Lalong nanlumo si Dash nang mapatunayan na malaki na ang nawalang pera sa hacienda dahil sa walang kapararakang paggasta ng Mama niya. Twelve million pesos ang personal expenses nito sa loob ng dalawang taon ayon sa Independent Auditor na na-hire niya. Hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos niya kukuhanin ang pera para maibalik iyon sa Hacienda Luna. At ngayon ay kausap niya ang abogado ng Mama niya para sa mga legalities ng paglilipat ng lupain sa pangalan ni Lenna. "Wala kong hawak na anumang dokumento, Dash. Bago lang akong humawak sa account niyo. Ang abogado ni Don Faustino ay si Attorney Caspian na ngayon ay wala na sa bayang ito may dalawang taon na siguro. Sa ngayon ay walang hawak na anumang titulo ang Mama kung hindi ang pagbabago lang ng pangalan ni Helena bilang isang

