CHAPTER 4
DAISY’S POV
"Smile, Daisy."
"Walk like you own the place."
"Act like you’re in love with me."
Yan ang paulit-ulit na sinabi sa akin ni Castro bago kami bumaba para humarap sa mga tauhan niya.
Ngayon, narito ako sa grand ballroom ng Dravenhart Mansion, suot ang eleganteng long red gown na masikip sa dibdib, may slit sa kaliwa, at nakasuot ng mamahaling diamond necklace regalo niya raw para sa “asawa niya.”
Pero kahit anong ganda ng suot ko, hindi nito matatakpan ang sugat sa kaluluwa ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti. Tumango. Kumapit sa braso ni Castro na parang hindi siya ang dahilan kung bakit ako basag.
“Boss, congrats sa kasal!” bati ni Corvus habang nag-aabot ng wine kay Castro.
“Thank you,” malamig na sagot ni Castro. “Daisy, sweetheart, say something.”
Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako, pilit. “Thank you po sa pag-welcome sa’kin… sa pamilya.”
Nakangiti silang lahat. Nakangiti rin ako. Pero sa loob ko? Wasak.
Hindi ko na alam kung sino ako.
Kinagabihan, sa kwartong pinilit niyang tawaging “master’s bedroom,” nakaupo lang ako sa gilid ng kama. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Asawa na ako ng halimaw.
“Take that thing off,” utos niya habang nagtatanggal ng relo.
Napatingin ako sa kanya. “A-alin?”
“Tinatanga ka ba? The dress. Palitan mo ng nightgown. Gusto kong makita kang nakarelax.”
Tumayo ako, nanginginig. Naglakad papunta sa walk-in closet. Pagpasok ko, saka ako bumagsak sa sahig. Mahina, tahimik na iyak lang. Ayaw kong marinig niya. Baka lalo niya akong paglaruan.
Daisy, bakit mo ‘to pinirmahan? Bakit hindi ka tumakbo?
Pero alam ko ang sagot. Ayokong madamay pa ang pamilya ko. Ayokong mawalan ng natitirang kaibigan. Ayokong mamatay.
Nagpalit ako ng manipis na white silk nightgown. Parang wala akong suot. Wala akong silbi. Pakiramdam ko, hindi na ako tao.
Paglabas ko, nakatingin siya sa akin. Parang sinisiyasat bawat pulgada ng katawan ko. Tumingin ako sa sahig. Ayaw kong makita ko pa ang tingin niya.
“Halika dito,” utos niya.
Lumapit ako. Naupo siya sa edge ng kama, habang ako’y nakatayo sa harapan niya.
“Ikaw na ang asawa ko ngayon, Daisy. Kahit anong gawin mo, wala kang kawala.”
“Alam ko,” mahina kong sagot.
“Very good.”
Pinasok niya ang kamay niya sa buhok ko. Hindi marahas. Pero hindi rin malambing. Parang kontrol lang. Kontrol sa paghinga ko, sa katawan ko, sa buhay ko.
Kinabukasan, dumating ang mga bisita. Mga kapwa Mafia Boss, tauhan, informant, at ilang pulitiko na sakop ni Castro.
Ako? Nakangiti. Suot ang yellow silk dress at make-up na tinuruan ako ng tauhan niyang si Mira. May camera pa. Pictorial. Parang kasal ng fairy tale. Pero hindi ako prinsesa.
Isa akong bilanggo.
“Boss Ares,” bati ni Nikolai, kalaban sa Mafia Council. “What a lovely bride.”
“Of course,” sagot ni Castro, hawak ang bewang ko. “She’s mine now.”
“Lovely indeed,” sabi ni Nikolai, tumingin sa’kin. “Are you happy, Señora Dravenhart?”
Tumango ako, pilit ang ngiti. “Sobra po.”
“Tsk. Good to hear.”
Ngumiti si Castro. “She’s the best thing that ever happened to me.”
Sa bawat salitang sinasabi niya, parang may kumakalmot sa loob ko. Pero kailangan kong tanggapin. Ito ang papel na ginagampanan ko.
Pagkatapos ng party, habang nasa veranda kami, tinanong niya ako.
“Ano’ng tingin mo sa performance mo ngayon?”
Tumingin ako sa kalangitan. Walang bituin. Parang ako wala nang liwanag.
“Masaya sila,” sagot ko.
“Good.”
“Bakit mo ako pinakasalan talaga, Castro?” bulong ko.
“Hindi ba obvious?”
“Para sa trono mo.”
“Hahaha. Exactly.”
“Alam mo bang pinatay mo ang bawat pangarap ko?”
“Mas okay ‘yan kaysa sa pinatay ko ang buong pamilya mo, ‘di ba?”
Napapikit ako. “Wala ka talagang puso.”
Lumapit siya sa akin. Tumayo sa harapan ko, saka bulong sa tenga ko.
“Hindi mo na kailangan ng puso. Ako na ang mag-iisip para sa’yo. Ako ang mundo mo, Daisy.”
At sa muling pagtahimik ng paligid, isa lang ang alam kong totoo.
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang bangungot na ‘to.
"Paghandaan mo ako ng pagkain. Now."
Iyon lang ang bumulong mula sa malamig niyang bibig habang nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto. Matigas ang titig niya, parang wala na namang pakiramdam. Parang ako ay wala ring halaga.
Nangilabot ako. Sobrang lamig ng tinig niya parang bulong ng kamatayan.
At dahil alam kong mas pipiliin kong sunod-sunuran kaysa sapitin na naman ang matitigas niyang palad o mas mapait pa, tumango ako, sabay lakad pababa sa kusina.
Habang nagluluto ako, nanginginig ang kamay ko. Pinilit kong gawing masarap ang lahat nagprito ako ng crispy tilapia, nagluto ng sinigang, nag-steam ng gulay. Pati rice perfect ang pagkakaluto. Tinimpla ko ang sawsawan niya gaya ng gusto niya: may konting sili at kalamansi.
“Daisy,” bulong ko sa sarili ko habang iniayos ang tray. “Kahit kailan, hindi mo ‘to pinangarap. Pero wala kang choice. Kailangan mong mabuhay.”
Pagbalik ko sa itaas, nakaupo na si Castro sa maliit na dining table sa sulok ng master’s bedroom. Tahimik siyang nakatingin sa tray. Ibinaba ko ito nang maayos.
"Here’s your food," mahinang sabi ko.
Hindi siya agad nagsalita. Kinuha niya ang kutsara. Nilasahan ang sinigang. Tiningnan ako.
"Okay naman ang lasa," sabi niya.
Napakapit ako sa dibdib ko. Thank God.
Pero bago ko pa maihinga ang bahagyang ginhawa
PAK!
Hinampas niya ang tray sa mesa. Kumalat ang sabaw ng sinigang sa tablecloth, at ang kanin ay tumalsik sa sahig.
"ANONG KLASE ‘TO?!" sigaw niya. "Tingnan mo ang hitsura ng pagkaka-ayos mo! Sabog!"
"Nag-effort naman po ako" pero hindi ko natapos.
Hinila niya ako sa braso, pinatayo sa harapan ng mesa, at
Inyuko ang ulo ko sa mga niluto ko.
Mainit pa ang sabaw. Ramdam ko ang pagdikit nito sa pisngi ko. Umuusok. Humalo ang asin ng luha ko sa alat ng sinigang. Napaso ako. Nanginig ako. Hindi ako makahinga.
"Please… please, it’s hot"
“Exactly. Para maalala mo.”
Tumaas ang kilay niya nang makita niyang may shrimp sa sabaw. Allergic ako. Hindi niya sinasadya… o baka sinadya niya. Pero wala siyang pakialam.
“Eat it,” utos niya.
“C-Castro please… allergic po ako”
“EAT IT, I SAID!”
At dahil sa takot, isinubo ko ang laman. Ang shrimp. Ang sabaw. Kahit alam kong masama.
Maya-maya, nagsimula na akong mahilo. Makati ang lalamunan ko. Parang sinasakal ako mula sa loob. Hindi ako makahinga.
Hinawakan ko ang leeg ko, nagpa-panic.
“H-help… I C-can’t”
“Drama ka na naman?” galit niyang sabi.
Sumigaw ako. “HELP!”
Akma na niya akong sasampalin ulit, pero...
Bumagsak ako sa sahig.
Parang umiikot ang buong paligid. Malamig. Mabigat. At ang huli kong narinig ay ang malalakas na yabag ni Castro palabas, kasunod ng pabulong na sigaw:
“Get the family doctor. NOW.”
Madilim. Tahimik.
Pagdilat ko, nasa kama na ako. Nakasuot ng puting nightgown, may towel sa noo ko. Amoy gamot. Amoy alcohol. Nasa silid pa rin ako. Pero hindi na ako nakagapos. Hindi rin ako nag-iisa.
Sa gilid ng kama, naroon si Dr. Hugo Linarez, ang personal na doktor ni Castro. May edad na ito, maputi na ang buhok at may suot na salamin. Tahimik siyang nakaupo, may hawak na medical chart.
Katabi niya si Castro. Nakasandal ito sa dingding, walang emosyon, parang walang nangyari.
“She’s stable now,” bulong ni Dr. Linarez. “But you need to be more careful. She's allergic to shellfish. That could’ve killed her.”
Tahimik si Castro.
Tumingin si Dr. Linarez sa akin, at bahagyang ngumiti. “You’ll be okay. Just rest. I’ll prescribe antihistamines.”
Paglabas nila ng kwarto, naiwan akong mag-isa.
At doon, tuluyan akong umiyak.
Hindi dahil sa paso. Hindi dahil sa allergy. Kundi dahil…...hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang mabuhay sa ganitong impyerno.