“Sige magpahinga na muna tayo,” sabi ni Padre Feruvio makalipas ang mahigit dalawang oras naming pag-eensayo. “Halika.” Akala ko ay uupo lamang kami pero nagsimula na itong maglakad papunta sa isang pinto na ngayon ko lamang napansin. Sumunod ako pero minabuti ko na ring magbaon ng pandepensa sa aking sarili kung ano man ang mangyari. Ilang minuto rin kaming naglakad sa hindi ko maunawaang lagusan. “Andito na tayo,” sabi nito at ganon na lamang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang napakagandang kapaligiran. “Nasaan ho tayo?” “Hindi ko rin alam, sa totoo lang. Sa kagustuhan kong makahinga ng sariwang hangin, sinikap kong maghukay at hinayaan kung saan man iyon hahantong,” “Pwedeng-pwede na ho kayo makatakas pala eh,” sabik kong sabi na tumingin pa sa aming pinanggalingan. “Kung ta

