Chapter 11: Chiritita

3063 Words
Eunnie's POV I'm telling you, guys! Hideo is the super sweet manliligaw sa balat ng lupa. Naninibago rin ako kasi I'm not use to having a guy who is always so clingy and sweet. Ganito ba sya manligaw kasi fictional character sya? I mean, pag gagawa ka ng main male character, sisiguraduhin mong maganda yung attributes nya tapos ibulls eye mo dun sa part kung saan makukuha mo ang tili ng mga readers diba? Napaka hands on nya kahit nanliligaw pa lang sya. Ang cheesy nga minsan kasi kahit naka perfect lang ako ng 10-item quiz e, sobra nya akong icongratulate tapos ipagsisigawan nya pa yung news na yun sa hallway, myghad! Napapaisip nalang ako minsan kung abnormal tong si Hideo. Nasa ladies room ako ngayon kasi galing ako naglinis kasi schedule ko ngayon sa homeroon cleaners at dumaan ako dito para maghugas ng kamay. "Who's your bet?" rinig ko sa isang boses babae na papasok dito sa room. "That campus-crush guy, I think." sagot nung isa. Tumingin ako sa salamin at nakita si Saddie kasama ang mga alipores nya. Nang makita nya ako ay tumigil naman sila sa pintuan at nag cross arms si Saddie at sumandal sa pader. "Hey, sup?" she uttered in the usual casual way. should I respond Hello? "H-how's everyone doing?" I replied. "Are you two a thing?" Tanong bigla ni Saddie. Naguluhan naman ako. "W-who?" "Hid..eo.. Hideo, right?" paninigurado nyang tanong sa mga kasama nya, at tumango naman ang mga ito. "Yes, Hideo!" sabi nya ulit sakin. My brows creased. Pano ko ba to sasagotin? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan, kasi hello? Apat sila, ako lang mag isa. "I think it's too personal and it's on me if I answer or not." I answered smiling at her. She laughed sarcastically tapos nag smirk. "Really? It's just a yes or no, what makes it hard to answer? Am I giving you an equation? Riddle? or something?" halata naman sa mga mata nya ang inis. At teka? Ba't ba sya ganito kung makapag salita sakin? Kebago bago nya palang dito ganto na sya? At ba't ba maiinis sya kung hindi ko trip sagotin yung tanong nya? Sa inasal nya mas lalo pa akong hindi ginanahan sumagot sa tanong nya. "Why are you so desperate to know? What is it to you?" "Well..I'm a curious fan." sabi nya sabay pakita ng mapang asar na ngiti. "I envy you because you're living like a princess now for having Hideo as your knight and shining armour who is always supportive even though you got defeated in a dance showdown." So nakaabot pala sa kanya ang balitang yun. Ganun na ba talaga sya ka solid na fan para pati yun alam nya? Nag ice breaker kasi kami kahapon at dance showdown yung naganap tapos ako yung isa sa tinawag at ang kalaban ko naman ay si Mildrid. At gaya ng sabi nya, natalo nga ako, ginawa lang akong katawa tawa dun e, hindi kasi ako marunong sumayaw. "Maybe because he likes you a lot? Where did you get that love potion? I wanna have it too, like... a box?" Nagtawanan naman silang apat at nag apir. I held up a clenched fist for an instant before I tried to relax my nerves. Sarap sabunutan ng bobitang to! Kumusta kaya mag lagay ng make up ang mga two-faced b***h? "If only you were nice to me, but I hope kung gaano ka liit yang waistline mo, ganun din kalaki respeto mo sa sarili mo" sagot ko. Tinaasan nya naman ako ng kilay. Bahala ka na kung hindi mo maintindihan. Ubos na gasolina kong mag ingles! "What the f-" "I'm sorry if I offended you just like how you treated me earlier. I don't know what makes you stupid, but it really works, so, stay angry coz it fits you well." sabay bangga sa kanya ng kaunit. "Padaan." sabi ko sa mga alipores nya at nag give way naman ang mga ito. Nung naka labas na ako ay narinig ko naman ang pagsigaw ni Saddie sa inis. Ano bang ineexpect ko sa isang 16 year old? Napaka spoiled brat, halata masyado. Nakakalayo na ako ng kaunti sa ladies room nang tawagin nila ako ulit. "Hoy, Eunnie! walang ya ka!" Sigaw nung isa sa alipores nya at tinapunan ako ng tubig gamit ang dipper. Nagulat naman lahat ng studyanteng nasa paligid at nanatili naman akong statwa. "Hindi ka man lang ba nahiya? Ka bago bago nya pa lang pero pinahiya mo na sya kaagad? Ano ka ba!" pasigaw nya sakin at umatras kasi si Saddie na naman yung lumapit sakin. "Stop, Rhea, okay? I know she didn't mean it." sabi nya tapos ngumiti ng napaka tamis sa harapan ko. Hindi parin ako makagalaw kasi nakakahiya sobra tapos yung naka paligid naman saaming mga studyante ay tinuon ang mga phones sakin habang pinagtatawanan ako. "I'm sorry about earlier, I wasn't aware that I said something offensive. Forgive me please?" sabi nya na parang nagmamakaawa. "Ang bait talaga ni Saddie, sabi ko naman sayo e." Girl 1 "Ba't kasi sya gumagawa ng mga bagay na ikakasira ni Saddie? Inggit ba sya?" Girl 2 Na confirm ko talaga ngayon na plastic sya kasi kinukuha nya simpatya ng mga tao. Kunti nalang talaga, maiiyak na ako dito, sobrang nakakahiya! Bakit ko naman kasi sinabi yung mga bagay na ganun kanina? "Narinig nyo guys? Nag sosorry si Saddie kasi akala nya may kasalanan sya, when in fact, si Eunnie talaga yung magsisimula ng gulo!" Pag tatanggol ni Rhea sa kanya. Currently, I'm at a loss of what words to say, andaming nanunuod at lahat sila ay sa side ni Saddie. Lalapit na sana si Rhea sakin para siguro sampalin ako pero may dumating mula sa kanyang likuran na nagpalakas ng t***k ng puso ko. Agad nyang hinawakan ang braso ni Rhea kaya napatigil ito sa paglakad. "Hi-Hideo?" nauutal na sabi nito na gulat na gulat. Napalingon naman duon si Saddie at napaatras ng kaunti. "Anong ginagawa nyo? Eun...okay ka lang?" tanong nya ng napaka kalma habang halata sa mga mata nya ang pag-aalala. Pero pag inilipat nya ang kanyang paningin kela Rhea ay nanlilisik ang mga ito. "M..masakit, Hideo." reklamo ni Rhea habang naka yuko dahil hawak hawak parin ni Hideo ang kanyang braso. Lumapit naman si Hideo kay Saddie at hinawakan din ng mahigpit braso nito. Halata sa kanyang mukha na nasasaktan ito dahil sa pikit ito ng pikit. "Nakikia nyo ba ang ginagawa nyo ngayon? Under kayo ng isang 16 year old? Ilang taon na ba kayo?" sabi ni Hideo sa kanila, at yung dalawa pang kasama nila ay napayuko rin sa gilid. "Anong nangyayari dito?" rinig ko sa isang boses lalaki at nung napalingon ako sa likuran ko ay nakita ko si Dylan na seryosong seryoso. Agad naman pumunta sa gilid yung naka harang na nag vivideo sakin. "Ibaba nyo yan bago maubos pasensya ko." sumunod naman yung nasa tabi nya pero may tumatawa parin sa kabila habang nag vivideo parin. Agad naman syang lumapit dito at hinampas ang kamay, dahilan para matapon ang phone nya. Gulat na gulat naman yung babae at agad napayuko. "S-sorry!" tanging sabi nito. "Sino ka ba sa tingin mo para gawin yun sa girlfriend ko?" sigaw nung lalaki sa likod nung babae. Boyfriend nya ata na to the rescue. Susugurin nya sana si Dylan pero agad naman itong nasuntok at natumba. "I already said stop filming! pero matitgas ulo nyo!!! Ganyan ba ka kitid utak nyo?" Sigaw nito sa lahat. Hindi naman nakatayo agad ang lalaking sinuntok nya, pero inalalayan ngayon ng girlfriend. "Wala man lang tumulong! Puro kayo mga ignorante para pagtawanan lang ang ganitong bagay. Naisip nyo ba kung nangyari ito sa inyo? Marinig ko lang ulit na mangyari to...you'll see." "Sorry, Dylan." Sabi nung isang lalake, at sumunod naman ang lahat sa paghihingi ng sorry. "Ako ba yung pinahiya nyo't sakin kayo humihingi ng tawad?" sagot nito sabay tingin sakin. Tinulak naman ni Hideo si Rhea at Saddie kasama nung dalawa pa nilang kasama papalapit sakin "Mag sorry kayo sa kanya." utos ni Hideo sa kanila. Nakikita ko naman ngayon yung mukha nilang parang mga tuta dahil sa takot. "I...I'm sorry, Eunnie!" Sabi ni Rhea at siniko si Saddie. "Apologize to her." "S-sorry..Young miss." sabi naman ni Saddie habang naka yuko parin. Nag sorry din naman yung mga kasama pa nila habang ako ay gusto ko lang umalis na dito kasi nakakahiya na, sobra! "O-okay lang, wag nyo na uulitin yon." sagot ko naman sa kanila. "Bakit mo pinatawad agad?" Sabay na sabi ni Hideo at Dylan kaya napalingon kaming lahat sa kanila. Ano bang meron sa dalawang to? Nakakagulat yun ah! Pinanliitan ko naman sila ng mga mata kasi gusto ko na talagang umalis sa lugar nato pero pinapatagal pa nila. Makuha kayo sa tingin, ano ba! "Eunnie?" napalingon naman kami sa bagong dating na si Marisa. Napamewang ito habang nakakunot ang noo. "Ano to "Wala. May kunting hindi pagkaka intindihan lang pero okay na." sabi ko naman sa kanya kasi kilala ko tong babaeng to at sure ako sira na naman preno ng bibig nito. "Kunting hindi pagkakaintindihan? E bakit basang basa ka? Sino may gawa nito? Makokonti talaga pagmumukha nun!" pasigaw nyang sabi. Ito na nga ba sinasabi ko e! "Pa bet..." Bulong ni Rhea na saktong narinig namin kaya nanlaki ang mga mata ko kasi nanlisik ang mga mata ni Marisa at napamewang. "Ahh.. pa bet ba kamo? Masyado kayong defensive e! Obvious na tuloy na kayo yung tinutukoy ko." sagot naman ni Marisa. "Hoy, Hideo, Dylan, wag muna kayo maki alam ha!" sabi nya sa kanila at lumapit ng kaunti kela Rhea. "hoy." tapang na sabi nya ky Rhea ng malapitan. "What." taray na sagot ni Rhea. "Wala ka bang ibang agenda ngayon kundi maging childish? Pa buntot buntot sa isang 16 year old?" "Excuse me?" tanong ni Rhea na nakakunot ang noo. "Are you enjoying your entire life being an idiot? Mind to take a day off even once?" sabi naman ni Marisa, kaya nagulat ako dun. Si Marisa ba talaga to? Anong espiritu ba sumanib dito? "At ikaw..este, you! You, Saddie the sadista, plastikita, chiritita! Did Eunnie do something to you that offended you so much? Or mayber because you have qualities in your life that you're not proud of? Inggit ka? Inggit pikit!" At nilakihan nya ito ng mga mata. Kita naman sa mga mukha nila Saddie yung inis kasi hindi sila pwedeng pumatol dahil andito sina Dylan. "With all due respec-" "Ahh noo! That is the other way of insulting someone. right? Nabasa ko yun sa sss!" proud pang sagot ni Marisa. Napa iling nalang talaga ako sa babaeng to! "Since when did I ask for your opinion? You keep on saying nonsense things but you look like a total idiot now!" sagot naman ni Saddie at natameme naman agad si Marisa. Ayan, lakas loob mag inititate ng ganitong scene pero pinapahiya lang naman sarili. "Idiot mo mukha mo!!" Sigaw naman ni Marisa kaya hindi maiwasang pagtawanan sya ng mga nakikinig. "Wait!" pasigaw nyang sabi at tinuro bibig ni Saddie, nag taka naman ito. "Is this an anus? This one keeps on spitting shits." sabi nya at hinila ako paalis dun. Woah, Marisa, ikaw ba talaga to? "Ba't ba naka tayo ka lang dun? Tapos ano yung sorry? Ba't pinatawad agad?" Inis nyang tanong sakin nung naka layo na kami. Agad naman naka sunod si Hideo at Dylan. "Unbelievable ka talaga, girl! Talagang pinagtanggol ka ng dalawang to? Ikaw na talaga." "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Dylan sakin at hinawakan ako pero agad ito inalis ni Hideo at hinawakan nya ako. "Eun..ba't ba nakatayo ka lang dun? Pano nalang kung hindi agad ako nakarating?" "Ikaw na talaga girl!" komento ulit ni Marisa. "T-teka nga! Ang sakit nyo sa ulo! isa isa lang please!" sagot ko naman "Ano ba kasi nangyari talaga? I mean yung sanhi?" tanong ni Marisa sakin at nag cross arms. "Nainis lang naman ako e. Bwesit talaga yun!" sabi ko sa inis nung naalala ang sinabi ni Saddie na ginamitan ko lang daw ng love potion si Hideo. Grr! Ngayon lang ako nakapag isip na ang tanga-tanga ko kanina dahil nakatayo lang ako't hinayaan silang ganunin ako. "Ikaw naman Hideo!" napaturo naman sya sa sarili nya. "Bakit?" "Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi kita ginayuma, wala akong kinalaman sa nararamdaman mo sakin ngayon!" Pag dedepensa ko saka napa iwas ng tingin. "Gusto?" tanong naman ni Dylan. "Yes. Nililigawan ko na si Eunnie ngayon." sabi naman nito ng nakangiti tapos hinila ako para akbayan nya. Pssh! Ba't ka ba nagpapa cute kumag ka! "Hala girl!" sabi ni Marisa at lumapit sa kay Hideo. "Sure ka ba wala kang ginamit? Ba't agad agad?" nahampas ko naman sya agad. "Eunnie, are you sure about this? Isn't it too fast?" tanong naman ni Dylan sakin pero ngumiti lang ako. Papalagpasin ko pa ba yung pagkakataon na umakyat ligaw si Hideo? San pa ba ako makakahanap ng tulad ng lalaking to dito? Para san pa't natupad yung kahilingan ko maging totoong tao sya? "Gusto ko lang sabihin sayo na hindi pa nag kaka jowa yan ever since, kaya hindi ako papayag na gagagohin mo lang din yan." Sabi ni Dylan ng seryoso kay Hideo. Ano bang nakain nito at biglang naging protective friend? Or Best friend ba? Tapos grabe naman sya kung makasabi, talagang sinasabi pa kung anong obvious? Kelangan pa talaga sabihin na wala akong jowa? "Respeto naman sana sa privacy ano? Hindi naman siguro importante malaman kung NBSB ako o hindi, diba?" sagot ko naman at tinaasan sya ng isang kilay. "kung ganun e, pareho pala tayo." sabi ni Hideo at ngumit, yun bang nahihiya. Chos! Meant to be na ba kung ganun? Mwhehe "Teka...close ba kayo? Ba't mo alam na hindi pa nagkaka jowa tong si Eunnie?" tanong naman ni Marisa kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. At parang dito na nga lalabas ang matagal ko ng gusto itago na magkaibigan kami ni Dylan. "Bakit? May masama ba dun?" tanong ni Dylan sa kanya at parang hindi naman makapaniwala si Marisa dahil napatakip ito sa bibig. "Eunnie, since when?" "since we're kids" sagot naman ni Dylan sa kanya kaya sobranggulat na gulat si Marisa at nagpa lipat lipat ng tingin saming dalawa. "So yung palaging may nagbibigay ng snacks sa kanya noon, ikaw yun? Yung pag wala syang budget tapos may babayaran sa school ay ikaw? Yung palaging to the rescue? yung..." Napatakip naman ulit si Marisa sa bibig nya. "Open ba kayo sa isa't isa?" "Yes." sagot ni Dylan. "Walang hiya ka, Eunnie! Pinag mukha mo akong tanga! Kahit ano pa naman mga pinagsasabi ko sayo tungkol sa kanya! Aish! Bakit mo ba tinago sakin to ha? Kahit sakin lang sinabi mo. Kala ko ba friends tayo?" tanong nya at napa simangot. Sus, as if naman hindi sya reporter kung mag kalat ng balita e. Kahit gaano pa yan ka sensitibong sekreto basta ky Marisa pareho lang lahat ng yan: NEWS. Literal na North East West South sya kung mag kalat e! "Pero hindi mo na sya obligasyon ngayon, Dylan kasi andito na ako." sabi ni Hideo sa kanya ng may ngiti "Paubaya mo na sya sakin, pangako hindi ko sasaktan kaibigan mo, hindi ko sya iiwan at higit sa lahat..." nag pause muna sya at tumingin sakin, ganun din naman ako. "Hinding-hindi sya mawawala sa alaala ko kahit anong mangyari." Pagkasabi nya nun, may kung anong kumirot sa puso ko e, hindi ko alam kung ano yun basta ay kumirot ito. Ngumiti lang ako ng matamlay sa kanya. "Wag ka muna magsalita ng patapos...hindi natin malalaman ang mangyayari sa hinaharap. At pagnagka taon na hindi mo magagampanan hanggang sa huli yang mga sinabi mo, makikita mo." sagot naman ni Dylan sa kanya habang inilagay ang kamay sa bulsa. "Makakaasa ka." "Awee.. how to be you po, Eunnie? Nakakainggit kana sobra." At napa padyak naman si Marisa kaya natawa ako. Patuloy akong natatawa dahil sa itsura ni Marisa ngayon nang biglang dumaan yung lalaking laging nag susumbrero tapos nagtagpo ang aming mga mata. Dahil dun ay nawala ang ngiti sa aking labi dahil bumalik yung kaba ko nung naalala ang kanyang sinabi. Sinundan ko naman sya ng tingin hanggang sa nawala na sya dahil lumiko ito papunta sa hindi ko alam. "Uy, Eunnie, okay ka lang?" tanong ni Marisa sakin. "Huh?" "Ano ba yung tinitingnan mo sa likod?" "ah..wala! hehe." "Osya, hiramin ko muna tung manlililgaw mo dahil may training pa kami. Next week na yung laro." sabi ni Dylan sakin at tumango naman ako. "Ingatan mo yan ah? Makakatikim ka talaga sakin pag mapapahamak yan!" *** Nasa bahay na ako ng maaga dahil may training sina Hideo kaya hindi nya ako nahatid. Si Marisa naman yung kasama kong umuwi dahil hindi sila nagsabay ni Ion kasi absent yun, ewan ko nga e, parang namimiss naman nitong isa kasi nagrereklamo kung bakit absent daw yong mokong. "Ma, asan pala yung clearance ko?" malapit na kasi exam namin tapos kelangan may signature sa parent or guardian. Pinapirmahan ko sa kanya kanina kaso nakalimutan kong dalhin. "Nasa drawer ko anak, hanapin mo lang sa kwarto." sagot ni Mama habang nag luluto. Pumasok naman ako sa kwarto nya para hanapin kung saang drawer nya nalagay. Binuksan ko yung una pero wala kaya binuksan ko pa yung sumunod pero puro papers at envelope yung meron. Binuksan ko yung pangatlong layer at inayos ko talaga yung paghahanap kaya inisa isa ko lahat. hindi ko nakita yung clearance ko pero may napansin ako. Ayoko sana mangialam sa gamit ni mama pero may kakaiba kasi. Kumunot yung noo ko dahil sa white envelope, naka lagay yung pangalan ko kaya na curios ako. Para san to? Ba't di ako ininform ni mama tungkol dito? Binuksan ko to dahil sa kating-kati akong malaman kung anong meron dito. Nang nakuha ko yung laman ay nagulantang ako. Puro cheke yun saka andami din. tiningnan ko yung mga dates at ang pinaka matagal ay 3 years ago. May mga papeles din tungkol sa bahay at kotse na nakapangalan sakin at yun ang di ko naintindihan. sa cheke ay may nakalagay kung saan ito galing at halos hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. Benedict Lee ng Global Med ang naka sulat. I am Eunnie Lee Yang...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD