Kasalukuyang inaayos ni Lenna ang mga bayarin ng hacienda nang pumasok si Dash sa opisina niya sa library dala ang laptop nito. Galing ito sa paglilibot sa bukid na hindi na siya sumama dahil gusto niyang tuklasin ang pinansyal na estado ng hacienda. "How are you?" "Okay lang naman," sagot niya. "Maaga ka yatang bumalik?" "I miss you. Kung sumama ka sana dumeretso tayo sa dulo ng farm." "Sa susunod na lang. Tatlong buwan na tayong late sa pagbabayad ng mga suppliers, Dash. Kapag tumagal pa ito, hindi na magdi-deliver sa atin ng mga pesticides ang mga suppliers." "Okay. Give it to me and I will discuss it with my mother. Nagugutom na 'ko, magmeryenda muna tayo sa kusina." Sa gabi ay sabay na rin silang kumain ng hapunan ni Dash. "Nasaan ang Mama mo?" tanong niya nang h

