Chapter 36

1851 Words

Umakyat si Lenna sa silid niya pero nakita niyang nakaawang ang pinto ng opisina ng Papa niya kaya lumakad siya patungo roon. Naabutan niyang may kausap si Matilda sa telepono na kaagad ding ibinaba nang makita ang presensya niya. "L-lenna..." utal nitong wika matapos ibulsa ang teleponong hawak. "M-may kailangan ka?" "Kailan ko makakausapa ang abogado mo, Matilda? Hindi sa pinapalayas ko kayo sa bahay na 'to, gusto ko lang maayos ang paghahati ng ari-arian ng Papa para sa ikabubuti ng lahat." "Si Dash ang kausapin mo tungkol d'yan. Siya ang namamahala ngayon sa hacienda." "Paanong si Dash ang kakausapin ko? Hindi mo pa naman naililipat sa kanya ang hacienda, hindi ba? Marahan itong umiling. "Hindi ko hawak ang titulo ng mga ari-arian ng Papa mo para ilipat 'yun kay Dash."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD