Nakatanaw si Lenna sa matatayog na puno ng niyog sa likod ng bahay ni Lucio sa Hacienda Hermano. Sa isang taong mahigit nilang paglayo ni Lucio, walang nagbago sa bayang nilisan nila. Kunsabagay, ano nga naman ang isang taon. Kahit ang sugat sa puso niya sa panloloko ni Dash ay hindi pa naghihilom. At kahit ang pang-aapi sa kanya ni Matilda ay sariwa pa rin sa alaala niya. "Good morning, honey." Agad yumakap si Lucio sa kanya at humalik sa leeg niya. Alam niya kung bakit iyon ginagawa ng abogado. Alam nitong kapag sa labi siya hinalikan ay tatapusin agad niya ang halik. Kapag sa leeg ay hinaahayaan niya ito ng ilang sandali bago niya ilalayo ang katawan. It was less intimate that way. "Nakahanda na ang almusal," wika nito. "Maglilibot tayo sa bukid mamaya para tingnan ang mga p

