Chapter 10: Charot! Napaka harot!

3702 Words
Marisa's POV Flashback "Nasan na ba tayo?" Tanong ko ky Ion habang nanginginig sa takot. Promise, kakapanuod ko pa lang ng Wrong turn tapos ito kami ngayon pa laboy-laboy dito sa lugar kung saan napaka dilim. Bakit kasi dito pa pumunta si Hideo sa maraming kahoy e parang lansangan nato dito tapos yung isip ko ay hindi maka pag focus kasi baka may biglang humila sakin dito. "Hideooo? Bro? Labas ka na parang awa mo na." pagmamakaawa ni Ion na parang iiyak na bata. "Hindi ko na masikmura makasama tong babaeng to." Napakunot naman ang aking noo sa sinabi ng kumag nato. As if naman ginusto ko rin to? Kung hindi lang sana parang galit si Eunnie kanina edi sana sa kanya ako sumama. Erset naman! "Inaano ba kita this time, ha? E kung sikmurain kita jan? Umayos ka ah!" sagot ko at itinutok ang flashlight ng phone ko sa mga mata nya. "Aray, ano ba! I-alis mo nga yan!" pag rereklamo nya at hinampas nya ng mahina ang kamay ko. "Mas malala ka pa pala sa mga killer dun sa wrong turn e. Mukha mo palang, kaumay na." sabi ko at nag patuloy sa paglalakad. "Hideo!" pagtawag ko at nagpatuloy parin. Napapataas yung pag hakbang ko ng aking paa kasi makapal yung d**o tapos matitinik pa yung iba. "Hideoooo!" Pag tawag ko ulit. Asan na ba kasi yun, pati ky Eunnie ay nag aalala na ako. Malayo-layo na yung nalakad ko at napansin kong parang ang tahimik ng paligid. Teka, may kasama ako kanina e! Napalingon ako sa likuran ko at hindi mahagilap si ion. "Walang hiya yung lalaking yun, asan na ba yun." Inis kong pag rereklamo. Talaga bang iniwan ako nun? walang hiya, ba't ko ba binanggit yung wrong turn kanina e, naiimagine ko na tuloy ngayon na andito lang sila sa kapaligiran. Naka ramdam na ako ng kaba kasi iniwan talaga ako ng magaling na Ion na yun e. Hindi ko talaga mapapatawad yung kumag nayun. "Ion, hindi to magandang biro ah! Lumabas ka na jan, ano ba! Wala akong oras makipag lokohan sa yo!" Pasigaw kong sabi. Namumuro na talaga yung lalaking yun e. Inilibot ko parin ang aking mga mata sa paligid. Gugulatin na naman ako ng lalaking yun, walang hiya talaga. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hinayaan na sya. Kahit kailan talaga, hindi nag mature utak nun. Naglalakad lang ako nang may narinig akong tunog sa di kalayuan. Hindi ko malaman laman kung ano yun basta may narinig ako. Pumasok na naman sa isip ko yung movie na napanood ko, kaya halos maiiyak na ako sa sittwasyon kong to. Hindi ko pa naranasan maging dito sa lugar na to no, wala akong experience maglakad lakad sa lugar kung saan ang daming kahoy na naka palibot tapos ang tahimik pa ng paligid at pang horror talaga yung mga ganitong sitwasyon e.  "Ion naman e. Makakatikim ka talaga sakin, makikita mo!" Paiyak kong sabi kasi hindi ko na talaga kinakaya, kasi matatakotin nga kasi ako, matakotin na mahilig manuod ng movies na horror, suspense, thriller, yung mga ganun. Inikot ko yung paningin ko sa paligid pero hindi ko talaga makita si Ion.  Lumingon ako sa harap upang magpatuloy sa paglalakad nang biglang... "HULI KAAAAA!" malakas nyang sabi kaya napasigaw ako ng wala sa oras sabay natapon yung phone ko. "AAAAAAHHHH!!!!!!! LESHENG BATA KAAAAA!!!!!!" Patuloy na pagsigaw ko habang sya ay tawang-tawa. Hindi ko na talaga kaya at napaiyak na ako at kusang kumilos yung mga paa ko papunta sa kanya at niyakap sya agad. Natigil naman anng kanyang pagtawa pagdating ko sa puntong niyakap na sya. "Leche ka!  Hindi mo alam halos himatayin nako dun!" sabi ko at patuloy lang sa pag iyak. "W-woooaah! Marisa, is this you?" natatawa nyang sabi. "Tumigil ka! Hindi ako ginaganun ng mga parents ko!" sagot ko at nakayakap parin sa kanya. "o-oy...c.chansing k..ana!" sabi nya at pilit nya akong inilayo sa kanya kaya napabitaw ako sa pagkakayakap at napayuko. Kahit naman ako, masasabi kong ang awkward ng scene ngayon kasi hindi naman kami ganito pero kaya ko lang yun nagawa dahil sa takot ko. "ako pa yung sinisisi mo e halos mamamatay na ako kanina dahil sa mga tumatakbo sa isip ko! Ayokong maging emosyonal dahil hindi ako ganun, kaya leche ka!" inis kong sabi sa kanya. Bigla naman syang lumapit sakin saka pinunasan yung luha ko na mas ikinagulat ko pa. "Sorry po."  He said then our eyes met. This is so unusual kasi hindi kami ganito, kaya napaka awkward talaga ng atmosphere ngayon. Ano ba Marisa, get back to your senses! Napailing ako ng kunti at hinampas ang kamay nya at umatras. Agad ko naman pinulot yung phone ko na natapon ko kanina. Sana naman hindi pa ito sira kasi hindi ko na ma aafford bumili pa nito no, hindi naman ako tulad ni Ion na sobrang yaman ng family na kayang mabili kahit anong gusto nya. "Walang ya ka talaga, Ion!" Sigaw ko nung may c***k sa screen yung phone ko. Nag hanap ako ng kahoy na pwedeng ipamalo sa kanya kasi nanlilisik na talaga yung mga mata ko pag nakikita tong kumag nato. "Humanda ka." sabi ko nung nakapulot ako ng kahoy. Agad naman syang tumakbo papalayo sakin kahit nahihirapan sya dahil sa mga nakaharang na mga halaman. Hindi ko naimagine na maghahabulan parin pala kami hanggang dito. "Bumalik ka dito!" Sigaw ko nang biglang umulan ng malakas. Panira talaga, ba't ngayon pa? Wala akong mahanap na pwede mapagsilungan kasi hindi gaanong makapal ang mga dahon sa mga puno na nakikita ko. Hindi na nag on yung phone ko kaya ang tanging liwanag na meron ay ang buwan. Nawala na naman sa paningin ko si Ion kaya bumalik ulit yung takot ko nung biglang kumulog ng napaka lakas. Naku naman po, bigla akong napaisip ky Eunnie, mag isa lang sya wala syang kasama, papano kung merong masamang nangyari sa kanya? Natatakot na siguro yun ngayon. Napahinto ako at tinakpan ang aking tenga dahil sa lakas nito at napa upo narin ako. "Walang hiya ka talaga, Ion! Sorry, sorry ka pa tapos mang iiwan ka pala ulit!" Sabi ko at napaiyak. Talagang nakakatakot dito sa kung saan ako ngayon kasi madilim tapos kumukulog pa. Napaka malas naman talaga, bakit pa kami pumunta dito!  Tumayo ako at nagsimulang tumakbo nang bigla akong natumba dahil sa hindi ko nakitang may matulis na kahoy ang nakaharang dito. Napapikit ako sa hapdi dahil naramdaman kong may dugong lumabas. Mas umiyak pa ako ng tudo dahil sa matatakotin ako sa dugo. Sana kasi hindi ko nalang sya tinakot kanina e, hindi sana to nangyari ngayon. Siguro, kaparusahan ko rin to kasi lagi ko syang binabatokan, hinahampas, hinahabol. Umiyak nalang ako sabay sa pag patak ng malakas na ulan habang iniinda ang sakit.  Hinihimas ko yung gilid ng sugat ko nang biglang bumalik si Ion na tumatakbo. "Anong nangyari sayo?" tanong nya pero tiningnan ko lang sya. Hindi na ako nag salita kasi baka hindi ko na naman mapigilan ang bibig kong magsabi ng kung ano-ano. Napatingin sya sa paa ko na hinahawakan ko at hinawakan nya yun. "Ikaw kasi e..." sabi nya at tinanggal yung scarf nya saka tinali dun sa paa ko. "Ewan ko ba kasi sayo. Ke liit mong babae pero napaka lakas mo mambugbog. Nakakatakot na lumapit sayo." dagdag nya habang inaayos yung pag tali. Dito ko lang din nakita ang ganitong side ni Ion. Sa tagal naming magkasama sa school, ngayon ko lang sya nakitang ganyan, kasi palagi kaming nag iinisan nyan, sino ba ang mag aakala na may ganitong side pala tong taong to. "May nakita akong puno dun banda." sabay turo nya sa direksyon kung saan sya galing. "Buhatin na kita." dagdag nya at binuhat ako agad kahit hindi pa ako nakakasagot. Sa ilang taon namin na pag iinisan sa isa't isa hindi ko talaga lubusang maisip na mangyayari ang ganitong pagkakataon na kung saan lalabas yung ganitong Ion. Nakarating kami kaagad sa punong sinasabi nya kaya dahan-dahan nya akong ipinaupo. Malaki nga yung puno, hindi kami masyadong nababasa kaya okay narin. "Ba't ka pala napabalik dun?" tanong ko sa kanya. "E malamang, ang lakas ng ulan, alangan naman iwan kita dun, e kanina ngang ginulat kita, iyak ka na ng iyak. Ayokong maging responsable sa kung ano mang mangyari sayo na masama kaya binalikan kita." pagpapaliwanag nya. "Kaya wag ka na mag expect ng higit pa dun, baka isipin mo concern ako sayo." "Cheh!" sabi ko sabay irap. Natawa naman sya "Hindi ko lubos maisip may ganun ka palang side? Crybaby, ngeeee!" sabay tawa nya kaya muntikan ko na syang mahampas pero pinigilan ko sarili ko. Bumalik na naman sya sa Ion na nakilala ko, Hayst! "Nasan na kaya si Eunnie at Hideo ngyayon? Nagkita na kaya sila?" pag aalalang tanong ko. "Teka, wala tayong karapatang mag hintay lang dito habang yung dalawa pang kasama natin e wala pa dito!" sabi ko at napatayo kahit hindi ako maayos na nakakalakad. Bahala na, kasi labag naman sa konsensya kong maghintay lang dito habang si Eunnie ay hindi ko alam kung anong nangyari na. Tumayo rin si Ion at inilagay nya yung kamay ko sa balikat nya. "Para hindi ka na mahirapan, wag ka lang assuming." sabi nya kaya napairap ako. Naglalakad na kami at ang tanging ilaw lang namin ay ang liwanag lang talaga ng buwan. Lakad lang kami ng lakad, at nararamdaman ko rin yung paghihirap ni Ion baka kasi siguro nabibigatan sa kamay ko kaya hindi makakilos ng maayos. "Dito na tayo dumaan, mas walang mga puno dito o." pag ooffer ko. "Hindi natin alam anong meron jan kaya dito na." sabi nya naman "Dito nga lang kasi mas malinaw dito oh." pamimilit ko kaya wala syang nagawa. Ang laks ng ulan ngayon kaya panay rin yung punas namin sa mukha. Isa pang hakbang ay bigla akong nadulas at nahawakan ko si Ion kaya nasama ko sya. Unti-unti kaming nahuhulog at nabalot ng putik, sobrang putik. Hindi ko naman kasi inaasahan na malalim pala tung part nato kaya walang mga puno, at dahil nga dito kami dumaan, nahulog kami sa patibong ng katangahan ko. "Anak ng...sabi ko naman sayo e, dun na tayo sa kabila dumaan!" pagsusumbat nya sakin. Napaka dulas talaga ng daan papuntang itaas kaya mahihirapan kami ngayon lalo na't umuulan. "Sorry." sabi ko naman dahil sa kahihiyan. "Maghanap tayo ng paraan makaakyat kasi ramdam kong napahamak si Eunnie ngayon." sabi nya at tumango naman ako. End of flashback... Eunnie's POV A gentle breeze brushes my face so softly, so, I slowly open my eyes and the warm and beautiful sunshine is what I see. I look into the person sleeping next to me then I remembered the memories last night. I smiled sweetly because this gentle breeze just reminded me of his soft kisses and gentle touch to me. I made his arm as my pillow and it's a good thing that he's still sleeping coz I don't want him to see how I'm blushing right now. Na realize kong dito talaga kami nakatulog sa ilalim ng punong andito ngayon tas knowing ang lakas ng ulan kagabi . Hindi ko ini-expect na makakatulog kami dito na may kaunting putik. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Baka ampanget ko pag gising ni Hideo, nakakahiya pag naging ganun. Ilang sandali ay nagising narin sya kaya nagmadali akong tumayo. "Ahh..gising ka na pala. Good morning." sabi ko sa kanya ng may ngiti. Ba't ba ang laki ng ngiti ko ngayon? Hmm Kitang kita naman sa kanya na parang naguguluhan sya at nagtataka kung bakit kami andito. Alam kong hindi mo na yun maaalala ang kagabi kaya ibaon nalang natin yun sa limot hanggang sa sumapit na naman ang gabi. "San yung mga kasama natin? B...ba't tayo andito?" tiningnan nya ang paligid at kumunot ang noo. "Uhh..k-kasi..." "May nagawa ba ako kagabi?" tanong nya sakin. Pano ba to, uhm, ginawa? Hindi ko alam kung paano to sasagutin. "May ipagtatapat ako." "a-ano yun?" "Alam kong mabibigla ka dito pero sa palagay ko ay maysakit ako kasi hindi ko naaalala ang nangyayari tuwing gabi. kaya wala akong ideya kung ano ang ginawa ko." pagpapaliwanag nya at napakamot sa ulo. Nagpipigil naman ako ng tawa dahil naaalala ko pa kung gaano sya ka cheesy kagabi.  "Mahal nga kasi kita!" Choss! Lumalakas lang pala loob mo tuwing gabi e. Napaamin ba naman, hayst. Kung nalaman ko lang ng mas maaga, at kung alam mo lang pano ako mag daydream sayo nuun. "B..ba't ka na natatawa? Kung may ginawa akong hindi maganda, sabihan mo kaagad ako." "Hindi maganda? wala no. Maganda yung ginawa nat-este, mo kagabi." muntikan na yun ah. "Pano naging maganda?" "E kasi...binalikan mo ako noong naiwan ako mag isa dito." pagpapaliwanag ko naman. Parang awkward din kasi na sabihin sa kanya yung nangyari samin kagabi kasi ako lang nakakaalala. "So, ba't ka andito kagabi?"   "e kasi..." Mag isip kang mabuti, Eunnie! "Nawala ako. Oo, tama, nawala ako kasi nag naglaro kasi tayo ng hide and seek kagabi tapos ayon...ang lakas ng ulan kaya nakatulog tayo dito." sapilitan ko namang ngiti at napatango naman sya. "Sigurado akong tatawanan mo to mamaya." sabay tawa ko. Naiwan naman syang nagtataka. "Tara na bumalik na tayo, baka nag aalala na yung dalawa." sabi ko at pinulot yung flashlight. Mas madali ng mahanap ang daan palabas kasi maliwanag na kaya hindi na kami mahihirapan. Ilang sandali ay nakalabas narin kami pero napa nga-nga ako dahil halos hindi na maitsura ang mga gamit namin. Basang basa yung dalawang tent tapos ang daming natangay ng hangin. Agag ko naman chineck yung mga gamit sa loob at sobrang basa nito. Yung phone ko ay nasa loob ng bag ko at parang hindi naman ito masyadong nabasa kasi nag on pa ito.  "Malakas pala talaga ang ulan kagabi." sabi ni Hideo. Naalala ko naman sina Marisa at Ion. Ba't wala pa sila dito? Asan ba yung dalawa? Bigla nalang akong nag alala dahil hindi pa sila nakakabalik. "Nasan na pala si Marisa at Ion?" tanong nya bigla kaya napaisip ako ng sasabihin na naman. "Ahh..kasi..alam mo naman yun, pag sinabing hide and seek, mahuhulog sa habolan ang mangyayari sa kanilang dalawa" "sa bagay" sagot nya't napatango. Pinagmasdan ko lang sya habang tinatanggal ang mga putik na natitira sa balat nya. "Ahm, Hideo." Pagtawag ko sa kanya habang nakangisi. Hindi naman sya naging komportable dun. Unti unti akong lumapit sa kanya at napayakap sa kanya habang nakatingin parin sa kanya habang sya ay clueless parin. Pinagmamasdan ko lamang sya na hindi makatingin ng diritso sakin. Pa confess-confess kapa sakin kagabi kaya panagutan mo yun. "Eun?" Tanging sagot nya. "Sinasabi ko na nga ba, may ginawa akong hindi maganda kagabi." Napa pout naman ako. "How can you tell?" I asked teasingly then gave him a kiss on his cheek. Apaka taas nya kaya napa tiptoe ako at napansin ko naman syang biglang bigla. I don't have to immediately shoot for his lips this times since magugulat talaga sya, for sure.  For now, gusto ko ma clear kung ano talaga  yung label naming dalawa, kasi ora-orada yung kiss kagabi tapos hindi pa nga nanliligaw tong isa, pero pano ko naman yun sasabihin? San ko sisimulan? Ang panget din naman kasi na ako mag initiate ng ganun no. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at umatras kasi aayosin nalang sana ang mga gamit namin nang hilain nya ako pabalik. "Nanghihila ka naman." tamad kong sabi. "Ba't mo ba laging ginagawa sakin to?" "Ang alin?" pag tataka ko. "Ba't ka ba palaging gumagawa ng mga bagay na nakakapagpa kaba sakin? Palagi ka nalang gumagawa ng mga bagay na ikakalakas ng t***k ng pusong to. Palagi ka nalang nagpapa cute sa harapan ko na tumataas yung balahibo ko lalo na pag nagkakalapit mukha nating dalawa. Hindi mo man lang ba iniisip ang magiging bunga nung mga bagay na ginagawa mo? Alalahanin mong lalaki parin ako." sabi nya at napatalikod. Hindi ko naman maiwasang pigilan ang tawa ko kasi ang cute nya. Paligoy ligoy pa sya ngayon e lakas nga ng loob nyang gawin yung kagabi e.  "So, ganun pala epekto ng kamandag ko sayo? Ha?" sabay sundot ko sa tagiliran nya. "Uy, na develop sya sakin." sabay ngiti ko ng nakakaasar. "Pero, cute lang talaga ako?" Naiilang naman syang tumingin sakin. "Maganda ka, di yun pambobola." sabi nya't napamewang na nakatingin sakin. Girl, andito na naman tayo sa titig nato. Nakakailang na nakakatunaw kasi yung mga mata ng lalakeng to e.  "O tapos?" May inaabangan talaga akong linya nya e. "Meron pa ba?" tanong nya pabalik kaya pinanliitian ko sya ng mga mata. Of course, I'm expecting you to go beyond just complimenting my beauty and looks. I know maganda ako but I want you to confess again. Pambihira naman e!  Hindi ko nalang sya pinansin at naisipan na pulutin yung mga gamit namin na nasa labas ng tent. Bahala sya, alangan naman uunahan ko sya, parang mabigat naman yun sa side ko bilang babae no. Liligpitin ko na sana yung tent nang hawakan nya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto kita...Eun.." Seryosong sabi nya. Narinig ko narin sa dalawang Hideo yung confession pero yung ngayon naging gusto nalang. Matutuwa ba ako dito o hindi? "Wala talaga akong maalala kagabi pero pakiramdam ko talaga may nangyari kagabi, ayaw mo lang sabihin." Hindi ko alam kung anong isasagot dito sa kanya dahil feel ko maha hot seat ako kung tanungin nya pa kung ano talaga nangyari kagabi. "A-anong gusto?" nauutal kong tanong habang nakatingala para tingnan sya. He pulled me again closer to him as he lock his eyes on me. Here come's this feeling of kaba na naman everytime he look at me this way, I always get this overwhelming emotion that I cannot put into words. Yes, cheesy it is, but I think you really become cheesy once you fall in love, since, love is a cheesy thing. "Maraming beses ka ng muntikan matumba, mahulog pero nasasalo naman kita. Nung una wala lang lahat ng yun pero dahil paulit ulit yun nangyayari, nakakaramdam na ako bigla ng kaba kapag naulit na naman. Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ko sa tuwing nagkakalapit  tayong dalawa tapos kung paano mo pa ako tratohin sa loob ng isang buwan. Yun bang parang gusto mong masanay ako sayo, at oo, nasanay nga ako sa pangungulit mo. May mga hindi ako maintindihan sa sarili ko pero andyan ka na parang alam lahat at ang gaan din ng loob ko sayo. Kaya salamat, kasi sinipa mo yung bato at tinamaan ako, dahil dun nahanap kita agad." sabi nya while flashing a sweet smile on me to the point that his eyes twinkles in so much sweetness. "Ayokong pilitin ka sa mga ayaw mo, gusto ko lang tanggapin mo tong nararamdaman ko kasi nakuha mo na ng sobra itong tiwala ko." he added. I thought better sya kagabi sa sinabi nyang mahal nya ako pero it turns out na mas gusto ko tong litanya nya ngayon. I smiled back at him then held his hands. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon na dalawang beses kang umamin tapos ganito pa. Myghad, ganito pala feeling ng mga main female lead sa mga palabas. "Gusto rin kasi kita" Gusto kong sabihin yan ngayon pero kailangan ko parin naman maghintay kung kelan sya manliligaw. Napaisip ako, phrases like I like you & I love you mean a lot but it's not that creative at all, it's the intense feeling that spice things up. So, mas magandang sabihin yun sa kanya in a perfect timing. "Liligawan na kita simula ngayon." he said then a kiss landed on my forehead. "Wala na yung bawian ha?" sabi ko at natawa. Tumango naman sya. "Oo naman! Buo na desisyon ko." sagot nya naman. Nagpipigil lang talaga ako ng kilig e, syiempre, wag tayo pahalata. "EUNIIEEEE!!" Napatingin naman kami sa nagtawag sakin at nakakita ng dalawang taong nababalot ng putik. Papalapit sila samin kaya nagtaka ako kung sino sila. "Walang hiya kayo! Nandito na pala kayo!" "Marisa? Ion?" tanong ko at napamewang naman si Marisa. Muntik na namin syang makalimutan ah! "Ano bang nangyari sa inyo kagabi?" "Eunnie." sabi ni Ion at niyakap ako. "Buti nalang okay kayo, alalang alala kami sa inyo." pagpapatuloy nya. Tinanggal naman sya ni Hideo mula sa pagkakayakap sakin at niyakap nya ito. "Ako nalang yakapin mo." sabi ni Hideo habang natawa. "Teka, di ko pa tapos yakapin kaibigaan k-" "Ako nga lang yakapin mo." sagot ni Hideo at niyakap nya ito ng mahigpit hanggang sa nahihirapan itong huminga. "B-bro...t..ek..a!" sabi nya pero hindi pinakinggan ni Hideo kaya ako na yung nagpahiwalay sa kanila. "Sulit na yakap na yun ah?" sabi ni Hideo at ngumiti. Napa ubo naman si Ion at napa hawak sa dibdib. "Basa yung mga gamit natin kaya wala tayong magagawa." sabi ko sa kanila. "At baka pwede mong hugasan yung face mo, Marisa, kasi hindi ka na nagmumukhang tao." sabi ko na natawa ng kaunti.  "Hali ka na nga para makauwi na tayo!" sabi nya kay Ion saka hinila ito papunta sa ilog. "Tutuyo din naman yang sasakyan mo pagdating mo sa bahay nyo, or palitan mo bago." "Ano ba!" Reklamo naman ni Ion. Natatawa kaming nagmamasid  sa kanila at naisipan ko ring itulak si Hideo papunta sa ilog kasi tumigas na yung putik sa katawan nya. "Ayan, maligo ka." sabi ko habang natatawa dahil bumagsak ito. Agad naman syang tumayo at lumapit sakin. "At ikaw rin." sabi nya sabay buhat sakin. Sumigaw sigaw naman ako kasi ayoko ng mabasa pa pero huli na ang lahat kasi lumubog na ako sa tubig.  "Hid..d..eo.." I can't talk clearly kasi hindi pa ako nakaka balance ng maayos sa tubig. Agad niya naman akong hinila pataas at idinikit nya ako sa dibdib nya at tuwang tuwa naman ang loko. "Hoy! Hoy! hoy! Ano yan? ha? Natututo na bang lumangoy yung mga langgam? Andyan na sila sa paligid nyo oh." Marisa said as she crosses her arms.  Nagkilitian naman kami ni Hideo, ba't ba ang haharot namin ngayon, mas lalo pa sigurong haharot pag sumapit yung gabi kasi naaalala nya lahat. Charot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD