Chapter 28

2060 Words

"Where's Lenna?" tanong ni Dash sa katulong na si Tonet nang dumating siya ng tanghali para makasabay ang dalaga sa pananghalian. Naging abalas siya sa pakikipag-usap kay Edward na nagtungo mismo sa hacienda para personal siyang makausap. "Nasa kabilang hacienda ho, Sir Dash. Narinig ko ho kanina na magkausap sila ni Sir Lucio sa telepono bago siya umalis." Nagngingitngit ang kalooban niya na tinawagan si Lenna pero hindi ito sumasagot. Napilitan siyang tunguhin ang komedor kung saan kumakain ang Mama niya at si Jassy. "Mabuti at nakasalo ka namin sa tanghalian, anak. Malapit nang bumalik si Jassy sa Amerika pero hindi mo pa siya naipapasyal man lang sa bayan," wika ng Mama niya. "Wala namang magandang pasyalan dito sa atin, 'Ma," napilitan niyang sagot. "Hindi ko na gusto pang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD