Chapter 12: Dr. Lee

3156 Words
Eunnie's POV Hindi parin ako maka get over sa nakita ko kahapon. Nung nakita ko yun ay agad ko patagong dinala sa kwarto ko dahil gusto kong malinawan sa kung anong mga nangyayari na hindi ko alam. Hindi ko lubos maisip na may tinatago pala si mama saakin kasi nakapag usap na kami noon na wala dapat sekreto na itatago dapat open kami sa isa't isa.  Andito ako sa tapat ng Global Med. hindi ako pumasok ngayon dahil hindi rin naman ako mapapakali kung papasok ako tapos yung isip ko ay andito.  Diba itinakwil ng grandparents ko si Mama nung mabuntis sya? pero bakit may pinadalang cheke at bahay na pinangalan sakin? Para san yun? Sobrang naguguluhan ako kaya haharapin ko ngayon ang Lolo ko. Hindi ko rin sya nakikilala simula nung bata pa ako dahil hindi sya kinwento ng maayos ni mama sakin. Pero, makikilala nya kaya ako? I mean, hindi pa kami nagkikita kahit kailan, pero sana naman makausap ko sya ngayon. Agad akong pumasok at nagtungo sa front desk tapos nakita ko agad ang receptionist na naka ngiti bilang bungad sakin. "Good morning po." sabi nito sakin, ngumit naman ako. "Uhm..andyan ba si Mr. Benedict Lee?" tanong ko sa kanya kaya napataas ang dalawang kilay nya. "May appointment po kayo with him?" "Uhm..." papano ko ba sasabihin to? "Pwede nyo po bang sabihin sa kanya na may naghahanap sa kanya? Importante lang po talaga."  "Busy po kasi si Mr. Lee everyday, so make sure to schedule an appointment po para ma cater po kayo." sagot nya habang nag eenter ng demographic information sa  electronic health record.  Hindi pwedeng hindi ko sya makausap ngayon dahil para san pa't nag punta ako dito tapos mapupunta lang sa wala diba? "Uhm.. Miss, pwede nyo po bang sabihin na isang Eunnie Yang ang naghahanap sa kanya? Please po, importante po talaga!" pakikiusap ko. "Miss, sinabi ko na po, kelangan nyo mag set ng schedule for appointment kung gusto nyo talaga syang makausap kasi napaka busy nya everyday so hindi sya basta-basta nalang mang-iiwan sa ginagawa nya just because you're saying na it's important." sagot nito na may kunting inis na. "I'm Eunnie Lee Yang." seryosong sabi ko kaya napakunot sya ng noo tapos natawa ng kaunti nung ma head to toe ako. "I'm sorry?" parang hindi pa sya naniniwala. Nilabas ko mula sa bag ang cheke na binigay sakin ni Mr. Lee at ipinakita sa kanya at sya naman ay halos lumabas ang mata sa laki. "I said I'm Eunnie Lee Yang, at kailangan ko syang makausap ngayon! I'm telling you lalabas yan pag narinig nya ang pangalan ko." kampante kong sabi sa kanya. Parang nagdadalawang isip pa yong receptionist pero nag dial din naman sa telepono.  "Good morning, sir! May nagpakilala pong Eunnie Lee Yang sa labas at gustong makita si Mr. Lee" sabi nya sa telepono at  nag explain pa. Parang mahaba-haba yung sinasabi sa kabilang linya kasi pa tango-tango sya. "Miss Yang, I'm sorry but he's in the middle of a meet-what?" Natigilan naman sya at parang nagulat. " Oh..Okay!" sabi nya at binaba ang telepono. "Mr. Lee is on his way sa office nya. Samahan na kita." sabi nya sakin kaya hindi ko naman mapigilang mapangiti.  "Sabi ko naman sayo e! Makikipag kita yan sakin." Pround ko pang sabi tapos sumunod na ako sa kanya. Ngayon lang ako nakapasok sa hospital nato kasi naman hindi pa ako nna hhospital ever tapos kung ma ospital man ay siguradong hindi ako dito dadalhin ni mama. Tahimik lang akong sumusunod sa receptionist habang pinagmamasdan ang paligid. Ang gara naman ng ospital nato. Ang yaman pala talaga nila mama. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang maging kabado dahil hindi ko alam kung papano ko haharapin ang ama ng aking ina na nagtakwil sa kanya. Sumakay kami ng elevator at pinindot and 4 na button. so sa 4th floor pala ang personal office nya. Ilang sandali ay lumabas narin kami sa lift at sa tapat nun ay may pinto at pumasok yung receptionist. So, dito na ba? Sure na ba talaga to? wala natong atrasan! "Good morning, Mr. Lee" sabi nya at nag bow. "Nandito na po yung naghahanap sa inyo." sabay tingin sakin at nag signal na pumasok na ako tapos nag bow sya ulit tapos lumabas na at isinara ang pinto. Biglang tumibok ng kay lakas ang puso ko nung nakita ng tuluyan ang kanyang mukha. Lolo ko to? kalahi ko to? Shaks! Parang hihimatayin ako dito ah. Napaka intimidating nya tingnan, ang seryoso kasi ng itsura nya at the way na tumingin sya sakin parang sobrang laki ng utang ko sa kanya. Nakakatakot naman pala itsura ng lahi ni mama, hindi pa naman ako sanay sa ganito.  Napa buntong hininga naman ako at hindi pinapahalatang nanginginig ang mga tuhod ko. Parang pinagpapawisan na ako ah? Tumayo sya mula sa leather office chair nya. "Have a seat." sabay lahad ng kamay dun sa sofa. Emotionless naman akong sumunod sa kanya tapos umupo na. "So, what brought you here?" "Po?" parang binuhusan ako ng malamig na tubig kasi first time ko marinig ang boses nya at napaka lalim nito. Napaubo naman ako kasi hindi ko rin alam kung ano na ang gagawin ko. Nakita ko rin ang pictures nya na sorang laki sa wall kaya hindi ko maiwasan mamangha, like, kadugo ko yan! "Eunnie?" napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko namalayan na kanina nya pa pala ako tinatawag. "You rejected me couple of times so why are you here all of a sudden?" Kumunot naman ang noo ko kasi hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. "W-what do you mean po?" "Acting clueless? Nakalimotan mo ba bigla ang mga email ko sayo?" anong email? Hindi ko talaga maintindihan. "I want to connect with you since you were 15, I sent emails inviting you to come to the mansion but you kept on rejecting those. I sent cheque and I bought a house and a car for you on your debut but you refused to take it base on your responses." "Ano? Anong email? You abondoned mama nung nabuntis sya at yun lang ang alam ko at wala akong balita tungkol sayo at  never ako nagbalak na makig connect sayo dahil wala naman kayong pake samin! Yun, yun ang alam ko. Wala po akong alam sa mga sinasabi mong emails mo sakin." sagot ko sa kanya na nagpagulo sa kanya base sa kanyang expression. "What  do you mean? Do you want to check it?" tanong nya sakin at binuksan ang laptop nya tapos may tinawagan sa phone. "Can you please come over?" sabi nya sa kabilang linya at binaba agad ang telepono. Ilang sandali ay may pumasok na lalake at lumapit sa kanya. "Ano po yun, Mr. Lee?" "Open my sss and check my sentbox." utos nya dito at agad naman itong sumunod.  Maya-maya ay ipinaharap nya sakin ang screen at nakita ko ang sakngkatotak na messages nya sa recipient na kapangalan ko.Binasa kong mabuti yun at Eunnie Yang talaga ang naka lagay pero wala akong sariling account kaya lubos ang aking pagtataka.  Hindi kaya si mama ang gumawa nito? Pero hindi nya naman siguro magagawa yun diba? Pero nakapag tago na sya ng sekreto sakin tulad ng mga chekeng ito. Possible ba? Nag scroll lang ako hanggang sa may naka agaw ng atensyon ko na isang message, binuksan ko yun. [I don't want to see you kahit isang beses, kaya please po, wag na po kayong kumuntak kasi mapayapa na buhay namin ni mama.] Sobrang napaisip ako kasi wala talaga akong maalala na nag send ako ng ganito sa kanya tapos hindi ko naman kayang mag  send ng ganyan mensahe, napaka bastos kaya! Kagagawan ba talaga to ni mama? "Nakokonsensya ka ba, that's why you showed up for the first time?" tanong nito habang ngumingiti pero hindi yung ngiti na matamis. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko para akong tanga all this time! Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo sa hindi ko malamang dahilan. "Why are you crying now?" Tanong nya sakin at senenyasan ang lalake na lumabas kaya sumunod naman ito.   "Wala po akong account." tanging sagot ko habang naka yuko. "What?" "Wala po akong alam kasi hindi ko naman account yan." pag  patuloy na sagot ko. "So, what are you trying to say?" "Kaya ako nag punta dito dahil kahapon ko lang natuklasan na nagpapadala ka pala sakin!" Agad kong sagot. "So ano tong pera? Para san to? Yung bahay?" tanong ko na naluluha parin. "It's for you!" "Ahh..Why? Na realize nyo na yung pagtakwil nyo sa anak nyo? For how many years! Ne konti, wala akong balita tungkol sa inyo kasi sabi ni mama ayaw nyo samin, sakin! Alam mo ba kung gano kasakit sakin yun?" at mas lalo pang bumuhos ang luha ko. "Hindi madali magkaroon ng broken family tapos yung kadugo ko pa hindi ako kinikilala." "You have no idea kung gaano kita pinapasundan sa di kalayuan para pakunan ng litrato dahil hanggang litrato nalang kita makikita dahil sa sinabi mong ayaw mo akong makita kahit sandali." sagot nito kaya napatingin ako sa kanya. "I know it's wrong, pero nangungulila siguro ako." sabi nya t nag shrug ng shoulder. "Ikaw lang ang tanging babaeng apo ko, dahil ang mga pinsan mo, they are all men and they are also into the medical field." "Gusto mo naman pala akong makita e! Bakit hindi mo man lang kinumperma sa personal kung totoo yung mga natanggap mong mensahe? Ha? Kung gusto mo kong makita, magpakita ka, hindi naman ako nangangagat! Duwag pala kayo e!" Sagot ko sa kanya. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil sa inis. Gusto nya akong makita? Hindi nya ba alam na merong gabi kung saan naiisip ko rin sila? Andami kong what if's. What if magbago isip nila? What if mahal talaga nila ako? "You are really like your mother. Sa lahat ng anak ko sya lang yung matigasin ang ulo at dapat masunod talaga ang gusto, pero kahit ganun sya, she was your lola's favorite." dagdag nya pa. "So, she was so devastated when she found out your mother is pregnant. Palabas na ng bansa ang mama mo nun to study medicine because that's what we want her to take pero dahil matigas nga ang ulo nya, nagpa buntis sya sa isang lalaking wala man lang pangarap sa buhay." "Mawalang galang na po pero papa ko parin yun sana naman dahan dahanin nyo sa pagsasalita." "Ganyan na ganyan sya magsalita samin when she was your age. It's funny to think na parang nakikita ko syang bata ulit sayo." "Tungkol nga pala sa sinabi mo kanina...bakit ba gusto nyo rin sya sa medical field?" "Well... Global Med is everything to us and we want our kids to continue what we have started dahil dito nakilala ang apilidong Lee, and.." nag pause muna sya kase biglang naubo. "Your mother is the smartest sa kanilang magkakapatid, pwede syang maging isang magaling na doctor pero hindi sya sumunod dahil sa ama mo kaya itinakwil sya nun dahil sa galit ng lola mo." Pagkatapos nun ay saka lang nag sink-in lahat sa isip ko.  "Eunnie, I want you to study medicine too and work here. Study abroad and I'll pay for the fees." Natigilan naman ako sa sinabi nya. San sya kumuha ng lakas ng loob na utusan ako nang hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba? Natawa naman ako. "Ano ba plano nyo? mag bbreak kayo ng record ng family na hanggang sa ika 10th na generation, doctor lahat?" kumunot naman noo nya. "Hindi nyo nga po tinanong kung ano hilig ko." "You belong with us, naghihintay lang itong mapansin mo. Your cousins will be very glad to know na magiging doctor ka rin." "Sorry po pero parang anlayo po talaga ng pagiging doctor sa pangarap ko. I like art po, I like paintings at gumawa ng comics. Pinanganak po akong nagmana ky Papa at hindi po sa pagiging doctor tulad nyo." sagot ko at tumayo na tapos ngumiti. "I guess, kayo parin ang CEO ng hospital nato, well...keep up the  good work!" Dagdag ko pa at nag bow sa kanya. "Alis na po ako." sabi kot umalis na ng hindi na sya hinintay na magsalita pa. Andito na ako sa labas ngayon at parang nabunutan ako ng tinik dahil naka hinga na ako ng maluwag. Tiningnan ko ang kamay ko, hawak ko pa pala ang mga cheke. Napailing nalang ako't nag abang ng taxi papuntang school. Malapit narin naman mag lunchbreak kaya sakto lang din pag mag lunch ako ngayon e makakapasok na ako dun. Binuksan ko yung phone ko at ang daming missedcalls at messages from unregistered #. [Eunnie Yang san ka na bang babae ka?] [Ba't di ka pumasok oy? Kainis tong si Hideo, palaging nangungulit kung asan ka na raw!] [May nangyare ba sayo? Galit na si Hideo ngayon kasi baka may ginawa na naman daw si Saddie sayo, humanda raw yun...] The way mag text to, hindi na kailangan manghula. It's Marisa! Napakamot naman ako sa ulo nung nabasa  yung pangatlong msg. Naku naman! Kinakabahan na tuloy ako, ano na kaya nangyari sa school?  Dahil dito ay agad-agad akong sumakay nung may dumating na taxi kase kinakabahan ako kung ano ng nangyari sa school e. Nung nakarating na ako ay agad kong binigay yung bayad tapos patakbong pumasok sa campus. Hindi ako maka reply kasi wala akong load kaya nagmadali nalang akong umakyat papuntang room. "Magsabi na kasi kayo ng totoo!" Rinig ko sa hallway. Napalingon naman ako dun at nakitang may pinapaligiran ang mga estudyante. Agad naman akong tumakbo papunta dun para makita kung anong meron. "Hindi nga kasi namin alam!" Sagot ng isang babae. "Tama na kasi yan, baka darating na yun maya-maya."  Nung nakaabot na ako ay agad kong tinulak ng kaunti yung naka harang na studyante. "Papano darating e-" "O, Andito na pala sya!" Sabi ni Marisa at napalingon lahat sakin. Nakita ko si Hideo, Dylan, Marisa at si Saddie kasama ang alipores nya. Ano ba nangyayari dito? "My goodness, Eunnie! Where have you been?" Tanong ni Dylan at lumapit sakin. "Eun..Ba't mo ko pinag aalala? San ka ba galing?" Tanong din ni Hideo at lumapit sakin tapos hinawakan ang dalawang balikat ko. "Oo nga, Eunnie. San ka ba kasi galing?" Marisa. "Uhh..." Naiilang akong sumagot kasi andaming nakikinig. Okay, this was a lot harden than I thought. "I told you, wala kaming ginawa sa kanya!" Napalingon naman kami sa nagsalita na si Rhea saka umalis na sila. "P-pwede ba wag dito?" Sabi ko sa kanila kasi sobrang nakakahiya yung ginawa nilang eksena. Agad naman ako naglakad papunta sa room at sumunod naman sila.  Umupo ako sa seat ko at kanya-kanya silang kumuha ng armchair at agad naman silang umpo sa harapan ko. "So, now, tell us!" sabi ni Marisa habang seryoso ang mukha. "Hindi mo alam kung gaano ako ka stress sa dalawang to kanina kasi hindi nakikinig sakin." "May pinuntahan lang akong importante." "Importante pa sakin?" tanong ni Hideo at ngumuso. Anak ng-ano bang trip ng isang to? Nakakaakit naman kasi pag ngumuso sya. "Siguro?" sabay tawa ko ng kaunti tapos hinawakan nya ang kamay ko. "Wag ka na ulit mawala sa paningin ko please?" Aniya. I could feel the blood pumping up to my cheeks after hearing what he said. "At andito pa kami, please?" sumingit naman si Marisa which is a good thing. Tinanggal ko ang pagkaka hawak nya dahil kinakabahan na naman ako at andito pa naman kami sa loob ng campus. "By the way..." sabi ko at kinuha ang mga cheke sa bag ko at idinikit ito sa mukha ni Marisa. "Aray ko nama-" Napatigil sya at tiningnan kung ano ang mga ito. Halos lumabas ang mga mata nya sa laki nito at palipat lipat ng tingin sakin at sa cheke. "An-ano to? Tig 2 million each? My goodness, Eunnie, ba't di mo sinabing milyonaryo ka pala?" "Expired na lahat ng yan." sagot ko naman kaya bigla nya akong hinampas. "Aray ko naman!" ang sakit nun ah. "Anong expired? Meaning hindi mo to pina cash?" tanong nya at tumango naman ako kaya hinampas nya ako ulit. "Dun ka ba pumunta kanina??" tanong ni Dylan sakin. Alam nya ang history ng family namin since close friends yung mommy nya at si mama. "Yes. Nakita ko narin sya." I replied while keeping my eyes glued on the floor. "Okay ka lang?" "Yes...actually no. Pero magiging okay din ako. Alam ko narin kung anong pakay nya sakin." sagot ko at ngumiti sa kanya. "Kaano-ano mo ba to?" tanong naman ni Marisa habang hinihimas himas ang cheke. "Ama ni mama." sagot ko kaya nanlaki ang kanyang mga mata. "Wooaahh, anyaman mo pala friend." "Sa'yo na yan, keep mo if you want." sabay tayo ko. "Mahiram ko lang si Hideo sandali." Sabi ko't hinawakan ang kanyang kamay at hinila sya palabas. Umaga palang sobrang stress ko na, kailangan ko rin irefresh mind ko by being with someone who can lighten up my mood and it's Hideo.  Dinala ko sya sa hide out ko para makapag usap kami ng masinsinan. Inilibot nya naman ang paningin sa paligid. "welcome to my kingdom." sabi ko't natawa. "hide out ko to, at walang ibang pwedeng makapasok dito kundi ako lang. Wala din naman nagbabalak pumasok dito kasi akala nila isang stock room lang ito.." His eyes landed on me tapos bigla nya akong niyakap. He smelled like honey soup. "I missed you." bulong nito. I got on my tiptoe to wrap my arms around his neck while smiling. Namiss ko rin tong scent na to. I just don't want anything to ruin this perfect moment na na solo namin ulit ang isa't isa. "I missed you too!" At niyakap pa sya ng mahigpit. "Nakita ko narin ang energy booster ko." sabi ko't natawa. "Pwede bang wag na tayo kumawala sa pagkakayakap sa isa't isa?" tanong neto at ngumiti lang ako. There was a moment of silence. I know he's waiting for me to tell him everything so I let out a long sigh at kakawala na sana. "Sabi ko ganto lang tayo." "seryoso ka ba? ansakit na ng tiptoe ko, ang tangkad mo." sagot ko at natawa naman sya kaya tinanggal na nya ang pagkakayakap sakin. I grasped some strength to tell him the entire story. He's so attentive that his eyes never left mine. Nung naikwento ko na lahat ay nanatili syang naka titig lang saakin. Ano bang nasa isip ng lalaking to. "Eun.." He said while patting and stroking my hair. "Ang hirap talaga siguro ng sitwasyon mo, hindi ko man maramdaman ang hirap pero gusto kong sabihin na nandito lang ako. Di kita iiwan." sabi nya at hinalikan ako sa noo. I close my eyes because I couldn't help feeling touched by his words. After all, he is my one and only comic-character crush.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD