FOURTEEN

2079 Words
Nilalaro ko ang aking mga daliri habang nakayuko. My parents is in front of me at hinihintay ko lang talagang pagalitan nila ako. Ate Amery cried after she heard what I revealed the other day. She's disappointed kasi kahit na may hinala na rin siya ay nag e-expect siyang hindi ako buntis. Ako nalang kasi ang nag aaral sa amin dahil nagtatrabaho na si Ate Nave habang si Ate Amery naman ay may part time job kaso hindi iyon sapat dahil may anak siya. Umuwi kami kinabukasan sa lugar namin at nafe-feel ko na ang tension sa bahay. Hindi ko rin alam kung sinabihan ba nila si ate Nave. “You're just in third year, Laurene. Hindi mo ba naisip ang malaking responsibilidad ng pagiging magulang? Ito na ba ang bunga ng kahibangan mo sa skwelahan?” Galit ngunit mariin na sambit ni Mama. Nandito kami sa pagkainan at hindi ko man lang naigalaw ang pagkain ko. Lalo na at si Mama ang nagsasalita. Si Papa ay tahimik lang rin ngunit alam kong disappointed siya. “I'm sorry Ma, Nagkamali lang po ako,” I replied, my voice barely audible. “Mistake? Laurene, bringing a life into this world is not a simple mistake. It's a responsibility that you might not be ready for,” Mama continued. My mom is a public teacher in elementary school sa lugar namin at alam kong nag expect talaga sila sa akin dahil sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan mag party at may kaibigan hindi tulad noon na walang pumapansin sa akin at kung meron ay pangungutya. Papa finally spoke, his voice calm but laced with disappointment, “You're young. We expected more from you. What were you thinking?” Even Dad didn't finish his college, he has a permanent job in a factory pero si ate Nave ang gustong pag aralin ako. Siya ang nagbabayad sa tuition ko sa school habang sila Mama ay binigyan lang ako ng allowance. Napasapo na lamang si Mama sa kaniyang noo at nangingilid na ang luha niya. “Hindi ko ito inaasahan sa'yo Laurene dahil masyado ka namang tahimik pero nang tumuntong ka sa college ay naging ganiyan ka na. May viral video ka pa tapos ngayon buntis ka? Ano bang pumapasok sa isip mo?” Matalim akong binalingan ni Mama. “Sino ang ama niyan? Iyong Professor mo ba o ang kambal niya?” “M-ma–” “Sagutin mo ako! Sino sa kanilang dalawa?!” Pinigilan siya ni Papa. “Lara, kahit naman kung sino ang ama, Mali pa rin dahil pinatulan niya ang apo ng Don. Mas magiging delikado ‘yon.” Hindi man lang natinag ang galit na titig ni Mama. “Bukas na bukas, puntahan mo ang nakabuntis sa'yo at ipaalam ‘yan. Kailangan ka niyang panagutan.” “Ma, ayoko.” “Ano? At ano ang gagawin mo diyan?” Napayuko ako at umiinit ang sulok ng mata ko. “Nakapagdesisyon na po akong ipalaglag ang bata Ma–” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang sampal galing kay Mama. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. My hand instinctively went to my cheek, the sting of the slap resonating through the room. “Ipalaglag mo ang bata? Nababaliw ka na ba? Paano kung hindi ka na mabuntis dahil sa nangyayari diyan sa matris mo? Magsisisi ka? Tapos ano sunod? Papatay ka ng sanghol dahil lang ayaw mo sa responsibilidad? Matalino ka ba talaga?” Singhal ni Mama at hindi man lang siya nagsising sampalin ako. Nangilid ang gilid ng mata ko at hindi lang dahil sa sampal kung hindi dahil kahit ako ay ayoko talagang ipalaglag. Natatakot lang akong baka iyon nalang ang solusyon para hindi sila magalit sa akin at pagtabuyan ako. “I-Im sorry Ma.. natatakot lang ako… gusto ko pong buhayin ang bata kahit na.. kahit na mahirap rin para sa’kin..” Humihikbi kong saad. “Mahirap? Alam mo ba kung gaano kahirap? Hindi lang sa iyo, kundi sa aming lahat. Anak kita, Laurene, at kahit na may pagkukulang ka, mahal ka pa rin namin,” Papa said kahit na hindi parin nawawala ang disappointment sa mukha niya. Mama, still fuming, added, “Hindi pwedeng takasan ang responsibilidad. Hindi pwedeng palampasin mo lang. Dapat mong harapin ang mga pagkakamali mo at panagutin ang sarili mo sa mga bagay na nangyari.” I lowered my head in shame. Ate Amery, who was silent all this time, finally spoke, her voice soft but filled with concern, “We may be disappointed, pero hindi ibig sabihin na iiwan ka namin. Kailangan mo lang harapin ang consequences ng mga decisions mo.” Papa nodded in agreement, “Tama si Amery. Hindi kami mawawala sa buhay mo. Kailangan mo lang matutunan ang leksyon mula dito.” Mama, though still visibly upset, took a deep breath and said, “Bukas, makipag-usap ka sa ama ng bata. Kailangan niyang malaman 'yan." With tears streaming down my face, I nodded. The reality of facing the consequences and taking responsibility for my actions was daunting, but deep down, I knew it was a path I needed to walk. Inihatid ako ni Papa kinabukasan sa University dahil una kong pupuntahan si Professor. Hindi ako naka uniform kaya ay nag attendance lang ako as a visitor. Mag e-end na rin ang semester kaya ay baka nasa opisina lang rin siya upang tapusin ang gagawin niya. Nagsuot ako ng caps at maluwag na tee-shirt. Sinusuot ko rin parati ang salamin ko dahil magtatanong lang rin naman ako kay Professor kung saan nakatira si Zairon. Napansin kong bukas ang opisina niya, sumilip ako roon at nandito nga ang Professor at may ginagawa kaharap ng laptop niya. Kumatok ako upang mapansin niya ako. Nakita ko pang nagulat siya ng bahagya nang makilala ako. “Ms. Valencia!” Nagugulat niyang sambit at nilapitan ako. Nabigla naman ako sa kinikilos niya. “Pasok ka muna.” Siya na mismo ang nagsirado ng pinto at naglakad naman ako papasok. Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa niya at taga ikot ng aking mata sa paligid ay pumapasok ulit ang eksena namin ni Zairon lalo na sa mesang ito. Napapikit ako upang burahin iyon sa alaala ko. Bwesit ka, Zairon. Inanakan mo pa ako, naalala ko pa pinaggagawa natin. “What brings you here, Laurenestine?” Umupo si Professor ulit sa upuan at hinarap ako. Sinirado niya muna ang laptop at niligpit ang mga ginagawa niya kanina. Bumaling ako sa kaniya at ngayon ko lang naramdaman ang kabahan. “Kasi Prof, tatanong lang sana ako kung saan naglalagi ngayon si Z-zairon.” Nautal pa ako sa pangalan niya. Sasabihin ko lang naman sa kaniya na buntis ako at nasa sa kaniya na kung panagutan niya ako o hindi pero mas mabuti ng gastohan niya nalang pagbubuntis ko, hindi ko naman siya kailangan. “He's staying at Don’s house. Why do you want to ask about him? Is there something wrong?” “May sasabihin po sana ako sa kaniyang importante.” Naiyuko ko ang ulo. Hindi ko siya magawang tingnan ng maayos. "I'm afraid I can't help you reach him, Laurenestine. The Don doesn't accept visitors, especially when he doesn't recognize them. Don is strict when it comes to Zairon, kahit kaibigan pa ‘yan ay hindi niya agad pinapasok at kailangan mo pang magpa appointment para makapasok sa bahay." Grabe naman, makikipag usap lang naman ako sa kaniya. Akala ko rumors lang ang pagiging strict niya, totoo pala talaga. “And, I don't think he will allow you to see Zairon after what happened to both of you. If she recognizes you, there's a chance that he won't let you leave without receiving some names from him.” Malungkot niyang saad. Nanlulumo akong napayuko ulit. Paano ko siya kakausapin kung ganoon? “Is there any other way to talk to him, Professor? Hindi ko naman kasi alam kung kailan siya ulit magpakita sa akin. Susulpot kasi siya ng hindi ko inaasahan.” Napabuntung-hininga pa ako pagkatapos kong sabihin iyon. “He has a vacation house in Mandaluyong but I don't know if he is always there. I can just give his number to you para makausap mo nalang siya sa phone pero hindi ako papangako na makakausap mo siya in person dahil rin sa trabaho niya.” “Thank you, Professor. I appreciate your help.” Tinanggap ko ang papel na may nakasulat na number ni Zairon mula kay Professor. “Be careful, Laurenestine. Whatever it is you need to talk to him about, make sure you're ready for the consequences. Don't expect it to be easy.” Sa mga mata ni Professor, makikita ko ang bahagyang pag-aalala para sa akin. “I will, Professor. Thank you again.” I stood up, clutching the piece of paper tightly. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng pag-uusap namin ni Zairon, pero kailangan ko itong gawin. Paglabas ko ng opisina ni Professor, naglakad ako palabas ng University nang may kahalong kaba at determinasyon. Sa pagkakataong ito, kailangan kong maging matapang at harapin ang mga pagkakamali ko. I decided to call Zairon. My heart raced as the phone rang. When he answered, I didn't know how to begin. “Zairon, it's Laurene. Kailangan kitang kausapin.” Nanginginig ang boses ko, pero nagpatuloy ako. "May mahalaga akong dapat sabihin sa'yo.” Sa kabilang linya, naging tahimik si Zairon. Ramdam ko ang pag-aalinlangan at kuryente ng hindi malamang takot sa bawat pagtibok ng aking puso. “Bakit mo ako tinatawagan? Ano'ng kailangan mo?” Tinawagan kita kasi kinalimutan mo mag condom, tangina mo. Gusto kong isagaw 'yan sa kaniya pero di ko nalang ginawa dahil ma s-stress lang ako. "Something happened, and I need to talk to you. It's personal and important. Can I see you? I want to address this properly."sabi ko, isinantabi na lamang ang galit at takot. May ilang saglit na katahimikan bago siya sumagot. “I can't right now. May operation ako ngayon at kung may sasabihin ka ay sabihin mo nalang kay Zaiden, total mas prefer mo naman siya kausap kaysa sa’kin.” Napasapo nalang ako sa sinasabi ng lalaking ‘to. Pinigilan ko nalang na huwag siyang sigawan lalo na at masyado akong sensitive ngayon baka mahospital pa ako dahil sa galit ko sa kaniya. “Pupuntahan kita, saang hospital ka ba?” Pilit kong kinakalma ang sarili ko. “Huwag na. Nandito lolo ko. Baka mapahamak ka pa.” “At bakit naman? Papatayin niya ba ako?” Salubong na kilay kong tanong. “Laurene! Can you just stop saying words like that? Nag alala lang ako dahil baka mas magiging komplikado kapag magpakita ka. He knew the viral video at mabilis siyang makamemorya at baka may mangyari pa sayo. Hindi pa kita kayang ipagtanggol sa ngayon.” “Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako? Kakausapin lang kita ng maayos dahil baka kung sa phone pa, papatayan mo lang ako ng tawag. Mag set ka ng time sa schedule mo at magkikita tayo.” Pinal kong sambit. “Gusto mo lang akong makita 'eh. Pakipot kalang.” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa cellphone ko. “Aba, hoy! Hindi ako pakipot no. Assuming mo naman!” Singhal ko sa kaniya sa kabilang linya. Narinig ko lang siyang tumawa. “Okay, Sabi mo 'eh. Ite-text ko sa'yo mamaya ang address pagkatapos ko sa trabaho ko. Huwag mo akong paghihintayin Laurene kung ayaw mong sugurin kita sa inyo.” Banta niya pa. “Too bad doctor Gavilan, wala ka ng makikita roon dahil umuwi na ako sa amin. Bumalik lang ako para hanapin ka.” “Oh? Na mi-miss mo ‘ko?” “Kapal ng mukha mo po.” Naasar kong sagot. Humahalakhak na naman siya. "Masaya ka na niyan?" Sarkastiko ko pang sambit. "Opo, nakausap kita 'eh." Napatahimik ako. Peste, tumatambol ang puso ko. I took a deep breath before speaking again. "Zairon, this is serious. Hindi ko kayang gawing biro ang sitwasyon ko ngayon. I need to talk to you face to face, and I hope you can find it in yourself to take this seriously too." Naging seryoso ang tono ng kanyang boses. "Fine. I'll meet you. Hintayin mo nalang ang text ko.” Binaba ko na ang tawag at bumalik nalang muna sa apartment ko. May ilang araw parin naman akong extra upang mag stay sa apartment dahil mas malapit ito kung magkikita kami ni Zairon kaysa sa umuwi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD