MARRIAGE CONTRACT

1413 Words
CHAPTER 3 CASTRO'S POV Damn that girl... Nakasandal ako sa leather couch ng living room, suot ang black tactical shirt ko habang pinaglalaruan ang singsing sa hintuturo ko. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng classical music mula sa turntable sa tabi. Mahina. Mabagal. Katulad ng tea na gusto ko. Dumating si Daisy. Suot pa rin niya ang maid uniform na iniwan ko kanina — spaghetti strap na puti, sobrang ikli ng palda, at manipis ang tela. Namumugto ang mga mata niya. Halata ang pag-aalangan sa bawat hakbang. May dala siyang tray isang puting mug, may usok pa ang tsaa. Tahimik siyang lumapit. Inilapag niya ito sa lamesita sa harapan ko. "H-here… your tea..." Tiningnan ko lang siya. Kinuha ko ang mug, inamoy. Tama ang timpla. Pero may napansin akong mantsa sa gilid ng tasa. "Anong klaseng putahe ‘to?" malamig kong tanong. Nagulat siya. "A-ang ibig niyo pong sabihin…?" Itinaas ko ang mug, pinakita ang bahagyang bahid ng dumi. "Marumi ang tasa. Hindi mo man lang linisan ng maayos?" “Sorry po… hindi ko po napansin...” “Hindi mo napansin?” Tumayo ako. “Sa bahay ko, walang lugar ang mga bulag. Kahit mga utos, palpak ka!” Yumuko siya. "Sorry po talaga..." Hinampas ko ang mesa. "SORRY? I don’t need sorry. I need obedience." Nanginig siya. “Lumuhod ka.” “Po?” “LUMUHOD KA.” Dahan-dahan siyang lumuhod sa malamig na marble floor, nanginginig. Tinuro ko ang sapatos ko. Black combat boots, may alikabok mula sa pag-inspeksyon ko sa basement. "Halikan mo ang sapatos ko." Napalunok siya. "W-hat…?" “Did I stutter?” Umiiyak siya, nanginginig ang boses. “K-kahit kailan… hindi ko hahalikan ‘yan. You’re a monster…” Tahimik ako sa loob ng ilang segundo. At bigla HINILA KO ANG BUHOK NIYA. "AAHHH!" "Uulitin ko, Daisy Jean," sabi ko habang mahigpit ang hawak sa buhok niya. “You either kiss my boot, or I slice that pretty neck of yours.” “Wag po… please… huwag naman ganito…” “Halikan mo. Ngayon na.” Walang nagawa si Daisy kundi sumunod. Umiiyak siya, nanginginig ang katawan, habang dahan-dahang inilapit ang labi sa sapatos ko. Isang halik. Mabilis. Halatang puno ng pandidiri. Tahimik ang paligid. Hanggang sa SINIPA KO SIYA. "AAHHH!" Tumilapon siya sa gilid ng sofa. Napatagilid sa sahig, hawak ang tagiliran. “Hindi ko sinabi na pwede mong madaliin, ‘di ba?” "Aray ko... please... tama na..." Lumapit ako sa kanya, nakatayo sa ulunan niya. Tinitigan ko siyang parang basurang gumagalaw. “Naiinis ako sa mga taong matigas ang ulo. At mas lalo akong naiinis sa mga taong umiiyak sa harap ko.” Lumuhod ako. Hinawakan ko ang baba niya at pinilit siyang tumingin sa akin. "Umiiyak ka?" “Hindi ko na po kaya…” “Gusto mo na bang mamatay, Daisy?” Hindi siya sumagot. Luha lang ang isinasagot niya. Tiningnan ko siya ng diretso. “Kasi sa bawat patak ng luha mo, natutuwa ako. It feeds me.” Bumalik ako sa upuan ko, parang walang nangyari. Uminom ako ng bagong tsaa na ipinalit ng tauhan ko. Habang siya’y nakahandusay sa sahig, basang-basa ng luha, at lumuluhod sa pagitan ng mga anino ng chandeliers sa kisame, para siyang multo. “Maglinis ka ng gamit sa kusina pagkatapos mo d’yan,” malamig kong utos. “At siguraduhin mong malinis ang baso, kung ayaw mong mag-toothbrush gamit ang toilet brush.” Tumayo ako, at habang paalis, tumawa ako ng mahina. "HAHAHA... weak little thing." CLANG. Katatapos ko lang suntukin ang steel wall ng training room sa basement. Basag ang kamao ko, may dugo, pero hindi ko maramdaman ang sakit. Iba ang gumugulo sa isip ko. Tumunog ang encrypted phone ko. “Yes?” malamig kong sagot. “Boss Ares,” boses ni Corvus sa kabilang linya isa sa mga pinaka-tapat kong adviser. “The council is pressuring you. Wala ka nang isang taon bago nila i-declare na vacante ang trono kung wala kang asawa.” Napalunok ako. “Hindi nila pwedeng gawin ‘yon.” “They will. Unless you prove na may tagapagmana ka. You need a wife.” Napapikit ako. “Tsk. Wala akong panahon sa drama.” “I understand, Boss. But if you don’t act now, maaaring kunin ni Nikolai ang posisyon.” Agad kong binaba ang tawag. Hindi ko hahayaang maagaw sa akin ang kapangyarihan. Hindi ngayon. Hindi kailanman. Pagbalik ko sa mansion, tahimik ang lahat. Gabi na. Madilim ang hallway. Tanging ilaw mula sa fireplace ang nagsisilbing gabay. Tinungo ko ang silid kung saan nakakulong si Daisy. Pagbukas ng pinto, naroon siya naka-upo sa sulok, yakap ang tuhod, ang mga mata ay basang-basa sa pag-iyak. Nakasuot pa rin siya ng maid uniform na tila pinunit na ng kahihiyan. Pagkakita niya sa akin, agad siyang napaatras. “Please… wag na…” Wala akong sinabi. Inihagis ko sa harapan niya ang isang brown envelope. “Ano ‘yan…?” “Basahin mo.” Dahan-dahan niya itong binuksan. Kumunot ang noo niya habang binabasa ang laman. "Ano ‘to… kasunduan…?" “A marriage contract,” malamig kong sagot. “Magpapakasal ka sa’kin.” Nanginginig siya. “W-what? No! No! Hindi ako papayag!” Lumapit ako. “You don’t have a choice.” “Hindi kita mahal! At lalo kitang kinamumuhian!” “Perfect,” ngisi ko. “Mas madali kang buwagin kung galit ka.” Itinuro ko ang lagda ko sa dokumento. “Ako, pirma na. Ikaw, pipirma ka rin. Ngayon na.” “Hindi!” Hinawakan ko ang panga niya, mariin. “Kapag hindi mo pinirmahan, ipapadala ko ang ulo ng tatay mo sa harap ng simbahan bukas ng umaga.” Nanlaki ang mata niya. “A-anong” “Patay na ang nanay mo, ‘di ba?” malamig kong dagdag. “Gusto mo bang mauna na rin ang tatay mo?” “Wala kang puso...” “Wala nga. Kaya wala rin akong awa.” “Hindi ‘to tama… hindi mo ako pwedeng pilitin!” “Pinilit ka na ng mundo. Ako na lang ang tumapos.” Hinatak ko siya. Pinaupo sa harap ng mesa. Ibinigay ko ang panulat. “Pirma. Or I start making phone calls.” Umiiyak siyang tumitig sa papel. “Please... please wag…” “3…” “Wag po…” “2…” “Wait…” “1…” PINIRMAHAN NIYA. Nahulog ang balikat niya sa pagkadurog. Parang binura ang huling piraso ng lakas sa katawan niya. Nakayuko siya habang pinagmamasdan ko siyang gumuho. Ngumisi ako. “Good girl.” Two days later. Isang secret wedding sa loob ng Dravenhart Mansion chapel ang naganap. Walang bisita. Walang pari. Tauhan ko lang lahat. Si Daisy — nakasuot ng puting lace dress na pinilit ko pa siyang isuot. Tuyo ang mga mata. Wala nang luha. Wala nang emosyon. Parang manika. Ako naman pormal, itim ang suit. Buo ang loob. Pagkatapos basahin ang kontrata, tumayo si Corvus. “By the power vested in us by the Order… we now declare you husband and wife.” Walang halik. Walang yakap. Walang kasiyahan. Ako lang ang ngumiti. Siya parang hindi humihinga. Pagbalik sa kwarto, tahimik kaming naglakad. Pagpasok, sinarado ko ang pinto. Nakatayo lang siya sa may pintuan. Hindi umiimik. “Daisy Jean Dravenhart,” bulong ko. “Ang pangalan mo na ngayon.” Wala pa rin siyang sagot. Lumapit ako. “May asawa ka na.” “Hindi ko kinikilala ang kasal na ‘to,” mahina niyang bulong. “Haha,” tawa ko. “You don’t have to. Basta ang mundo, kinikilala. At ‘yan ang mahalaga.” Tumalikod ako at tinungo ang bintana. “Dahil sa papel na ‘yan, secured ang trono ko. Ang posisyon ko. Ang kapangyarihan ko.” Tumingin ako sa kanya, nanlilisik ang mga mata. “At ikaw, Daisy, asawa kita hindi dahil mahal kita kundi dahil kailangan kong ipamukha sa lahat na kahit ang isang tulad mo… kaya kong gawing akin.” “Demonyo ka.” “Tama.” Lumapit ako sa kanya, marahan pero puno ng pananakot. “Bukas, ipapakita mo sa mga tauhan ko na masunurin kang asawa. You’ll smile, you’ll walk beside me, and you’ll act like you love me.” “Hindi ko ‘yan gagawin.” “Kapag hindi mo ginawa…” nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, “...I’ll make you wish na hindi ka na ipinanganak.” At lumabas ako ng kwarto. Naiwan siyang nakatayo, nanginginig, nilalamon ng kadiliman at katahimikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD