Chapter Fourteen

786 Words
"JIROU, MITTO, bakit hindi pa kayo natutulog?" sita ni Misha sa mga bata nang abutan niya ang mga ito sa playroom. Pero imbis na video games ang inaatupag ng mga ito, nakasalampak ang dalawang paslit sa carpeted floor habang namimili ng mga DVD. "Manonood kayo ng movie?" "Opo, Ate. Friday naman ngayon kaya puwede kaming manood ng movie kasi walang pasok bukas," sabi ni Mitto. Umupo siya sa couch. "Okay. Panood na rin ako." "Ate Misha, bakit hindi mo po ayain si Kuya na manood ng movie with us?" suhesyon ni Jirou. "Hindi niya iiwan ang pinakamamahal niyang laptop. Mas gugustuhin pa ni Seth na malunod sa work kaysa ang mag-relax," katwiran niya. Lumungkot ang mukha ni Jirou. "Gano'n po ba? Hindi ko na po kasi nakakasama masyado si Kuya kahit na nasa isang house lang kami. I miss him so much." She was saddened by Jirou's words. Totoo naman kasing hindi na nito nakaka-bonding ang nag-iisa nitong kapatid na subsob sa trabaho. Pagkatapos, si Tita Monta naman, madalas nasa ibang bansa para sa mga business trip nito. Niyakap niya si Jirou. "All right. Tatawagin ko na ang kuya mo." Nangislap ang pag-asa sa mga mata ni Jirou. "Talaga po?" "Ako'ng bahala." Kumindat pa siya sa mga ito bago lumabas ng kuwarto. Dumiretso siya sa opisina ni Seth at tulad ng madalas niyang gawin, hindi na siya kumatok bago pumasok. "Seth?" Lumapit siya sa mesa ni Seth nang walang sumagot sa kanya. Nakasandal si Seth sa upuan nito at nakapatong ang mga paa sa mesa. Nakahalukipkip ito habang... natutulog? Ngayon niya lang nakitang matulog si Seth sa kalagitnaan ng pagta-trabaho. His eyes were closed yet he seemed tired and restless. Kahit natutulog ka na, malamang trabaho pa rin ang iniisip mo dahil nakakunot pa rin 'yang noo mo. She gently brushed away the strands of hair from his eyes. Her fingers ran down from his forehead to his cheek. She didn't know if it was just her imagination or did his face really soften just now. Hindi niya alam kung bakit pero habang tinititigan ito ay nakakaramdam siya ng kakaibang pagkapanatag ng kanyang kalooban sa kabila ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. She didn't know what the thumping of her heart meant, but she knew she should ignore it. "Misha." Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan niya. When was the last time had he said her name? Muntik na niyang makalimutan kung gaano kasarap iyong pakinggan mula sa bibig nito. Hearing him say her name made her heart flutter. Sa'n galing 'yon? He slowly opened her sleepy eyes. "Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan." Tumikhim siya para ibalik sa huwisyo ang kanyang sarili. "Gusto ng mga bata na manood tayong lahat ng movie." Umayos ito ng upo. "May tatapusin pa kong trabaho –" Tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig nito. "Seth, listen. You should spend more time with Jirou. Parating nasa abroad si Tita Monta, 'tapos, pati ba naman ikaw na kasama na niya sa bahay, hindi pa niya makikita? Maawa ka naman sa bata." Seth looked stupefied for a moment. His usually cold eyes were sparkling with amusement. Inalis niya ang kamay niya sa bibig nito. "Sorry..." Tumikhim si Seth. "I understand your sentiments but it is inevitable. You are aware of my commitment to our company. Hindi ko puwedeng pabayaan ang trabaho ko." "Pero –" "Misha." Ahh... it sounds good. "I need you." Nagulantang siya sa narinig niya mula rito. Kung ang pagbanggit nito ng pangalan niya ay naghatid sa kanya ng kakaibang saya, ang mga katagang iyon naman ang nagpagulo sa buong sistema niya. Her heart was beating fast, her mind was spinning and her knees were shaking. Sumandal uli si Seth sa swivel chair nito at humalukipkip. "I maybe a genius, pero wala akong alam sa pag-aalaga sa kapatid ko. Pero kung kasama kita, makakasiguro ako na magagabayan mo ko ng tama. What I'm trying to say is..." Humugot ito ng malalim na hininga. "I want you to stay with me and teach me how to become more... human." She was shocked. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. The sincerity in his voice, his warm gaze, his vulnerability, his gentleness... they were enough to melt her heart, to make her head dizzy and to make her smile all together. Nakakalobo ng puso na siya pa ang hiningan nito ng tulong. "You're a human being, kahit madalas ay para kang cyborg sa tigas ng puso mo," nangingiting komento niya. "Kaya sa tingin ko, kailangan talaga kitang alalayan." "I thought you hated me," magkahalong deklarasyon at tanong nito. She didn't have an answer for that. Totoo ngang may mga pagkakataon gaya ngayon na magaang ang loob niya kay Seth at nagkakasundo sila. Pero hindi iyon sapat upang tuluyang mabura ang lahat ng kasalanan nito sa kanya. But then again, did she really hate him? Seth let out a frustrated sigh as he stood up. "Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD