Hinintay ni Dash na makalabas muna si Lenna sa silid niya bago siya lumabas sa banyo. Sa init ng katawan niya ngayon ay hindi niya matitiyak na kaya niyang magpigil oras na makitang muli si Lenna sa ganoong ayos - nakaluwa halos ang dibdib at mapang-akit ang mga mata. Hindi niya alam kung para kay Carlo ang pag-aayos na iyon ni Lenna pero gusto niyang pigilan ito sa pag-alis. Hindi niya gustong may ibang lalaking titingin sa dalaga at magkaroon ng pagnanasa katulad ng nararamdaman niya ngayon. Nauwi sa pagligo ang pagpunta niya sa banyo para puksain ang init ng katawan. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naligo ng dalawang beses sa loob lang ng isang oras.. Lenna was definitely rocking his world. At sisiguraduhin niyang hindi dito matatapos ang lahat ng ito. He remembered h

