Chapter 16

1999 Words

Inihinto ni Dash ang sasakyan sa may di kalayuan at hinayaan munang makapasok si Lenna sa mansyon bago siya tumuloy sa garahe. Ilang araw din niyang tinikis ang sarili na huwag makausap o kahit makita man lang ang dalaga, pero kaninang malapitan ito'y humulagpos ang damdamin niya na hindi niya nagawang pigilan. Hindi nagbago ang epekto ni Lenna sa kanya. Sa tingin niya'y lalo lang nadagdagan ang pananabik niyang makasama ito. Hindi niya alam kung dapat niyang paniwalaan na may iniwan si Don Faustino dito na nasa pangangalaga ng Mama niya. Iyon ba ang dahilan kung bakit kabilin-bilinan ng ina na huwag magpapapasok ng katulong sa opisina ng Don? Lahat ng bagay doon ay confidential lalo na ang financial statement ng hacienda, pero kung ipinagkatiwala ni Don Faustino kay Lenna ang la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD