Chapter Six

1033 Words
NAKAUPO si Misha sa waiting lounge habang hinihintay si Sean na nakikipag-usap sa student council sa loob ng student council office. Tumingin siya sa suot niyang wrist watch. Alas-tres na ng hapon. Mamayang alas-kuwatro ay kailangan na niyang sunduin sina Jirou at ang kapatid niyang si Mitto sa eskwelahan. Pero ang pino-problema niya ay si Seth. Hindi sila dapat magkita ngayon dahil baka malaman ni Sean ang relasyon nila. Tiyak na magiging katapusan na 'yon ng carreer niya bilang student journalist at maging ng college life niya. "Hey, Misha." Napalingon si Misha sa tumawag sa kanya. Napangiti siya nang sumalubong sa kanya si Mami. Kasama nito ang gay co-writer nilang si Gio. "Hi, Mami, Gio!" bati niya sa dalawa. Nakangiting tinapik-tapik ni Mami ang ulo niya. "Poor Misha. We just wanted to make sure na buhay ka pa," biro nito. "Hay naku, Misha. Bakit ba kasi na-assign ka pa sa despicable cyborg na 'yon? Gwaping sana ang lolo mo pero scary!" bulalas ni Gio. "Buti na lang kami nitong si Mami, sa super hot at super bait na basketball team natin na-assign mag-interview para sa aming sports news. Kaya fly away na 'ko sa building na 'to. Bye," talumpati nito bago nagmamadaling naglakad palayo. "Misha, 'wag mo nang pansinin ang baklitang 'yon," nakangiting sabi naman ni Mami habang nakatingin sa malayo. "Pero alam mo, sa tingin ko naman ay hindi gano'n kasama si Seth Sawada. Sana nga sa'kin na lang na-assign ang pag-i-interview sa council niya. It's not that I like him or anything. It's just that... he looks mysterious. Parang interesado tuloy akong malaman ang totoo niyang pagkatao." Natigilan siya. Tama ba ang nakikita niyang pagkislap ng mga mata ni Mami habang nagkukuwento tungkol kay Seth? At bakit parang may kung anong matulis na bagay ang tumutusok sa puso niya? Mami chuckled. "Ano ba 'tong sinasabi ko? Nakakahiya." Nilingon siya nito. Namumula pa ang mga pisngi nito. "Mauna na ko, ha? Susundan ko na ang baklitang si Gio." Kumaway pa si Mami bago tumakbo para habulin ang may kalayuan nang si Gio. Mami seemed to like Seth. Ewan ba niya kung bakit parang sumama ang pakiramdam niya. Marami naman talagang nagkakagusto kay Seth sa kabila ng pag-uugali nito. Hindi na dapat siya naapektuhan. Tama. Ang kailangan mong isipin ay ang paglilihim mo sa ugnayan niyo ni Seth. Bumuntong-hininga siya at pansamantalang kinalimutan ang negatibong nararamdaman niya kanina. Hindi puwedeng malaman ng mga kasamahan niya sa FearlessMan Publication na bukod sa nagta-trabaho siya kay Seth bilang babysitter ng kapatid nito ay fiancé pa niya ito. Hindi malayong sipain siya ni Ate Kia – hindi, siguradong si Sean ang sisipa sa kanya paalis ng FM sa tindi ng galit nito kay Seth. At iyon ang bagay na iniiwasan niyang mangyari. "May problema ba?" Natauhan siya nang isara ni Sean ang hawak na notebook sa harap niya. Napakurap siya. Nag-suot lang ito ng salamin sa mata ay biglang naging maaliwalas na ang mukha nito. Hindi na rin kasi ito nakasimangot kaya lumutang na ang kaguwapuhan nito. "I was just thinking about work," sagot niya. Kumunot ang noo nito. "You're working?" Tumango siya. "Madali lang naman ang trabaho ko. Babysitter ako ng kapatid ng... kapitbahay ko." Tumango-tango ito. "I see." Mabuti na lamang at sakto ang maluwag na schedule niya sa trabaho niya kaya pumayag din si Seth. Alas-dos ang uwian niya. May dalawang libreng oras pa siyang mailalaan sa FM bago niya sunduin sa eskwelahan sina Jirou at Mitto na alas-kwatro ang oras ng uwian. "Puwede ka nang umalis. Ako na muna ang kakausap sa cyborg na 'yon," sabi ni Sean. "Talaga po?" Sumilay ang ngiti sa labi nito at ginulo ang buhok niya. Hinayaan lang nitong nakapatong ang kamay nito sa kanyang ulo pagkatapos. "Ayokong matulad ka sa mga new writer nating maagang nag-quit." "Po?" Nagkibit-balikat ito. "Apparently, na-assign sa committee ni Sawada ang mga batang nag-quit sa FM ngayong taon. At siguradong si Sawada ang dahilan ng pag-quit nila." "Wow. Kailan pa naging pet shop ang tapat ng opisina ko?" malamig na tanong ng kung sino. "What a warm welcome, stupid cyborg," sarkastikong sabi ni Sean na nakatingin na sa harapan nila. Natigilan siya. Dumating na ang taong dapat sana ay iwasan niya – si Seth. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin dito na nasa harapan lang nila. Sumalubong sa kanya ang madilim na anyo ni Seth. Napakunot ang noo niya. Even though Seth was scowling, he was still the most gorgeous man she had ever met. Mukhang gano' n din ang nasa isip ng mga kababaihang naroon na pasulyap-sulyap kay Seth. "I'm afraid I don't know how to greet a dog like you," ani Seth sa malamig na boses. Napaatras siya nang dumako ang tingin ni Seth sa kanya. Kumabog muli ang puso niya nang mabilis dahil sa takot. May posibilidad na may gawin na namang hindi maganda si Seth kay Sean na maaaring maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ng huli. Hindi siya papayag na mangyari uli 'yon. Tumalim ang tingin ni Seth sa kanya. "Ikaw–" Natigilan si Seth sa kung anumang sasabihin nito nang humarang sa harapan niya si Sean in a somewhat protective way pero hindi niya nakita kung ano'ng ekspresyon ng mukha ng huli dahil hindi ito humarap sa kanya. "'Wag mong i-bully ang new staff namin," banta ni Sean kay Seth. Kumunot ang noo ni Seth. "New staff?" Saglit itong napaisip. "Sa basurang FM?" "Basura?" nanggigigil na pag-uulit ni Sean sa sinabi ni Seth. Nararamdaman niya ang tensiyon na namumuo sa pagitan ng dalawa kaya naman nagpasya na siyang pumagitan sa mga ito bago pa lumala ang sitwasyon. "Kuya Sean, sa tingin ko dapat bukas na lang ituloy ang interview na 'to," suhesyon niya kay Sean. Umaliwalas naman ang mukha ni Sean nang tumingin sa kanya. "Tama ka," pagsang-ayon nito habang ginugulo ang buhok niya. "Let's go." Nauna nang maglakad si Sean at tinapunan ng masamang tingin si Seth bago lagpasan ng una ang huli. Mabilis na sinundan niya si Sean pero pinigilan siya ni Seth sa braso. Hinila siya ni Seth palapit dito at yumuko ito sa tapat ng tainga niya. "Marami tayong pag-uusapan," bulong ni Seth. Tumango siya at binitawan na siya ni Seth. Nang sundan niya ito ng tingin ay naglalakad na ito papasok sa student council office at napansin niyang lalong lumakas ang tilian ng mga kababaihan sa pagdating ng iba pang miyembro ng student council. Mukhang sikat talaga ang executive committee ni Seth. Napabuntong-hininga na lang siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD