“Dispatsahin? Ako? Ibig mong sabihin ay pinapapatay ako?” Hindi agad nakasagot si Arkin dahil abala ito sa pagtingin sa paligid, “Sa hotel na tayo mag-usap. Baka maabutan na tayo ng mga sumusunod sayo.” Hinayaan kong hatakin na ako nito palayo at papunta sa motor nito. Sa kamalas-malasan pa ay habang binabagtas namin ang daan pabalik sa hotel ay bumuhos na ang ulan. “Umayos ka ng kapit!” sigaw ni Arkin sa akin habang pinapabilis ang takbo. “Ay kung binabagalan mo ang pagpapatakbo mo?!” sigaw ko naman pabalik. “Yumakap ka na lang, maarte ka pa,” “Mamamatay muna ako,” “Nagseselos ka pa rin ba?” “Mukha mo!” “Aradelle! Gawin mo na lamang at nang hindi ako mahirapan sa pagbalanse. Kailangan kong bilisan nang hindi ka mababad sa ulan, baka ka magkasakit, nauunawaan mo ba, ha?!” Wala n

