Hindi nasunod ang isang linggong stay ni Jassy sa mansyon dahil magdadalawang linggo na ay naroon pa rin ito na ikinaiinis ni Lenna. Kahit anong pilit ni Dash na magkaibigan na lang ito at ang dating nobya ay hindi pa rin siya mapalagay dahil iba ang nakikita niya. At bukod sa palaging pakikipaglapit ni Jassy kay Dash, siya ay nilalagyan ni Dash ng distansya kapag kaharap ang ina nito na ikinangingitngit ng loob niya. Hindi niya makuhang inisin si Matilda at ipamukha na siya ang pinipili ng anak nito. At kapag wala si Dash ay nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawa na ipamukha sa kanya na hindi kayang paalisin ni Dash ang dating kasintahan. At na may relasyon pa naman talaga ang dalawa. "Naayos ko na ang mga gamit ni Dash sa silid, 'Ma," narinig niyang wika ni Jassy saka umupo sa cou

