"Kanina ka pa nakangiti diyan?" pansin ni Cecil sa kanya habang kumakain sila ng almusal. Bukod sa paghalik na naman sa kanya ni Dash kanina ay ang pagsasabi ng binatang amo kay Lucio kanina na kukunin siyang sekretarya nito ang naglagay ng ngiti sa mga labi niya. Malapit na siyang magtagumpay sa mga plano. "Maganda lang ang gising ko," nakangiti niyang wika. "Ikaw, Lenna, baka naman pumapatol ka na d'yan sa pang-aakit ni Sir Dash ha. Sinasabi ko na sa 'yo may girlfriend 'yan sa Amerika," muling paalala ni Cecil. "At ang dinig ko uuwi dito 'yung girlfriend niyang 'yun sa susunod na buwan at balak ni Ma'am Matilda na ipakasal na ang dalawa. Tutal daw eh dati pang balak mag-propose ni Sir Dash sa girlfriend niya," sulsol naman ni Tonet na ikinapalis ng ngiti niya. "Sino'ng may

