Chapter 33

1835 Words

Bakit ka pumayag na sa mansyon titira?!" inis na wika naman ni Lucio nang malaman nito ang napagkasunduan nila ni Dash. "Ilalaban niya ang karapatan niya sa anak ko, Lucio," may pagtitimpi naman niyang sagot. Tila siya naiipit sa dalawang nag-uumpugang bato na para bang wala siyang karapatang magdesisyon sa sarili niya. "Hayaan mong makasama niya si Alejandro hangga't hindi naaayos ang pagsasalin ng mansyon sa akin." "Aapihin ka na naman nila kapag nandoon ka! Hindi ka pa ba nadala?" "Hindi na nila ako maaapi ngayon dahil alam kong legal na akong Andrade. Gusto kong makita ang pagbagsak ni Matilda sa pamamagitan ng anak niya." "Gaano ka nakatitiyak? Hindi basta-basta isusuko ni Matilda ang karangyaan sa isang iglap lang, Lenna." Hindi siya sumagot. Sa kaibuturan ng puso niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD