“Alam kong mahirap sayo ang lahat pero tama ang iyong ginawa,” sabi ni Jacinto Kinobo at hinaplos ang mukha ni Mama. “Hindi mo naman gugustuhing masira ng wala mong kwentang asawa ang lahat ng mga pinaghirapan mo hindi ba? Dahil hindi siya sang-ayon sa paglilingkod mo?” Tumango naman si Mama at umiiyak na lumuhod saka hinalikan ang paa niyong huwad na pari. Parang masusuka na ako habang nakikita ang mga nangyayari. Si Don Cartusio ay hindi tumitingin at abala lamang sa pagsisigarilyo. “Si Papa!!” gigil na gigil na bulong ko habang sinusubsob ako ni Arkin sa dibdib nito para hindi kumawala ang mga ingay dahil sa aking pag-iyak. Pagkatapos ay umalis na sina Don Cartusio kasama ang huwad na pari at naiwan si Mama na nakaluhod sa lupa. “Lalabas na ako—” gigil na sabi ko na halos mapunit

