Chapter 29

2615 Words

Hindi na nakabalik si Lenna sa mansyon matapos mamaga ang mata niya sa pag-iyak dahil sa natuklasan kanina sa silid ni Dash. Katabi nito si Jassy na kapareho nitong walang saplot. Alam niyang sinadya ni Matilda iyon at parte iyon ng plano ng mga ito para layuan niya ang anak nito. Kanina ay walang tigil si Dash na magpaliwanag sa kanya, na wala itong alam dahil sa kalasingan. Pero pagod na siyang lumaban kaya mas pinili niya na lang ang sumuko. Nakakapagod din pala. Nakakaubos din ng lakas. Anuman ang ari-arian na gusto niyang ipaglaban ay sinukuan na rin niya ngayon. Masyado na siyang nalugmok dahil lang sa pagnanais niyang maangkin ang pag-aari ng ama. Siguro nga ay wala siyang karapatan kahit na ano. Anak lang siya sa labas at ang tulad niya ay hindi binibigyan ng halaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD