THIRTEEN

1689 Words
"Zairon! What a surprise," bati ni Professor Zaiden sa kanyang kapatid. May kasama itong babae at may karga pa itong bata. Lumingon sila sa amin at unang dumapo ang aking tingin sa bata. Kaano-ano niya ang bata? Bakit, hawig sila pati sa mata? "Tss, I just need some snacks. Don't mind us," sabay tingin kay Prof na tila ba may halong pangungutya. Sumulyap siya sa akin pero bumalik rin naman ang tingin kay Prof. "Oh, are you dating?" Walang preno niyang tanong. Napasinghal ako ng palihim. "No, we bumped into each other, hindi naman masyadong marami ang bibilhin ko kaya inisa ko nalang sa cart ni Laurenestine. Ikaw, bakit dala mo mag iina mo?" nangingiti niyang tanong. Nanlalaki ang mata ko. Mag ina? May asawa na siya? "Not your concern. Sinabayan ko lang sila rito." Balewala niyang sambit habang ang bata at nilalaro ang hibla ng buhok niya. Ang babae naman na kasama niya ay hindi man lang kami binati at umalis man lang. Ganoon ba gusto niyang babae, bastos? Nag uusap pa sila ni Prof pero umalis siya ng walang paalam. "Bagay pala kayo." Matalim kong binalingan ng tingin si Zairon nang sabihin niya iyon ngunit parang wala lang sa kaniya. "Talaga? Salamat." Nangunot ang noo ko sa sagot ni Professor Zaiden. Ngumingiti lang siya ngayon na parang nanunuya. "Tss, gusto mo naman? She's too young for you. Ayaw mo ng mas bata di ba?" "Sinabi ko ba 'yon? Parang wala naman akong matandaan." Kumuha si Professor Zaiden ng ilang chips at nilagay sa cart. "Ulyanin ka na kasi. Mga sign na 'yan na matanda ka na." Kahit sinasabi niya iyon ang wala paring reaksiyon ang mukha niya. Parang sanay na sila mag usap ng ganito. "We're just the same age, Zairon. Huwag kang feeling mas bata sa akin." Bumalik ang babae kanina at kinuha ang bata kay Zairon. "Thank you, doc. Nandoon na asawa ko." Tumaas ang kilay ko. Natatawa si Professor Zaiden pero hindi ko maiintindihan kung bakit feel ko ako ang tinatawanan niya. "Yeah, take care.. buddy." Sabay gulo ng buhok ng bata. Hindi niya iyon anak? Bakit same color sila ng mata? "Aalis na ako, Zai. Ikaw na bahala sa mga groceries ko. Make sure to drop it by my condo." Bumitaw na siya sa cart ko at nakita ko nalang si Zairon na katabi ko na. "Anong nangyayari?" Nagtataka na ako sa mga pangyayari. Ano na naman trip ng kambal na 'to? "What?" Suplado niyang tanong nang nakatitig lang ako sa kaniya. "Bakit ikaw na naging kasama ko?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Don't bother asking me." Sabay talikod at naglakad dala ang cart ko. "Hoy, cart ko 'yan!" Habol ko sa kaniya. "Stop shouting. You're too noisy." Naiirita niyang tugon. "Baliw ka ba? Bakit ba ikaw kasama ko?" "Alangan naman Iwan ko ang pinamili ng kapatid ko? Huwag kang mag alala, ako magbabayad pati sa'yo." "Hindi ba sabi mo may bibilhin ka lang? Bakit ikaw na nagtutulak ng cart ko ngayon?" "Tsk, daming tanong. Manahimik ka nalang." Tangina? Bakit siya pa ang nagsusuplado? Dapat ako ang magagalit di ba? What the hell is wrong with these twins? Hindi ko mahulaan ang mga pinag iisip nila. Wala na si Professor Zaiden, hindi ko na siya nakita kaya ay kaming dalawa nalang ni Zairon nag nandito. Nasa likod lang niya ako at sumusunod. "Teka lang, Zairon. Bakit nga ba kailangan mo akong samahan?" Tanong ko nang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. "Tss, hindi mo ba narinig? Ako inatasan niyang magbayad sa pinamili niya. May binili rin ako. Tamad na akong kumuha ng cart kaya sa'yo nalang gagamitin ko."sagot niya na tila walang pakialam. "Bakit di na lang niya sinabi sa'kin?" Kulang na lang ay makatunog ako ng malakas na bugso ng hininga sa inis. "Bakit kailangan niya pang sabihing sa'yo? Ako ang kapatid kaya manahimik ka na diyan!" "Bakit galit na galit ka diyan? Malamang magtatanong ako, hindi ko naman alam gan'yan pala kayo mag isip dalawa." "Galit? Sinong galit? Wala akong pakialam sa mga affair-affair mo, Laurene! Wala akong pakialam sa inyong dalawa!" Ay Hala, anong nangyayari sa lalaking 'to? Bakit iba naman sinagot niya? "Pinagsasabi mo diyan? Anong affair? Baliw ka na ba?" Inis kong sabi. Hanggang sa counter ay para kaming tangang nag sasagutan dalawa. Nakatingin lang sa amin ang mga customer dahil anytime ay ibabato ko na sa kaniya ang mga de lata. Dapat ako ang magalit pero siya pa ang galit? Baliw. Pagtungo namin sa parking area, lalo akong napagod sa usapan namin ni Zairon. Tahimik nalang akong sumunod sa kaniya dahil hindi niya naman ako pinabitbit. Pinaiba niya ang akin at sa kanila pero siya parin ang nagbitbit. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinarap, at sinamaan ng tingin."Ba't ka nakangiti? Ano bang iniisip mo?" singhal niya. "Hala, hindi naman ako nakangiti," sagot ko habang iniiwas ang tingin. "Kinilig ka na siguro dahil sinabayan ka ng crush mo. Ano? Masaya ba siyang kasama ha?!" "Eh, ano naman sa'yo? Gusto ko naman talaga siya!" Bulyaw ko rin sa kaniya. Natahimik siya at tumalikod nalang bigla. Kinuha niya ang groceries ko at nilagay sa harap ko. "Umalis ka na." Kahit mahina iyon ay alam kong naiinis parin siya. Tumalikod siya ulit at sumakay sa kaniyang kotse at iniwan niya lang ako doon. Umirap nalang ako sa hangin at sinimulang bitbitin ang groceries at saka dumiretso sa kalapit na botika ngunit bigla na lamang akong nahilo ulit. Ilang beses na akong nahihilo ngayong araw at mas malala ito ngayon. Nabitawan ko ang bitbit ko kaya nagkalat iyon sa semento. Humawak ako sa pader dahil parang matutumba na ako anytime and when my eyes darted in my thighs, I saw blood dripping. "Oh my god, she's bleeding!" Hindi ko kayang tiningnan kung sino ang sumigaw dahil naging blanko ang utak ko. Bakit dumudugo ako, buntis ba ako? Isang kamay ang humawak sa dalawa kong braso at pinatayo ako at saka inangat niya ako kaya napahawak ako sa kaniyang dibdib. Naging pamilyar sa akin ang amoy ng damit nito ngunit hindi ko magawang tingnan ang mukha ng nagdala sa akin dahil pumipikit na ang mata ko. ----- "You're six weeks pregnant, Ma'am." Ani ng doctor. "at masyadong high risk ang pagbubuntis mo. Based on my findings, I find symptoms of having a Polycystic ovary syndrome. May dating check up ka ba before? Have you ever gained weight?" Hindi ako makasagot agad. Parang masyadong mabilis ang sinabi ng doctor at hindi ko naiproseso ang naririnig ko. "I did, doc. Last year po. Mataba ako noon at nag advice ang doctor ko na kailangan kong mag diet." "Kaya naman pala. PCOS might have contributed to the difficulty of conception and the high-risk nature of your pregnancy," paliwanag ng doktor. Napatingin ako sa ultrasound monitor, may halong takot at kaba. Anim na linggo palang pero mukhang mahirap ang pagbubuntis ko. Hindi ko lubos maisip kung paano ito nangyari. "I'm afraid we need to monitor you closely throughout your pregnancy due to the high risk. We'll also manage the symptoms of PCOS to ensure a healthy pregnancy," dagdag pa ng doktor. "Do I need to worry about losing the baby?" ang tanong ko, habang nanginginig ang boses. "There's an increased risk, but with proper care and monitoring, we'll do our best to ensure a positive outcome. Regular check-ups, a specific diet, and lifestyle adjustments will be essential," sabi ng doktor. Napapikit ako at nagmumula ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ito ang inaasahan ko sa buhay. Nakakatakot. Bakit ba naisip kong ipalaglag kung mabubuntis man ako kung alam ko naman na bihira lang mabuntis ang may ganitong sakit? The doctor continued, "May I ask if you've been taking any medication, especially contraceptive pills?" Napakunot noo ako sa tanong ng doktor. "Yes, doc, I've been taking pills regularly before I found out about the pregnancy. Will that affect it?" "The use of contraceptive pills should not impact your pregnancy adversely. However, it's crucial to inform your healthcare provider about any medication you've been taking. We'll need to adjust your prenatal care accordingly," sagot ng doktor na may kasamang assurance. Hindi pa rin mapakali ang kaba sa puso ko. Ang liit pa ng tummy ko, pero ang bigat ng dinadala ko na. Iniisip ko ang mga hirap at sakripisyo na kailangan kong gawin. Tulala lang akong naglalakad papasok ng apartment. Nakita ko pa si ate Amary na may kausap sa cellphone niya bago bumaling sa akin. "Hoy, ginabi ka na. Anong nangyayari sa'yo babae ka?! Kanina pa ako contact ng contact sa'yo! Akala ko kinidnap ka ng ng isa sa kambal!' Hindi ako sumagot at umupo lamang sa couch. Nakatulala parin. "Alam mo bang nandito ang Professor mo? Hinatid niya ang pinamili mo rito. Pero wala naman siyang sinabi dahil mukhang bother ang mukha niya. Ang gwapo naman pala ng maestro mo, kaya pala nabaliw ka roon!" Wala akong sagot kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang noo ko. "Anong nangyayari sayo? Wala ka namang lagnat, bakit parang may bitbit kang probema?" Hindi ko kayang sabihin kay ate na may PCOS ako dahil ako lang naman ang nagpacheck up noon. Hindi na kasi ako dinadatnan ng ilang buwan at masyado akong conscious sa nangyayari sa katawan ko kaya nagpacheck up ako ng hindi nila alam. Pero kailangan rin naman nilang malaman ang nangyayari sa akin dahil hindi ko kayang harapin ito ng mag Isa lalo na at masyadong sensitive ang pagbubuntis ko. "Ate, may sasabihin sana ako," mahina kong sabi. Nagseryoso bigla ang mukha ni ate at umupo sa gilid ko. Nangilid ang luha ko at napakagat na lang ng labi. Sa tingin ko ay may hinala na si ate sa nangyayari sa akin kaya ganito siya tumingin. Seryoso at hinahanda ang sarili sa sasabihin ko. "Ate, may PCOS ako at nalaman ko 'to last year pa." "Ano? Bakit hindi mo sinabi sa amin?" "Kasi akala ko ay solusyon ang pagdadiet para mawala ang sakit sa matris ko pero nandito parin.. at-" lumunok ako at yumuko. "Nalaman ko pang buntis ako ate... may posibilidad pa na makunan ako kung hindi ako mag iingat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD