CASTRO'S PLAN

1380 Words
CHAPTER 5 CASTRO’S POV Damn it. Akala ko nagdadrama lang siya. ‘Yung pagkahimatay? ‘Yung hininga niyang hinahabol kagabi? Allergy raw. Allergic sa hipon? I thought she was just trying to get my attention. Umaarte. Umaangal. Babaeng mayabang. Pero nang tumirik ang mata niya sa sahig? Nang magsimulang mangitim ang leeg niya? Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi dahil sa awa. Hindi dahil sa takot na mamatay siya. No. Kasi nakakainis. Istorbo. That girl almost died in my house. In my watch. At kung namatay siya doon, baka magamit ‘yon laban sa’kin ng council. Baka sabihing wala akong kontrol. Mahina ako. At ‘yan ang pinakaayaw ko ang sabihang mahina si Haizen Castro Dravenhart. Ngayon, narito ako sa veranda, nakaupo sa isang mamahaling wooden chair na gawa sa obsidian wood. Sa harapan ko, isang tray ng mainit na Earl Grey tea. Mula rito, tanaw ko ang buong estate ang hardin, ang barbed fences, ang mga armadong guwardya na nagroronda sa perimeter. Tahimik. Presko ang hangin. Amoy mamahaling sigarilyo, langis ng baril, at bulaklak. Sa kanan ko, naroon sina Corvus at Venrick, dalawa sa pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ko. "Nakuha mo na ang intel?" tanong ko habang marahan kong iniikot ang tsaa sa tasa. "Yes, Boss. Ang bunker ni Nikolai ay nasa ilalim pala ng isang old sugar mill sa Tanza. Sobrang lalim ng pasukan, may tatlong access point: east tunnel, drainage canal, at isang secret elevator sa loob ng abandoned distillery." "Security?" "Armed to the teeth," sabat ni Venrick. "They have heat sensors, landmines, and high-caliber weapons. Hindi biro, Boss." Ngumisi ako. "All the more reason to crush them." "May leak din tayo, Boss," dagdag ni Corvus. "Mukhang may nagpapanggap na trader pero asset pala ni Nikolai. Pumupuslit ng impormasyon sa loob." Tumango ako. Walang galit sa mukha ko. Walang kaba. Sanay na ako sa ganito. Betrayal is normal in this world. Kaya nga ako laging handa. "Sino ang trader?" "Babae. Forty-ish. Nagtatrabaho sa central kitchen. Pangalan: Arlaine." Tahimik akong humigop ng tsaa. "Execute her quietly. Make it slow." "Copy, Boss." Muli akong napatingin sa hardin. At doon ko siya nakita. Si Daisy. Nakatayo sa lilim ng puno ng acacia. Nakaputing damit, parang nightgown na ginawang bestida. Maputla. Tahimik. Nakatingin sa mga bulaklak na parang wala sa sarili. Ilang tauhan ko ang nakamasid sa kanya, mula sa di kalayuan. “She’s breathing,” bulong ko. Napatingin si Corvus. “Boss?” “Nothing.” Napailing ako. Dapat inalagaan ko ‘yung papeles sa allergy form niya. Kung namatay ‘yon kahapon, magkakaproblema tayo sa council. ‘Di ko alam kung bakit, pero kanina, nung lumabas ang doktor at sinabing “She’s lucky to be alive,” may kung anong saglit na katahimikan sa loob ko. Hindi awa definitely not. Pero parang... inconvenience. Hindi siya dapat mamatay. Not yet. May gamit pa siya. May papel pa siyang ginagampanan. “Balik tayo sa plano,” utos ko. “What’s the timeline?” “Tomorrow night,” sagot ni Corvus. “All teams on standby. ‘Yung mga contractor na tinrain mo last month, ready for infiltration. We’ll split the squad 40% sa drainage, 40% sa distillery elevator, then the rest will handle sniper support from the ridge.” “Good.” Tumayo ako. Nilapag ang tasa ng tsaa sa mesa. “Make sure walang makakalusot. And I want Nikolai’s head on a plate before sunrise.” “Yes, Boss.” Naglakad ako pabalik sa loob ng mansion. Sa hallway, tahimik. Mga chandeliers lang ang liwanag. Mga tauhan ko, nakasaludo habang dumadaan ako. Pagdaan ko sa may hallway papunta sa kwarto ni Daisy, napatigil ako. Naroon siya sa loob, nakaupo sa kama. Hindi niya alam na naroon ako. Nakatingin siya sa sahig, pinaglalaruan ang dulo ng bedsheet. Parang basag. Wala nang lakas. At sa ilang segundo, pinagmasdan ko lang siya. Wala akong emosyon. Hanggang sa tumalikod ako at muling naglakad. This isn’t love. This isn’t mercy. This is control, At ‘yan ang alam ko kung paano laruin. Pagkapasok ko sa kwarto, dumiretso ako sa walk-in bar sa gilid ng silid. Kumuha ako ng isang baso, nilagyan ng yelo, at saka pinuno ng whiskey. Tahimik lang ang paligid. Tanging tunog ng yelo na tumatama sa kristal ang naririnig. Naupo ako sa leather chair, tinungga ang kalahati ng laman ng baso, at saka isinara ang mata ko nang saglit. Tahimik. Pero hindi ang utak ko. Business. Deals. Weapons. Enemies. Schedules. Tumunog ang cellphone ko. Private line. Code Red. Sinagot ko agad. “Boss, this is Blade. Update sa shipment lahat ng armas at droga, nai-deliver na sa tatlong lokasyon. 70% ng stock sa Zamboanga, 20% sa Ilocos, tapos ‘yung high-end guns napunta sa Singapore buyer.” “May aberya?” “Wala po. Lahat clean ang galaw. Cash received. ₱480 million total.” “Good.” Nilagok ko ang natirang whiskey. “Dispose the extra crates. Ayoko ng ebidensiya.” “Noted, Boss.” Pinatay ko ang tawag. Sa gilid ng mesa ko, naroon ang blueprint ng warehouse ni Nikolai ang kalaban kong gustong kumalaban sa trono. Mga ilang taon na rin siyang tinatangkang siraan ako sa council. Tanga. Pina-prioritize ko ngayon ang pagkawala niya sa mundo. Lahat ng galaw niya sinusubaybayan. Every payment, every trade route, every bodyguard, every mistress. Lahat. Tumingin ako sa relo. 1:37 AM. In less than 24 hours, mawawala na si Nikolai. And the seat will be mine uncontested. Tahimik akong tumayo. Nilapitan ang isang hidden wall panel. Pinindot ko ang code. BUMUKAS ang secret compartment. Naroon ang koleksyon ng mga baril ko. Mayroong rare Beretta 93R, isang custom .50 caliber Desert Eagle na may pangalan ko sa grip, ilang grenade launcher, sniper rifles, at siyempre, ang paborito kong silver revolver ang parehong ginamit ko sa pagpatay kay Lucien. Kinuha ko ang revolver, nilinis ito, tsaka nilagay sa belt holster ko. Hindi lang ito koleksyon. Ito ang simbolo ng kapangyarihan. Habang inaayos ko ang mga dokumento, tumawag ulit si Venrick. “Boss. Update sa Council. Naglalakas na ng loob si Sebastian. Gusto niyang buuin ang alliance laban sa ‘yo. Hindi pa final, pero may rumor.” “Confirm mo lahat. If totoo ‘yan, putulin ang ulo bago pa tumubo ang sungay.” “Copy.” Pinatay ko ang linya. Naglakad ako papunta sa malaking salamin sa gilid ng silid. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Matangkad, maayos ang gupit, suot pa rin ang dark shirt at tactical pants. Pero higit pa sa itsura ang mata ko. Walang emosyon. Walang awa. Tulad ng nararapat. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang halos kalahati ng underground trade sa Southeast Asia. Drugs. Guns. Human trafficking. Smuggling. Even assassinations. At ako ang may hawak ng timon. Kaya hindi ako puwedeng madapa. Hindi ako puwedeng magpahina lalo na hindi sa harap ng council. Kaya kahit kagabi, nung muntik nang mamatay si Daisy dahil lang sa allergic reaction hindi ako natakot. Naiinis lang ako. Bakit? Kasi naiistorbo ang sistema ko. Naiistorbo ang plano. Naiistorbo ang kontrol. Pero may silbi siya. Ginamit ko siya para mapanatili ang posisyon ko. Legal wife, for the record. Sa paningin ng ibang boss, mas “stable” ako. Mas “trustworthy.” Maski peke. Maski scripted ang lahat. Bigla kong narinig ang mahinang kaluskos sa hallway. Binuksan ko ang pinto. Andun si Mira, isa sa mga matagal ko nang tauhan. “Boss,” bulong niya, “Nagising na si Daisy. Nagsusuka raw. Umiiyak. Baka ‘di pa rin fully okay ang katawan niya.” “Bantayan. Bigyan ng gamot. ‘Wag niyong pabayaang mamatay.” “Understood.” Naisara ko ang pinto. Hindi ako pumunta. Hindi ko siya tinabihan. Hindi ko siya inalo. Bakit ko gagawin ‘yon? Wala akong intensyong mahalin ang kahit sinong babae. Lalo na ang gaya ni Daisy mahina, emosyonal, sunod-sunuran. Pero sa totoo lang... may kung anong nakakainis sa kanya. Kapag tumitingin siya, parang may sinasabi ang mga mata niya. Parang tinatanong kung may natitira pa ba akong konsensya. Wala. Matagal na akong ubos. Umupo ako sa kama, kinuha ang isa pang baril mula sa ilalim ng unan Glock 19 na may suppressor at saka tumingin sa kisame. Bukas ng gabi, masusubok na naman ako maraming dugo ang aagos. At kung si Daisy ay magiging sagabal alam ko na ang dapat kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD