"Gaano ka ka seryoso sa apo ko?" tanong ni Dylan habang kumakain sila ng breakfast. "Kung gaano po ako dalas maligo." sagot ni Rycko na hindi na pigilan na tawanan ni Summer ng pahilim habang ang Lola Dana naman n'ya at may tunog ang tawa na parang aliw na aliw sa sagot ni Rj kaya napatingin sila rito ng sabay-sabay. "I'm sorry, I just can't help it. Bakit gaano ka ba dalas maligo hijo?" "Depende po minsan 3 beses minsan naman po dalawa." "Ngayon lang ako nakarinig na ihalintulad ang pag mamahal sa paliligo seryoso ka ba talaga? O nag lolokohan lang tayong dalawa." seryosong tanong ni Dylan. "Hayaan mo nga muna kasing mag explain si Rycko baka meron dahilan kung bakit. Sige hijo sabihin mo nga bakit sa paliligo mo inihalintulad ang pag mamahal mo sa apo namin?" tanong pa ni Dana. "Ma

