“Aradelle, andito na tayo,” sabi ni Mother Flora nang tumigil ang sasakyan makalipas ang mahigit tatlong oras na biyahe. Simula kanina nang bitawan ko ng salita si Arkin ay hindi na ko nito kinibo. Nabigla siguro, dapat lang. Kung gusto nila ng laro ay pagbibigyan ko sila. Sa tingin ko naman ay mapapakinabangan ko sa mga pagkakataong ito ang turo ni Mama. “Halika na,” sabi ni Mother Flora nang bumukas ang pinto at hinawakan ang kamay ko. Nanatili pa ring nakapiring ang mga mata ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan. “Pwede mo ng alisin ang piring mo,” sabi pa ni Mother Flora kaya agad akong sumunod at kahit malabo pa ang paningin ko sa una, alam kong nasa isang magandang kwarto kami. Amoy makaluma ang kwarto, parang sa dormitoryo din. “Ito ang kwarto natin. Magpahinga ka

