“Sinungaling!” singhap ko habang naglalaro sa isipan ko ang pilat na sinasalat ng aking kamay kani-kanina lang sa may dibdib ni Arkin. Umismid ito at hinila na ako palabas ng kwarto, “Noong hinatid si Arkin dito, at ginamot ng mga doktor ko, nagulat ang mga ito sa nakita nila nang itest lahat ng sitwasyon nito dahil sa tama ng bala. Masakit man at labag sa loob ko, kailangan patahimikin ang mga doktor na nakaalam tungkol sa bagay na naka-implanta sa aming mga puso,” “Implanta? Para saan?” “Lahat Aradelle, sa mundo ngayon ay may kapalit. Buhay sa buhay,” “Saan naman nanggaling ang implanta na iyon? At saan ba talaga nanggaling iyong si Jacinto Kinobo? Bakit parang nagbubukal ng pera yon? At kapangyarihan?” “Tanong ko rin yan ng mahabang panahon. Dahil kahit anong gawin kong pagpapaimbe

