Wala na akong pakialam sa lakas ng ulan, kidlat, at kulog sa mga oras na iyon. Humakbang ako palapit kay Arkin na hindi binibitawan ang tingin nito. Napakatagal kong nilabanan ang nararamdaman ko kay Arkin, umabot pa sa punto na sobra akong nangulila at nagsisi noong akala ko ay namatay na ito. Sobrang tagal na hinangad kung ano ang pakiramdam ng mga labi niya kapag nakalapat sa mga labi ko. “Aradelle,” sabi ni Arkin sa akin habang diretso ang hakbang paatras. “Hindi ko sinasadya na gawin ‘yon. Pasensiya na kung mali ang dting sayo ng kilos ko.” “Wala naman akong pakialam sa kung ano ang gusto mong iparating, gagawin ko lang ang sa tingin ko ay dumating sa akin ayon sa kilos mo,” sabi ko at nangisi nang kaunti nang natigil ito sa gilid ng mesa. Tinulak ko ito pahiga sa mesa nang mara

