Nagpupuyos pa rin ang kalooban ni Dash kapag naaalala ang pag-uusap nila ni Lenna kaninang umaga. Di niya matanggap na mas malapit ito kay Lucio ngayon gayung may asawa ang lalaking abogado. Pagdating ng hapon ay inabangan niya ang pagdating ni Lenna. Balak niyang kausapin ito tungkol sa pagpasok ng dalaga bilang sekretarya niya. Nagbilin siya sa mga katulong na papuntahin sa silid niya si Lenna oras na dumating pero hindi siya mapakali kaya inabangan niya ang pagdating nito mula sa balkonahe ng silid niya. Alas singko ng hapon nang matanaw niya ito papasok sa gate. Bawat indayog ng balakang nito habang naglalakad ay umaahon ang imahinasyon niya. Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng damdamin niya kay Lenna na bumubuhay ng dugo niya ngayon. Naghintay siya ng ilan

