TWELVE

1955 Words
Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin akong ganang makipag usap ngayon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilty kanina. Anong kahibangan ang pumasok sa utak ko para halikan si Professor? At ang nakakataka pa ay hinayaan niya lang ako. Hindi ko naman talaga 'yon gagawin pero masyadong makulit si Zairon. Wala nga akong gusto sa kaniya, masyado pang delulu. So, ano 'yong nararamdaman ko kapag magkasama kami? Nagugustuhan ko naman ang mga haplos niya at halik pero dahil siguro akala ko siya si Professor Zaiden. Pero nang halikan ko naman si Professor kanina ay hindi ko maramdaman ang excitement. Ano ba 'tong nararamdaman ko, hindi ko na alam. "I'm sorry if my brother is stubborn sometimes. Alam kong nakukulitan ka sa kaniya at kahit hindi ko alam kung ano pinag uusapan niyo ay may hinala na ako kung bakit nagawa mo 'yon kanina." Simula ni Professor Zaiden habang nakatingin lang sa daan. "I'm sorry, Prof. Mukhang dumagdag lang ako sa problema. Hindi rin kasi ako nag iisip minsan." sincero kong paumanhin. Ngumiti siya ng matipid. "It's okay. I won't mind." Nangunot ang noo ko. Why he's not affected at all? Noon nga kahit picture lang niya ay naiirita na siya sa akin pero ngayon ay parang wala lang kahit hinalikan ko siya. Epekto ba 'to ng paghihiwalay nila ng fiancé niya? "Prof?" "Hm?" "Um, bakit yata mukhang hindi ka affected?" Nagtataka kong tanong. Tumaas ang kilay niya, marahil ay nagtataka rin sa tanong ko. "I mean, you seems like okay now. Hindi ba at naghiwalay kayo ng fiancé mo? Paano na 'yan, mukhang in love ka pa naman sa kaniya." He chuckled softly. "I'm not inlove with anyone, Laurenestine even to her." "Huh?" Hindi ko agad ma gets ang sinabi niya. Anong gusto niyang sabihin? "You're not? But you are eager to marry her back then. Palagi nga kayong nagda-date eh." He seems amused. "Am I? I didn't notice it. I thought dates are normal to couples since I'm the man. Binibigay ko lang ang gusto niya kahit na minsan ay napilitan lang ako." "Wait, arrange marriage ba kayo? uso pa pala 'yan ngayon?" Curiosity lang talaga ang nararamdaman ko at wala akong ibang nararamdaman pa bukod roon. "Hmm. Not really, sinalo ko lang ang dapat na sa kapatid ko." Sumulyap siya sa akin nang gumala ang mata ko sa kawalan. "S-sinong kapatid?" "Zairon," naglapat ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit parang naginhawaan ako sa narinig. "Siya talaga dapat ang ikakasal at hindi ako ang kaso ay masyado siyang mapili sa babae at ayaw rin naman mapahiya si Lolo lalo na at matalik niyang kaibigan ang lolo ni Shannon. So, he requested me to marry her even I really don't want in the first place." I tilted my head, I'm very curious about them. "Why? She's a beauty. Kung lalaki ako ay baka ma inlove ako sa kaniya agad. Ilang buwan di ba kayong nag da-date?" "Yes, but I won't force my heart to feel inlove with her. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya kayang mahalin." Tumango-tango pa ako. Akala ko talaga ay may nararamdaman siya kay Shannon. Masyado kasi siyang hard to get noon. "But I noticed something to you," bumaling ako sa kaniya. "You're different now. Akala ko nga ay may sasabihin ka nang marinig na wala na kami. I just remembered that recently you told me that you will do anything to break out my engagement." Kusang umiwas ang tingin ko. Tila baha na nagreplay ang mga sinasabi at ginagawa ko sa kaniya at ngayon ko lang na realize, TANGINA, NAKAKAHIYA! I flustered, hindi ko magawang tingnan si Professor. Ngayon ko lang narealize na masyado akong baliw sa kaniya noon. Napatigil ako, noon? Paanong noon? Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman. Why I didn't feel anything about it? Bakit parang wala lang sa akin ngayon? I have a crush on him for two years and now, hindi ko magawang sumaya. Napabuntung-hininga ako at napasapo sa mukha. This is not me. Naging epekto ba 'to ng nangyayari recently? Masyado ba 'yong naging big deal sa buong pagkatao ko? Sino ba namang sasaya di ba? Imbis na siya ang aakitin ko, ibang tao pala ang naakit ko at nagbigay ko pa sa kaniya ang first ko. Hindi lang iyon, naulit pa. Pero aminin ko, nagugustuhan ko naman ang nangyari sa amin. Masyado akong malibog, malamang nagugustuhan ko talaga. "We're here." Anunsiyo niya. Tumigil ang kotse sa harap ng apartment ko. Ngumiti ako kay Prof. "Thank you sa paghatid, Prof. Hindi ko talaga inaasahan na ihahatid mo ako. First time yata 'tong mangyari." "Welcome Laurenestine. By the way, I like seeing you without an eye glasses. I like your almond eyes." Ngiti niyang komento. Nahiya ako at the same time ay sumaya. "Thank you, Prof. Ikaw pa yata ang unang nag compliment sa mata ko maliban sa pamilya ko." Natatawa kong saad. "Really? Kahit si Zairon ay hindi ka sinabihan niyan? Masyado pa naman 'yong observer kahit sa maliit na bagay." Nawala ang ngiti ko pero agad ko ring pinalitan ng tipid na ngiti. Hindi ko rin naalala na nag comment siya sa physical appearance ko. Ang kaniya lang ay mga maanghang na salita. Puro f**k nalalaman eh. Wala naman iyon pakialam yata kung sino ang ifu-f**k ng lalaking 'yon. "Ah, bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko rin naman kailangan ang compliment niya." Tumawa lang siya ng mahina at saka ay lumabas upang pagbuksan ako ng pintuan. Hays, ang gentleman niya talaga kaya siguro nabaliw ako sa kaniya. Pagkalabas ko ay huminto muna ako at saka ay hinintay na bumalik si Prof sa kotse niya. Binuksan niya ang bintana at nginitian ako. "I hope you decide to go in my class, Ms. Valencia." Nag alinlangan akong sumagot at ayoko ring sabihin sa kaniya na lilipat ako dahil baka marami pang tanong na ayoko ring sagutin. Tumango na siya at ngumiti sa akin at saka pinaandar ang kaniyang kotse. Pagpasok ko palang sa loob ay agad akong humilata sa higaan. Ilang araw pa rin akong hindi pumapasok sa klase. Hinihintay ko nalang na matapos ang semester at kukunin ko na ang mga requirements para sa pag transfer ko. When my oldest ate know about it, hindi talaga niya nagustuhan at nalaman niya pa ang sitwasyon. I felt guilty for doing it, I'm being selfish pero mas nakakabuti na siguro kaysa ganoon parin ang sitwasyon namin. And I decided not to include myself in them. "Luh, anong trip 'yan?" Nginuya ko muna ang kinakain ko saka nilunok bago ko sinagot si ate Amary. "Ha? Ang ano?" Nagtataka kong tanong. "Bakit sinawsaw mo ang saging sa ketsup?" Nangingiwi niyang tanong. Tiningnan ko rin ang kinakain ko. "Eh, ano naman? Masarap naman ah." Depensa ko. Tiningnan niya ako ng may pagdududa. "Sure ka bang ininom mo pills mo? Dumalaw na ba period mo ngayong buwan?" Nahulog ang saging na kinakain ko dahil sa realization. Nawala sa isip ko ang bagay na 'yon at kahit sa normal na nangyayari sa katawan ko ay hindi ko napapansin. "D-delay yata ako, Ate." Hindi ko sure na sagot. "Pero irregular naman period ko kaya baka next month pa." Ate Amary raised an eyebrow, looking concerned. "Lauren, you need to take a pregnancy test. Baka kaya ka nagugutom ngayon at may mga cravings ka." "Ate, impossible. Alam niyo naman kapag may Pms ako ay nag ca-crave talaga ako ng kahit ano." Pumunta siya sa lamesa at nagtimpla ng gatas ng pamangkin ko. Sunod ng sunod naman si Baby Thea sa kaniya at inaabot ang bottle kay ate. "Pero ang weird naman yata ng cravings mo. At hindi lang ngayon ko napansin ang kinakain mo 'ah, pati sa pang amoy mo. Naiirita ka sa amoy ng sabon at downy kaya ayaw mong maglaba," Pinamewangan niya ako. "Bumili ka ng PT at itest mo. Huwag kang pasisiguro Laurene. Nursing student ka dapat alam mo ang mga symptoms ng ganiyan. Although pms has the same symptoms with pregnancy, much better kung mag try ka." Mahabang lecture ni Ate. Napakamot nalang ako ng ulo at niligpit ang pinagkainan ko. "Bibili ako mamaya, ate. Pupunta rin naman ako sa mall dahil mag go-grocery ako." Ang masiglang awra ni ate ay biglang nawala. "Paano kung positive, anong gagawin mo?"Seryoso lamang niya akong tinitigan. "I don't know.." Tumayo ako at nilagay ang ginamit kong pinggan sa sink. "Hindi pa naman siguro at saka baka delay lang." Kahit kalmado ko lang sinasagot ang tanong ni ate ay bumundol sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko kayang alagaan ang bata kung mabubuntis ako, mas mabuti na lang sigurong ipalaglag ko nalang kahit na alam kong mali dahil hindi ko kayang mabuntis na siya ang ama. "Kung may plano kang ipalaglag ang pinagbubuntis mo kung positive, Laurene, mas mabuti pang sabihan mo nalang ang nakabuntis sa'yo. Mayaman naman sila at matutulugan ka niya." "Paano kung ayaw niya?" Sabay tingin ko kay ate. "Ate, public figure ang pamilya nila at kapag nalaman na nakabuntis ang Isa sa membro ng pamilyar nila, alam kong mangaganib rin ako. Lalo ng ang Don. Alam mo naman history ng Don di ba? Marami na siyang pinatay at napaka strict niya." "Rumours lang naman 'yon. Naniniwala ka naman." "Kahit na.. ayokong dumagdag pa sa mga kahibangan ko sa buhay. Hindi ko naman kasi alam na apo sila ng Don kaya ang tapang kong gumawa ng ikakasira nila." Kumuha ako ng malinis na tuwalya at pinunasan ko ang aking kamay. Biglang pumasok ang alala namin ni Zairon rito sa apartment. I shake my head to erase it. Bakit ko ba naalala ang lalaking 'yon? "Magdasal ka na na negative 'yan kung ganun." Nagbihis na rin ako para pumunta ng Mall. Marami akong bibilhin ngayon at may gusto rin akong kainin. Gusto kong kumain ng chocolate, maraming chocolate pero hindi naman marami ang pera ko kaya ilang chocolate lang rin ang kinuha ko. Nagdadalawang isip pa ako dahil kung magdagdag ako, di na ako nakauwi pa. "Your favorite is chocolate?" May kamay ang kumuha ng isang box ng toblerone at nilagay sa cart ko. Nabigla ako at tiningnan ang lalaki sa harap ko. "P-prof?" Ngumiti siya sa akin. "Hi, Laurenestine. Favorite ko rin ang chocolate. Pwedeng dito ko nalang rin ilagay ang groceries ko? Don't worry, ako magbabayad pati sa'yo." "Ah, hala.. huwag na po." Nahihiya kong sagot at tiningnan siyang kumukuha na naman ng ibang brand ng chocolate. "I insist. Dahil mahilig karin rito, libre na kita. Huwag ka ng umangal pa." Hindi na ako sumagot nang pruwesto na siya sa hawakanan ng cart upang itulak. "I'll push it, dito kalang sa gilid ko." Ngiti niyang sabi. Tahimik kaming naglakad sa loob ng grocery store, at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon. Naiilang ako sa kanya, at tila ba mas pinipili kong manatiling tahimik na lamang. "So, how have you been, Laurenestine?" tanong niya habang tinatapos ang pag-ikot sa grocery. "Uh, okay lang naman, Prof. Medyo busy lang sa ibang bagay," sagot ko, tinitingnan ang kanyang iniipit na grocery list. "Kayo po? How's everything?" "Same old, same old. School work, research, and the occasional grocery shopping," tugon niya, nakangiti. "Pero mas gusto ko itong part na 'to, kapag nakakakain ng masasarap na pagkain." Nag-angat ako ng kilay. "You like grocery shopping?" He chuckled. "Well, not the shopping itself, but the result of it-having good food at home." Parang nag-iba yata ang aura niya mula nang malaman ko ang nangyari. Hindi naman siya mukhang apektado pero parang mas naging comfortable na siyang kausapin ako. "Prof, about pala sa paglip-," simula ko, ngunit biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang may dumating na kakilala niyang naglalakad sa kabilang aisle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD