Kinabukasan ay pinuntahan ni Dash ang ina at hiningi ang financial report ng hacienda sa nakalipas na limang taon. Ang totoo'y wala siyang ideya sa mga iyon pero dahil siya ang mamamahala sa bukid ay kailangan niya 'yung matutunan. Dinala siya ng Mama niya sa isang malaking silid sa dulo ng pasilyo na siyang opisina ni Don Faustino noong nabubuhay pa. Puro steel cabinet ang naroon at dalawang malalaking vault. May maliit na sofa at dalawang side table na may flower vase at mga estante ng mga libro na may kinalaman sa pagnenegosyo at pagtatanim. Sa mga susunod na araw ay kailangan niyang basahin ang mga iyon. "Ikaw lang ang maaaring makapasok dito, Dash," bilin ng Mama niya. "Kung may maglilinis man dito ay siguraduhin mong nandito ka rin para maiwasang maghalungkat ang mga katulo

