Chapter 13: Biboy

2663 Words
Eunnie's POV Andito kami ni Hideo ngayon sa bintana ng hallway. Wala kasi ako sa mood ngayon kaya trying hard naman itong si Hideo na patawanin ako. Natatawa naman ako hindi sa jokes nya kundi sa kung gaano ito ka corney. Ano ba tong character mo Hideo, ang gwapo mo nga pero hindi rin naman ginawa ni tito na magaling bumanat. Pero dahil supportive ako, sigi go! Tatawanan ko hanggang hingalin ako "Bakit nagiging popcorn yung mga mais pag niluluto?" tanong nya na naman. Umakto naman akong parang nanghuhula. "mmm..bakit?" I Asked then he grinned. "kasi hindi sila nag sunscreen!" he answered right away. Sobrang laki ng ngisi nya kaya hindi ko na rin mapigilan matawa. "O diba? Tumawa ka?" Dagdag nya. Sino ba di matatawa dun, ngayon ko lang yun narinig tas san naman nya napulot yun. Meyged! Anong Hideo ba nasa harapan ko ngayon, kaloka! "Ayan, dapat kasi laging nakangiti para maganda!" He said with his sexy voice tapos ngumiti. Shaks, yun lang naman sinabi nya pero iba talaga yung impact pag si Hideo yung nagsabi. His midnight black hair is a bit missy which is bagay sa kanya while his lips is forming a simple smile. Gosh! He looks so cute! Nakaka bakla! "So panget ako pag nakasimangot?" tanong ko then I pouted. "Medyo!" sagot nya't natawa. Aba'y, loko to ah! Balik kaya kita sa comic? "Mas gusto ko lang lagi ka nakangiti." He added then he patted my head. Hihilain nya sana ako pero hindi ako nagpadala. "Umayos ka, Hideo, nasa campus tayo!" Pagbabala ko sa kanya habang nilakihan sya ng mata, natawa naman ito. "Bakit? Takot ka?" "Malamang! Ano na lang sabihin ng makakakita satin?" sagot ko naman sa kanya. Wala pa kasing tao dito kasi sobrang aga pa. Nagkasundo kaming maagang pumunta ng school everyday para makapag harutan naman! Harot harot e! Sorna! "Isa lang." tas ngumuso sya. "Ano?" hinampas ko naman sya agad. "Di pa nga kita sinasagot e! "Yakap naman kasi yung gusto ko, ano ba iniisip mo?" tanong nya kaya napataas isang kilay ko. "Wala!" pag dedepensa ko. "Ilang beses ka ng yumakap, baka maumay ka nyan kaagad." "Syiempre, pag gumigising ako sa umaga, wala akong matandaan sa nangyayari tuwing gabi tapos pagsapit ng umaga hindi ko alam ba't gusto kita yakapin ulit. Para bang namimiss na hindi ko maipaliwanag." he explained. Namimiss kaya ako ng night version ni Hideo? Hindi narin kasi kami nakapagkita simula nong nag overnight kami e. Nag flashback na naman bigla yung ano dun...yung....basta! "Eun..." Napalingon ako sa kanya matapos nya akong tawagin. "huh?" "kinilig ka ba?" "Bakit?" "Ang lapad kasi ng ngiti mo? Yun ba iniisip mo? Yung sinabi ko?" tanong nya. Sa kakaisip ko sa ngyari nun, di ko namalayan nakangiti na pala ako. Kung alam mo lang! Higit pa dun, Hideo, higit pa dun! "Wala yun, sakin nalang yun!" sagot ko naman. Siguro kung totoong tao to hindi to magkakagusto sakin. Sino lang naman ako? Tapos andami pang ibang magaganda sa paligid, so there's no way na he'll fall for me if ever he's real. Masakit din at the same time kasi hindi ko alam kung hanggang kelan ang validity ng kasiyahan nato. I stared at him, his face conserved that cute childish features that makes him look cute in a manly way. "Eun..." pagtawag nya ulit. Hindi nya ba alam kung ano nararamdaman ko sa twing tinatawag nya ako ng Eun... Para akong maiihi kasi napaka husky ng boses nya! "Alam ko nakakatawa to pero minsan naiisip ko yung future na asawa na kita tapos meron tayong 11 na anak." Naubo ako bigla sa sinabi nya. Grabe, kaya nya yun? Hindi nya nalang ginawang isang dosena, nahiya pa! "Grabe ka, Hideo. Hindi man lang dumaan muna sa kasalanan yang imagination mo?" I asked while rubbing my chest. Hindi ba ako malolosyang nyan? Tingnan natin kung maganda pa ako sa paningin mo! "Gusto mo practisin natin kasalan ngayon?" He asked then he cupped my face. His touch sent jolts of electricity through me. Our eyes met and now he's smirking. Kaloka to! I could hardly breathe after hearing what he said. "k-kahit a-ano nalang t-talaga pumapasok sa isip mo!" I'm now stuttering. "Nagpaplano lang." "Ang panget naman pag practisan kasal na tayong dalawa lang, walang magkakasal satin!" sagot ko and I looked away. "Edi..." napalingon naman ako sa kanya. "Yung honeymoon nalang. Gusto mo?" Gague, si Hideo ba talaga to? "No!" I trailed off while rubbing my sweaty hands on my skirt. "Para ka ng hihimatayin dyan!" "H-hindi no. nabigla lang." "Syiempre, biro lang yun" sagot nya't inakbayan ako. Lagi akong komportable sa kanya ngayon lang talaga na ang bigat huminga tapos ang basa pa ng kamay ko. "saka nga pala." may kinuha naman sya sa bulsa nyang isang lollipop. "Para sayo" lolllipop? bata ba ako sa paningin mo, Hideo? "Ang aga ah?" tanong ko habang binubuksan nya. "May nakita kasi ako sa kanto kahapon, binibigyan nya ang babae ng lollipop tapos tuwang tuwa naman yung babae, kaya nagbabakasakali akong ikaw rin." sagot nya. Wow, hindi siguro materialistic yung babaeng yun. "talaga? Nakikita mo ako sa babaeng yun?" tanong ko't kinuha yung lollipop sa kanya tapos inilagay na sa bibig ko. "oo, mga grade 6 ata yun!" I was enjoying this lollipop not until he uttered those words. Parang nawalan ako ng gana. Talaga ba? Grade 6? Malamang sa malamang, jusmeyo marimar! "Hindi pa kasi ako ganun ka expert sa pangliligaw, baka ito gumana." Napahinga ako ng malalim. Iintindihin kita kasi hindi ka talaga tao, sigi! Pero ang hirap talaga magpigil ng inis. Hayst! "Sumakit pala yung ngipin ko." Reklamo ko't ibinalik sa kanya ang lollipop. I looked away, hindi ko makakayanang tingnan mukha nya, naiinis ako at baka mawala lang to pag makita ko mukha nito! Nakakatingin lang ako sa kawalan nang... "Hid-" Napatigil ako sa nakita ko. Anak ng.... I'm currently looking at him while my jaw dropped. K-kinain nya ba talaga yung lollipop ko? It feels like my blood ran up to my face kasi feel ko ang init ng mukha ko ngayon. sh1t! What did he just do? Seeing him like this just increased my feelings for him. Parang ansarap kunin ulit nung lollipop tas sumipsip ulit dun. Goodness! I bit my lower lip as I look away. Aatakihin na ata ako sa puso sa ginagawa ng lalaking to e! Indirect kiss na yun e... "Sayang naman, kaya ubusin ko nalang." sabi nya at napatitig naman ako sa lips nya as it keeps on moving, pouting because of the lollipop inside. His lips look so inviting, I want to kiss it! Dahan dahan akong humakbang papunta sa kanya kasi nakakatukso naman talaga nang... "People in the universe good morning!" Halos mapatalon ako sa bagong dating na si Marisa. Bakit ba dumadating to sa mga ganitong panahon. May lahi ba tong kabuti? "Waw, early worms!" sabi nyat tumawa tawa pa. "Early worms ka jan." Ano ba pinagsasabi neto. "Good mood ka ata?" tanong ko sa kanya habang si Hideo naka upo sa bintana at inuubos yung lollipop. "Marisaaaaa!" Napalingon kami sa sumigaw at nakita si Ion. Wow, nakabalik na pala to. Kaya pala ang ganda ng mood ng kaibigan ko. Tumakbo naman si Marisa na parang hinahabol ata ni Ion. "Magkakatuluyan talaga yan." biglang komento ni Hideo. "Sira! magiging broken family sila pagnagka taon!" Sagot ko't pinagmamasdan ang dalawa. "pero..." He pulled me closer kaya nanglaki ang mga mata ko. "Tayo muna mauuna. Dapat sagotin mo na ko bago maging sila." sabay ngisi nya ng nakakaloko "Hmmmm. Let's see." "May sasabihin ako sayo pero pag tayo na." then he smiled. "Parang hinahamon mo talaga akong sagotin ka agad e!" "Seryoso. Pag tayo na." He patted my head again. ***** "Walang hiya ka, Ion! Pag talaga hindi malinis yung scarf ko, ikaw ihahampas ko sa inidoro!" Iritang reklamo ni Marissa. Nasa bench kami sa labas ng building kasi recess ngayon. Si Marissa naman, naiwan yung scarf nya sa kotse ni Ion kaya pang blackmail yun ni Ion sa kanya na ililinis nya daw sa inidoro pag hampasin pa sya ulit ni Marisa. "Sarap pa nga maglinis mamaya pag uwi ko e." pang aasar ni Ion. "Mukha mo! Sasama ako sa bahay nyo!" sagot ni Marisa na umuusok na ngayon ang tenga. "Hoy, di ka makakapasok, mukha kang NPA!" "NPA mo mukha mo! Di mo ko mapipigilan, kilala moko, Ion!" at nanlilisik ang mga mata neto. "o, masasabi mo pa bang magkakatuluyan yan?" tanong ko sa katabi kong si Hideo. Lumingon naman sya sakin at hinawakan ang kamay ko. "Ewan, basta tayo sure yun. Nag ki-" tinakpak ko naman kaagad ng cupcake na may icing yung bibig nya kasi napalingon yung dalawa samin. I smiled awkwardly, kasi muntikan na yun e! "Muntikan na yung langaw e, baka mapanis, hehe..." kahit ako rin di ko naintindihan sinabi ko. Natigilan yung dalawa. "Hala! S-si Ion oh, ngumingisi na!" sabay turo ko ky Ion. Nabaling ang atensyon ni Marisa ky Ion at pinag initan ulit. Buti naman, muntikan na yun ah! Napangiti naman ako ng maluwag. Napalingon ako ky Hideo at nakita ang mukha nya. Napahawak ako sa bibig kasi ang cute haha. Pinahiran ko naman yun kaagad. "Sorry." sabi ko't nag peace sign. Ngumiti naman sya sakin. **** Marisa's Nasa loob ako ng kotse ni Ion, naka upo ako sa passenger's seat habang nagmamaneho sya. Huh! Asan ngayon tapang nya! "Akala ko ba di mo ko isasama? Asan tapang mo ngayon?" sabi ko sa kanya. "Ibaba mo nga yan! Sino bang di matatakot dyan, nakatutok yang cutter sakin!" pasigaw nya pero naka tingin parin sa daan. "Eto lang naman tanging sulosyon, utang na loob, Ion, ibalik mo na!" "Hindi ka nga pwede pumasok dun, sa labas ka lang mag antay!" "Osya! Sigi na basta mabalik yun sakin!" tapos tinutok ko parin sakanya. -- nakarating na kami at halos mahulog yung panga ko sa laki ng bahay nila. "Wow, Ion, sa laki ng bahay nyo pwede ka naman bumili ng sangkatutak na panlinis sa inidoro" sabi ko habang nakadungaw parin sa bintana dahil automatic nagbukas yung gate nila. "Alam ko pero magsasayang lang ako ng pera kaya yung sayo nalang." sagot nya kaya tinutok ko ulit. Pinark nya na yung sasakyan at lumabas na. Sayang din naman pinunta ko dito kung di ko makita yung paligid kaya lumabas narin ako. Napaka instagrammable ng lugar. Kung hindi lang sana nasira phone ko e! May utang pa yung mokong na yun sakin e, dapat palitan nya yun. Pumasok na si Ion sa loob at ako nakatingin lang sa fountain. Ang yaman ng mokong na to! Nagmamasid lang ako sa paligid nang may dumating na sasakyan na color white. Huminto naman ito nung nakarating sa tapat ko tapos ibinaba yung bintana at nakita ko ang isang mukha ng babaeng maputi na parang nasa mga 25 at maganda sya, seryoso. "Hello, Ija, are you with my son?" Napaka soft ng voice neto. "Your son po?" sinong son ba  tinutukoy nya? May anak na sya? "Yes, si Ion. Hindi ka nya ba kasama?" tanong nya kaya napanga nga ako. Mama nya to? "Woah? Anak  nyo po si Ion? Nako, ma'am, napaka baby face mo naman po! Hindi ako makapaniwala!" sabi ko at napamewang. Natawa naman ito at saka ko lang narealize na ang vocal ko na. "Nakakaaliw ka." sabi nya't natawa parin. "Ba't ka pala andito sa labas? San si Ion?" "Nasa loob po, may kinuha lang." nawala naman ngiti sa labi nya. "Ba't nya iniwan sa labas ang isang magandang babae? Hindi ko yun tinuro sa kanya, aba!" Sabi nya tapos bumaba sa kotse. Nahulong na nga panga ko kasi ang sexy nya saka hindi halatang mama sya ni Ion kasi sa ugali palang nila. Hindi kaya.... Ampon si Ion? Choss, how I wish. "Mama's boy yang si Ion." sabi nya habang naka sunod ako sa kanya papasok sa mansion nila. Seryoso? Di halata sa kanya ah! Di ba nga pag mama's boy mas sweet talaga sa mga babae? E ba't apaka mokong nun, world war talaga pag magkasama kami. "Wee? Talaga po? H-hindi po halata! Kung hindi kayo dito umuwi hindi ako maniniwalang mama ka nya. Anlayo talaga." Ewan ko ba kung bakit lumabas yun sa bibig ko. Hindi naman sya intimidating kaya siguro apaka vocal ko. "He's so sweet sa bahay. Nahihiya lang siguro sya kasi nag iisang anak sya tapos hindi rin kayo magkadugo. Pero give him some time, makikita mo yung totoong Ion." "Naku po! Almost 4 years kami magkasama pero never talaga yan naging sweet!" sagot ko naman. She chuckled a lil bit. "You must be special to him because you're the first woman he brought home." Natigilan naman ako. I think nag eexpect ng something mama nya pero dahil lang talaga sa scarf kaya ako andito. "You can visit us again if you have some time." sabi nya at nakapasok narin ako sa bahay nila. "Come on in" hindi ko naman maiwasan mamangha sa nakikita ko. Andaming Family pictures sa wall at mag isa nga lang talaga si Ion. Masasabi kong mas nagmana sya sa papa nya at yung mata at ilong ay sa mama nya. Hindi ko rin naman itatanggi na may itsura din naman talaga si Ion, asungot nga lang. "Feel at home, Ija" sabi nya at palibot libot naman tingin ko sa itaas. "Uy, andito na pala babyboy ko." napalingon naman ako sa gawi ng mama nya at nakita si Ion na pababa ng hagdanan. Babyboy? HAHAHAHAH Asan angas mo ngayon oy? Babyboy pala ah! "Ma naman e!" at napa padyak sya ng paa kaya hindi ko mapigilan mag make face. "Ba't di ka nagpasabi umuwi ka na pala? Dapat ako sumundo sa yo" sabi nya tapos kumiss sa cheek ng mama nya. Awee "May driver naman ako, Biboy, kaya okay na. Tapos I'm glad may dinala kana sa bahay. So, pinakinggan mo na rin ako, finally! I told you, you should start dating!" My eyes widened. Hala! Ano ba iniisip ng mama nya? "We're not dating, Ma!" agad na sagot neto. "Why not? I like her. Being honest and funny is her charm. She's not afraid of saying things to me and that's what I like." then she flashed a sweet smile. "Be here tomorrow, night. We'll be having a dinner with my parents. You should come or else, magtatampo ako." Ewan ko ba pero ang hirap tanggihan ng mama nya. The way sya mag salita e mahihiya kang mag no. Napatango nalang ako sa sinabi nya. She's so nice! "Ma! I told you we're not dating." pagrereklamo ni Ion. "Quiet! She's my guest. I have the right to invite her." sagot neto at umakyat na sa hagdanan. "Drive her home safe." Nung nawala na ang mama ni Ion ay hinila naman ako neto palabas. "Aray ko! Ano ba!!" pasigaw ko sa kanya at napamewang naman sya. "I told you dapat hindi ka na sumama dito! Ayoko isipin nya na...na..." napaiwas naman sya ng tingin. Mahirap ba banggitin yung words? "Bakit? Hindi ba babae tingin mo sakin na pwedeng ma date? Tingin mo rin gusto kita!" I rolled my eyes. "Hindi! Hindi ikaw yung tipo ng babae na pwede ma date. Mas barako ka pa kesa sa lalake e! Wag ka sumulpot bukas, ako na magpapaliwanag." "As she said. I'm her guest, kaya wala ka karapatan pigilan guest ng mama mo!" "Marisa! Ang sakit mo sa ulo!" "Sang ulo ba?" tanong ko at napalingon sya kaagad sakin. "Never mind! Hatid mo naako, as your mother's guest! Drive me home safe" sabay ngiti ko at kinuha ang scarf sa kamay nya tapos sumakay na sa kotse nya. Looks like no choice sya kasi napakamot sya sa ulo at sumakay na sa driver's seat. Ayan! Mama mo lang pala katapat e. Ewan ko ba pero na excite ako bigla para bukas. Ano ba maganda suutin? Dapat yung mala princessa ako bukas no! Zacharion Lim Jr. Makikita mo yung sinabihan mong barako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD