Chapter 35

2089 Words

Maagang gumising si Dash kinabukasan. Sa kabila ng hindi siya gaanong nakatulog sa pag-iisip kung paano niya muling susuyuin si Lenna ay magaan ang pakiramdam niya. Matapos maligo nang maaga ay tumuloy siya sa kabilang silid para tingnan ang mag-ina niya. Wala si Lenna sa kama pero nakita niyang gising na ang anak na tahimik lang na nililibot ang mata sa buong silid. Sumampa siya sa kama at hinawakan ang kamay ng anak na ngumiti nang makita siya. Gustong matunaw ng puso niya sa ngiting iyon. Sa tinagal-tagal na umaasa siyang magkakaroon sila ng pamilya ni Jassy na pilit nitong tinatanggihan, si Lenna ang tumupad ng pangarap na 'yun. Gusto niyang umasa na kahit paano'y minahal naman siya nito kahit katiting. Hindi niya gustong isuko ang pag-asang magiging buong pamilya sila. Lumaba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD