Hindi alam ni Lenna kung ano ang gagawin -- kung ang itulak ba si Dash o tumugon sa halik nito. She should be seducing him, not the other way around. Pero sa tingin niya'y mas eksperto ito na magpaikot ng tao kaysa sa kanya. At kung hindi siya mag-iingat ay matatangay siya at hindi niya magagawa ang misyon. Pinilit niyang panaigin ang matinong kaisipan. "W-wala kang karapatang hagkan ako..." paanas niyang wika nang pilit na inilayo ang katawan sa binata. Nag-uunahan pa rin ang t***k sa dibdib niya at nanghihina ang tuhod niya nang dinampot ang bag sa damuhan. "Ano ang ginagawa mo dito sa ilalim ng puno gayung halos madilim na? You should be home at this hour cooking dinner. Hinihintay mo ba ang kalaguyo mo dito?" tanong nito na nakakunot ang noo. "W-wala akong kalaguyo. N-nagp

