Kabanata 7

1094 Words
Kabanata 7 My mind keeps on reminding me of what Gustav told me. Hindi na dapat ako nag-iisip sa kanya sapagkat hindi din naman ako interesado sa kanya ngunit itong utak ko, pilit pinaalala ang sinabi niya sa akin. God. Bakit ko pa iniisip 'yon? I don't care about it. Hindi ako makakatulog dahil sa kanyang sinabi sa akin. Matapos akong dinala ni Gustav sa bar ay agad na rin niya akong inuwi sa amin. Hindi ko na sana gustong ihatid niya ako pero nagpumilit siya sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang magpahatid nalang sa kanya. Since gabi na rin at natatakot akong umuwi mag-isa. Mabuti nalang din at hinatid niya ako. Ipinikit ko na ang aking mata habang hindi ko pa rin maiwasang pumasok siya sa aking isipan. Anong mayroon sa kanya at hindi pa rin siya mawala-wala sa aking isipan? Anong ginagawa mo sa akin Gustav? I hate you so much, but I do not know if my heart also hate you. Forget him self. Forget that idiot. Just think that he is just his boss at wala ng hihigit pa doon. A boss is a boss. "Anong oras ka na ba nauwi kagabi?" bungad na tanong sa akin ni Ma. "Alas onse, lumabas ako ng kwarto para i-check kung nakauwi kana ngunit hindi kita nakita sa kwarto mo." sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang irarason ko sa kanya. "May emergency meeting ba talagang nagaganap o sadyang gumala kalang talaga?" muli niyang tanong sa akin. Napaharap ako sa kanya. "Hindi naman kasi ako gumala Ma. Kasama ko po ang boss ko. Kahit tanungin mo pa siya." panigurado ko sa kanya. Kasama ko naman talaga si Gustav e. Siya ang boss ko. Kinuha ko ang cellphone at ibinigay ko sa kanya ngunit hindi niya ito tinanggap. "You want me to call my boss?" Bumuntong-hininga nalang ito. 'Naniniwala na ako." aniya nalang sa akin. "Ngunit may pagtataka pa rin ako sayo. Baka naman nilalandi mo na ang boss mo?" aniya at nagulat lang ako sa sinabi ni Mama. "Ma naman! Wala kang malanding anak at kailan ma'y hindi ako lumalandi okay?" panigurado ko sa kanya. "Wala sa ating dugo ang malalandi. Nasa lahi lang natin ang magaganda, hindi malandi." dugtong ko. "Ewan ko ka sayo. Pag ikaw lumandi, itatakwil kita sa pamilya." aniya. May halong pagbabanta ito. "Ma naman!" Kahit ganyan si Mama, mahal ko 'yon. Mahal na mahal ko 'yan. Haist! + Gustav acts as if nothing happens last night. He acts normal, as if I'm just her secretary in his office. Cold lang siya kung makipag-usap sa akin dito sa loob ng kanyang opisina. Okay lang din naman sa akin 'yon. Besides, I don't want to be close with him. Mas gusto ko pang maging ganito nalang siya sa akin. Hindi 'yong maraming kabastosan nalang ang mga sinasabi sa akin. "Do you need anything sir?" I asked him. Dahil nasa opisina kami, kailangan ko siya tawaging sir. That's a protocol to myself. Hindi lang siya napaangat ng tingin sa akin at pinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa. "Okay sir, I think wala ka namang kailangan sa akin. Lalabas na ako ulit at tawagin niyo nalang ako pag may kailangan kayo." Tumalikod ako sa kanya at aakma na sana akong aalis nang bigla ko na naman siyang nagsalita. "Don't leave." sabi niya sa akin kaya naman napaharap muli ako sa kanyang tingin at sa pagkakataong ito, napaangat na siya ng tingin sa akin. Nagka eye to eye contact kami. Parang may kung anong elektrisidad ang kumuryente sa akin. Kaya ako na agad ang umiyas sa kanya ng tingin. "May iuutos pa ba kayo sir?" tanong ko sa kanya habang hindi na ako nakatingin sa kanya. Naramdaman kong napatayo ito mula sa kanyang swivel chair. Napaangat ako ng tingin at sinundan ko lang siya hanggang sa nakita kong napaupo ito sa may sofa. "Malapit ng matatapos ang office hours." he said while looking into his watch. "Are you free tonight?" tanong niya sa akin. Akala ko hindi na niya ako kakausapin bilang isang normal na tao, ngunit ito na naman siya. Napalunok ako. "Sir—" hindi ko naituloy ang nais kong sasabihin sapagkat agad na itong sumingit. "Gustav. Tayong dalawa lang ang nandito. Call me Gustav kung tayo lang dalawa. Don't be too formal." sabi niya sa akin at napatango nalang ako sa kanya. "Wala na akong balak na sumama pa sayo. Kahit na free ako ngayong gabi." paliwanag ko sa kanya. He might bring me to the club just like what he did yesterday. I hate people like him. He smiled to me. "You don't want to? But I want you to come with me?" aniya at bahagya na itong napatayo mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa at bahagyang lumapit sa akin. Napalunok ako habang pinagmasdan lang siyang papalapit sa akin. What he's trying to do now? Bakit hindi niya ako tatantanan? Marami namang babaeng magaganda pa diyan. Mas sexy pa sa akin at sa dami ng babae sa mundo, ako pa ang napagtripan niyang paglaruan? Napahinto siya malapit sa akin. Masyado itong malapit sa akin kaya naman matinding kaba ang aking nararamdaman sa ngayon. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa sa akin nang bigla nalang niya nalang na inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya dali ko itong iniwas sa kanya at agad akong pumikit. Hahalikan niya ba ako? God. I don't want him to kiss me. Hindi siya ang gusto kong maging first kiss. He is not the right man. Hindi siya ang gusto kong unang taong makahalik sa akin. No. "Ambitious." I heard him said kaya naman inimulat ko ang aking mata at muling napaharap sa kanya. "Hinihintay mo bang halikan kita?" Am I too ambitious that he's going to kiss me? God. Iniwas ko lang muli sa kanya ang tingin ko. Bigla kong naramdaman ang magkabilang pisngi kong umiinit. "Don't worry. I will give you the hot and sexy kiss later." he said. "What?!" tanging nasabi ko nalang dahil sa gulat. "You heard it right. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko." sabi niya at agad na tumalikod sa akin. Napakurap naman ako sa kanyang sinabi. He's going to give me the hot and sexy kiss soon? Did I heard it right? "Huwag mo akong paglaruan Gustav." sabi ko. "Dahil hindi ako isang laruan at hindi ako katulad ng ibang babae diyan!" sigaw ko. Hindi lang siya sumagot sa akin. May sasabihin pa sana ako sa kanya ng biglang bumukas ang pintuan at may iniluwa itong isang empleyado hudyat para tumahimik ako. Haist! +
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD