpakita sa'kin ang halimaw. But it changed how I live and everything. Maraming tao ang may ayaw sa'kin dahil sa ugali ko. Mr. M didn't bother to heal me or get me into a psychiatrist. Nanahimik na din ako matapos noong huling tagpo namin noong halimaw. Baka kasi pag nagpatingin ako, bumalik siya ulit... O magalit. Sino ba namang maniniwala sa'kin sa ganon? Baliw lang ang tingin sa'kin ng iba. Anim na taon na... Gusto ko lang mag-ingat.. Wag na sana siya bumalik. Ngayong may trabaho naman—hindi ko magawa dahil nga nag-iipon ako para sa sariling bahay. I am planning to move out. . "Aalis ka ba talaga anak? Hindi ba magagalit si Mr. M niyan?" Napalingon ako sa ginang. Tanggal na ako sa trabaho at baka pag nalaman iyon ni Mr. M maging pabigat na talaga ang tingin niya sakin. May naipon naman na akong kaunti. This is a very bad timing for me. Pero pwede naman maghanap ng ibang trabaho, hindi ba? Nakakahiya na. Hindi ko naman gusto maging palamunin hanggang sa tumanda ako. Ayokong umasa kay Mr. M ng sobrang tagal. Hindi ko din kilala si Mr. M. I am turning twenty-six but I don't know him yet. Siguro sapat na ang taon na 'yon para alagaan niya ang isang tulad kong ulilang lubos. "Hindi ata magugustuhan ni Mr. M 'to, Helena..." "Pwede ko po ba siya makausap sa telepono?" Kahit tinig lang ng boses nito—hindi ko rin nakilala si Mr. M... Si Manang Toria lang ang may contact sa lalaki. "Naku anak... Hindi ko alam kung papayag si Mr. M..." Si Manang at lumapit sa'min. "Pero alam mo naman 'yon si ser... Alagang-alaga ka—" "Hindi ko nga po siya kilala," putol ko sakanila. Iba ang depinisyon nila ng alaga sakin. "Pero ang alam ko, malaki ang utang na loob ko sakanya... Kaya gusto ko magpaalam." Tapos na ako mag-impake. Ang balak ko talaga ay pumunta sa isang simbahan at doon manuluyan bilang madre. I will go... faraway... From that monster... so I can sleep tight... without any nightmares. "Helena?" May kumatok sa pintuan. "Ito na ang telepono ni Mr. M..." Nanlaki ang mata ko at dahan-dahan napatayo sa kama. "P-Pumayag po siya?" "Gusto ka niya makausap..." Hindi ako sinagot nito sa tanong. "Sige na..." aniya at iniabot sakin ang phone. Nagtataka din siya kung paano pumayag si Mr. M. Hindi ko mapigilan kabahan. Iba pala talaga pag nasa harap mo na ang hiniling. Akala ko imposible ang araw na 'to—ang araw na maririnig ko siya. Hiniling ko kanina, pero hindi ko inakala na makukuha ko. "Helena Elise," a cold baritone voice called me. Nanindig ang balahibo ko sa tawag nito sa'kin. So... this is his voice. Malamig at malalim. He sounds... intimidating. As expected. "Helena Elise, are you sure about your decision?" Napaamang ang labi ko. Hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon! Akala ko ay pagagalitan niya ako! "O-Opo..." Tumango ako. "Okay... If that's what you like... You can go..." He easily said. "T-Talaga po?" "Yes Elise..." I didn't expect that it will be easy. Akala ko ay isusumbat niya sakin lahat ng pera na ginastos para mabuhay ako. "Salamat Mr. M... I will be forever grateful to you... Pero hindi naman po ako aalis talaga... I can v-visit po..." "You can do whatever you want, Elise. I will see you soon then..." I will see you soon then? Anong ibig sabihin niya doon? Nagtataka akong ibinaba ang tawag. Sa wakas... After years of this tormenting feeling—makakaalis na ako sa mansyon kung saan nangyari ang bangungot ko sa buhay. "Saan ka pupunta, Helena? Saan ka tutuloy?" "Sa probinsya po," I told them. "Mura lang po ang pamumuhay doon... At mura ang bahay..." Doon din ako papasok sa kumbento. Pero hindi ko sinabi ang bagay na 'yon. Anim na taon na ang nakakalipas. Sinubukan kong huwag maniwala, hayaan, takbuhan, pero ang kagat niya sa leeg ko ang nagpapatunay na totoo siya... It haunts me until now... at ako lang... ang nakakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD