Kabanata 8

1161 Words
Kabanata 8 + Ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang mga gamit ko. Uwian na at uuwi na ako. Gusto ko nang umalis bago pa man ako kukulitin ni Gustav. Nakatayo na ako dito sa elevator. Pipindutin ko na sana ang button para makababa na ako nang may kamay na pumindot dito. Hindi na ako napabaling para tignan kung sino ito. Alam ko na naman na si Gustav ito. Shit. Bumukas na ang elevator at na una na akong pumasok sa kanya. Sumunod agad ito sa akin habang napatayo siya sa aking gilid. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin habang inayos niya lang ang kanyang suot na corporate attire. Napansin niya ba ang aking pagmamadali? Wala akong pakialam kung napansin niya 'yon. Ang akin lang ay makauwi na agad ako sa ngayon. Sigurado naman akong naghihintay na sa akin si Hannah sa akin ngayon sa labas. Tinawagan na niya ako kanina. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya sa akin at hindi ko rin magawang tignan siya. Katahimikan lang ang pumapagitan sa amin at wala akong balak na basagin ang katahimikan na pumapagitan dito. Narinig ko nalang itong napabuntong hininga. Ibinaling ko naman sa maliit na screen kung anong floor na kami at nandito pa kami ngayon sa ikalabing-limang palapag. Ang tagal namang umabot hanggang sa first floor. Bilis. "I'm talking to you. Why are you not answering me?" muli niyang tanong sa akin ngunit nananatili pa rin akong walang kibo. "Stupid. Answer me." dugtong nito. May halong galit na niya itong sinabi sa akin kaya napilitan akong mapatingin sa kanya. "What?" tanging utal ko sa kanya habang sinamaan niya lang ako ng tingin. "I'm your boss." aniya. "You should respect me. You should answer me if I am going to asked you a question. Did you get it?" seryoso niyang sabi sa akin at napatango nalang ako. "Yes sir. Alam ko 'yon." ani ko at agad kong iniwas ang tingin sa kanya. "Stupid. Tayong dalawa lang ang nandito sa loob ng elevator. Lagi kong pinaalala sayo na huwag mo akong tawaging sir." sabi niya. "Okay." tipid na sagot ko sa kanya habang hindi ako nakatingin sa kanya. I can sense it through my peripheral view na nakatingin siya sa akin. What kind of stare is that Gustav? A stare that can melt a person? Bakit niya nga ba ako tinititigan? Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa. Pinasandal niya ako sa gilid ng elevator habang ikinulong niya lang ako sa kanyang mga bisig. Napakurap lang ako sa kanyang ginawa habang bumilis naman ng t***k ang aking puso. Nararamdaman ko ang kanyang hiningang tumatama sa aking balat. "W-hat a-re doing?" kinakabahan kong tanong sa kanya. May seryoso itong tingin sa akin. Why he still keep his position. Ilang inch nalang ang susukatin at magtatama na ang aming labi at ilong. "Gustav." "Naalala mo ba ang sinabi ko kanina?" tanong niya sa akin at ngayon ko nasilayan ang ngiti niya ng malapitan. Tanging naaalala ko lang na sinabi niya sa akin kanina ang tungkol doon sa hahalikan niya ako kaya naman mas lalong dumoble ang kabang aking nararamdaman sa ngayon. Huwag naman sanang hahantong na hahalikan niya ako. Huwag naman sanang magkatotoo ang pagbabanta niya sa akin ng halik. "Gustav." huling salitang nasabi ko bago pa man niya ako tuluyang nahalikan. Dahil sa gulat ko sa kanyang ginawa sa akin, nanatili lang akong nakadilat sa ginawa niya. Natuod ako mula sa aking kinatayuan at may kung anong kumiliti sa aking tiyan. Tumunog ang elevator hudyat para bumukas ito kaya daling napaayos ng tayo si Gustav sa aking gilid. Habang napatayo din ako ng maayos at napakurap ng ilang beses. "Hello sir Gustav!" 'Hello sir!" Bati ng mga pumapasok na empleyadong makakasabayan namin pababa. We still have in the 5th floor where the finance department are located. Bumuntong-hininga ako habang mukha na kaming sardinas sa loob ng elevator. Hindi pa rin ma-pro-proseso sa aking utak ang ginawang paghalik niya sa akin. Hindi niya ako binigyan ng signal na hahalikan na niya ako. Binigla lang niya ako. "How's your feelin'? You feeling good?" pabulong na tanong sa akin ni Gustav. I just gave him a deadly stare. Sign na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya sa akin. Kung wala pang ibang taong sumakay dito mula sa elevator, sinampal ko na siya sa kanyang ginawa sa akin. Nakita kong napangiti lang siya sa akin. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngunit alam kong pinaglalaruan lang niya ako. That manwhore just kissed me without my permission. Hindi na virgin ang aking lips, tanging pinakaiingatan kong hiyas ang nananatiling birhen sa akin. I want to protect it at any cost. I don't want him to get my virginity. Tumunog ulit ang elevator at hudyat para bumukas na naman ito ulit. Nandito na kami sa first floor. Nauna nang lumabas ang sumakay mula doon sa 5th floor. Nagpaalam pa sila kay Gustav. Bago pa man ako tuluyang lumabas ay napabaling ako sa kanya. "Anong ginawa mo? Bakit mo ako hinalikan?" may bahid na galit kong tanong sa kanya habang pabulong ko lang itong ginawa. "Hinalikan na kita means, akin ka na." aniya. "No one can ever touch you again, except me." dugtong niya. What the? Lumabas na siya mula sa elevator. Dali akong sumunod sa kanya. Hindi ko gusto ang kanyang ginawa. Hindi ko din gusto ang sinabi niya sa akin. "Gustav!" galit kong sabi sa kanya. "Call me sir. Someone might hear you here." sagot niya sa akin. "Bakit ka sumunod sa akin? Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya sa akin habang palabas na kami. "Haist! Idiot! Magnanakaw!" galit kong sigaw sa kanya at nag-iba ako ng direksyon sa kanya. He just stole my first kiss. Mama. I want to cry now. Hinalikan niya ako. Gusto ko na agad magresign mula sa kanyang kumpanya ngunit hindi ko magawa. I want to help my family. "What happened to you Zhan? May nangyari ba?" bungad na tanong sa akin ni Hannah. "Sabihin mo sa akin. Bakit ganyan ang mukha mo?" muli niyang tanong sa akin ngunit hindi ko kayang sabihin sa kanya ang ginawa ni Gustav sa akin. "Nothing." tipid kong sabi sa kanya. "Let's go home immediately." dugtong ko at nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman sa akin si Hannah. "Punta muna tayo sa mall. May bibilhin akong damit." yaya niya sa akin. "I'm not in my mood. This is not my day. I'm not lucky today." sabi ko habang napahawak ako sa labi ko. Damn it. "Ha? Malas ka ba ngayon? Anong nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Hannah sa akin. "Bakit hawak mo ang labi mo? Napano ba ang labi mo?" muli niya pang tanong sa akin ngunit nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. "Sabihin mo sa akin Zhan. Anong nangyari? Is it about Gustav?" Napailing nalang ako sa kanya. "Basta. Sasabihin ko din ito soon. Hindi mo na sa ngayon." nasabi ko nalang at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD