Kabanata 3
"Appointments for me today?" agad na tanong sa akin ni sir Gustav. Agad kong tinignan ang folder kung saan nakasulat ang kanyang mga appointments ngayon. Matapos kong tinignan ito ay muli kong inangat ang aking tingin.
"You have a lunch appointment with Mr. Gonzales together with Mr. Lozano." sabi ko sa kanya habang napabaling siya ng tingin sa aking sinabi. "And afterwards, Zhu Yang Techonology Incorporated visits the company to promote their launched mobile games. That's all for today."
"Cancel the first one." seryoso niyang sabi sa akin. "And reschedule it next week." nagulat lang ako sa kanyang sinabi.
"But sir—"
"Kailangan ko pa bang uulitin?! You want me to be fired?!" napakurap lang ako sa kanyang naturang pagsigaw saka agad akong napayuko dahil sa kanyang sinabi. Sasabihin ko lang naman sana sa kanya na importante din 'yon. Kung makasigaw naman ito parang may sinabi akong masama sa kanya.
"I understand sir. Ire-schedule ko na ang lunch appointment ninyo ni Mr. Gonzales with Mr. Lozano." inangat ko ang tingin sa kanya habang nakita kong nakatitig lang siya sa akin.
"You need to come with this afternoon." nagulat ako sa kanyang sinabi. I can't even question him dahil alam kong magagalit siya sa akin. "Don't forget that you're my secretary s***h personal secretary. Kahit saan ako, nandoon ka." aniya.
Napahinga nalang ako ng malalim sa kanyang sinabi at bahagyang napatango. Wala akong magagawa. Hinire na niya akong personal assistant niya. "I'm going to meet someone." aniya lang at napatango lang ako sa kanyang sinabi. May kinuha pa siyang mga dokumento sa kanyang table at muling napabaling sa akin ng tingin.
"Fix this." aniya at bahagya akong lumapit sa kanyang table kung saan kinuha ko ang mga dokumento. "You need to finish fixing that before lunch." sabi niya at napatango nalang ako sa kanya.
"Okay sir." sabi ko saka bahagya ng tumalikod sa kanya at bumalik sa aking table.
Napahinga naman ako ng malalim at tinignan ang mga papers na binigay niya sa akin. There's a lot of errors na nabasa ko kaya kailangan ko pa ulit itong i-type muli para mabago lahat. Tatlong papers lang naman ito at alam ko namang matapos ko naman ito agad.
Ilang sandali pa ay tumunog ang elevator hudyat para bumukas na ito kaya agad akong napabaling doon. Nakita kong bumukas ang elevator kung saan iniluwal nito ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang babaeng nakita kong nakahalikan ni sir Gustav noong unang tapak ko palang dito.
Agad akong napatayo sa aking kinaupuan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mapalapit na ito sa may pintuan ng opisina ni sir Gustav. Bahagya akong nag-bow sa kanya at napatayo muli ng maayos.
"Who are you?" tanong niya sa akin habang tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa at muling napatitig sa akin. "Ako pa sayo, magresign ka nalang. Being his secretary doesn't fit for you."
Iniyuko ko nalang aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Wala naman akong balak na sagutin siya. Titiisin ko nalang talaga ang kanilang mga ugali nila. Kung hindi din ako nagkakamali, siya ay isang laruan ni sir Gustav? Or fiance niya lang talaga itong babaeng walang modo? Who knows, hindi naman ako interesado sa kanilang buhay.
"I warned you, you need to resigned." aniya. "I don't want you to spend time with Gustav. Never. He's mine." aniya.
Napahinga lang ako ng malalim habang napatitig din ako sa kanya. "Excuse me, hindi ako interesado kay sir Gustav. Nandito ako para sa trabaho. Hindi naman ako isang malanding babae." sabi ko at nagulat lang ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko gustong ugali sa babaeng ito. Parang inaagaw ko 'yan sa kanya, isasaksak mo si sir Gustav sa baga mo wala akong paki. "Hindi naman ako katulad ng ibang babae diyan, malandi."
Nanlaki lang ang kanyang mata dahil sa aking sinabi sa kanya at sinamaan lang niya ako ng tingin. May sasabihin pa sana siya sa akin pero agad siyang napabaling ng tingin kay sir Gustav mula dito sa glass window. Nakita naming nakatingin lang din siya sa amin kaya naman agad kong iniwas ang kanyang tingin.
Napangiti naman siya sa akin. Tila ba pinapakita naman niya kay sir Gustav na mabait siya. Ang oa, hindi bagay sa babaeng ito.
"Hindi pa tayo tapos. Pasalamat kang nakatingin sa atin si Gustav kung hindi, matagal na kitang sinabunutan." nakangiti niyang sabi. "Nice meeting you." fake niyang sambit at agad na pumasok sa loob.
Sinundan ko lang siya ng tingin sa glass window hanggang sa bahagya itong lumapit kay sir Gustav. Bahala na nga kayo diyan. Wala akong pakialam kung ano ang gagawin niyo diyan. Napaupo nalang ako muli at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Ilang oras ang lumipas at natapos ko na rin ang pinapagawa ni sir Gustav sa akin. Napatingin agad ako sa relo na suot ko at nakita kong alas-onse na. Tamang-tama at natapos ko na rin ito. Napatayo na ako sa aking swivel chair saka bahagya akong kumatok ng tatlong beses saka bahagyang binuksan ang pintuan.
Pumasok ako sa loob at napahinto ako sa paglalakad ng narinig kong nagtataasan sila ng boses.
"You're just a nothing for me! At inaasahan mo bang mamahalin kita?!" pasigaw na tanong ni sir Gustav sa akin kaya naman nananatili akong nakatayo dito malapit sa may pintuan. Tila ba hindi nila nararamdaman ang aking presensiya dito.
"Akala ko ba mahal mo ako. Gustav, I love you." ani ng babae. "Please love me back." umiiyak nitong sabi habang nakita kong bahagya siyang lumapit kay Gustav.
"Get lost and do not comeback anymore!" pasigaw na sabi ni Gustav habanh napatayo na ito sa kanyang pagkakaupo mula sa kanyang swivel chair. Ilang sandali pa ay nakita kong napabaling siya ng tingin sa akin kaya agad kong binaba ang aking tingin.
Hindi ko na muling narinig na sunagot ang babae sa kanyang sinabi. Narinig ko lang itong umiiyak. Narinig kong palapit ang kanyang mga yapak sa akin kaya naman napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang makeup sa kanyabg mukha na nasira dahil sa kanyang pag-iyak. Ani kaya ang pinag-awayan nila?
"Hindi ko matatanggap ito. Dahil ito sa sayo." narinig kong sabi niya sa akin. "Kung hindi ka pa napadpad dito, hindi sana mangyayari sa akin ito. Humanda ka sa akin. Maghihiganti ako sayo." kinabahan ako bigla sa kanyang sinabi. Hindi ko naman inaasahan na pati ako dadamayin sa away nila.
"Maghihiganti ako sayo. Tandaan mo ito at kailan ma'y hindi mo maaangkin si Gustav." pagbabanta niya muli sa akin at agad na itong lumabas ng pintuan.