Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ni Summer pero hindi pinapansin ni Summer. Pagod s'ya sa laban kaninang umaga at nag pa victory party ang head ng team nila, magiging busy ang buong month n'ya ngayon dahil sa kaliwa't kanan niyang photoshoot para sa endorsement na ibinigay sa kanya ng sapilitan ng company na nag s-sponsor sa buong team nila. Kaya ng pag balik n'ya sa hotel room n'ya ramdam na ramdam na n'ya ang pagod, isasarado na sana n'ya ang pinto ng may pumigil rito at makita si Rycko kaya umasim ang mukha n'ya. Hanggang sa Thailand naka sunod pa talaga ito si Yuan ay hindi n'ya pinayagan na sumama pero ang isang ito walang makaka pigil kahit s'ya pa. "Rycko naman ano ba naman yan." pagod na daing n'ya rito. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga text at tawag ko, nag worry lang nam

