CHAPTER 6
THIRD PERSON POV
Madaling-araw. Sinalubong ng ulap ng usok mula sa mga tambutso ng black SUVs ang madilim na kakahuyan sa labas ng San Rafael. Wala ni isang ilaw sa paligid, tanging mga buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa abandonadong mansion na dating pagmamay-ari ng isang haciendero noong 1950s. Kalansay na lamang ito ng nakaraan. Ngunit ngayon, magiging libingan ito ng mga kalaban ni Castro Dravenhart.
"Move in. Silent protocol," malamig na utos ni Castro sa comms habang dahan-dahang lumalapit ang sasakyan nila. Naka-black tactical gear siya, silver revolver sa kanang hita, habang ang mga tauhan niya'y may dalang semi-automatic rifles at night vision goggles.
Tahimik silang nagpenetrate sa perimeter. Isa-isang kinatok ang mga signal sa radio frequency. "Target building located. Visual confirmed."
"GO."
Walang palya. Dalawang armadong guwardya ang unang nasagasaan sa dilim. Isang putok lang sa ulo bawat isa. Hindi na nakasigaw. Tumalsik ang utak ng isa sa lumang pader ng mansion. Gumuhit ang pulang dugo sa lumang kahoy na pader na para bang bagong pinta.
"Secure the hall."
Pumasok si Castro sa loob ng mansion habang umaalingawngaw ang huni ng mga kalapati na ginambala ng baril. Sa loob, sinalubong sila ng anim na armadong kalaban. Walang pag-aalinlangan, tinarget ni Castro ang unang lalaki. Isang bala sa tuhod, napaluhod ito. Bago pa makasigaw, sinunggaban niya ito, hinampas ng baril sa mukha, at sinaksak ng dagger sa leeg.
"Gggkkhh---!!" bulwak ng dugo ang sumirit mula sa leeg nito. Nagsimula na ang giyera.
"Take them alive kung kaya. But hurt them first," utos ni Castro habang sunod-sunod ang putok ng mga baril.
Isa pang kalaban ang bumagsak nang tamaan sa dibdib. Pero hindi pa patay. Nilapitan ito ni Castro, hinila ang buhok, at saka hinampas ng baril sa bibig. Wasak ang ngipin. Nangilid ang dugo sa mukha nito.
"Saan ang vault ni Nikolai?" tanong niya, pero walang sagot.
Kaya't dahan-dahan niyang pinasok ang kutsilyo sa tagiliran nito. "Gusto mong mamatay nang mabilis, o gusto mong damhin ang bawat segundo?"
"Ughhhh... s-sa ilalim ng kusina..."
"Good boy."
Pero hindi pa rin niya tinantanan. Kinuha niya ang itak na nakasabit sa pader at walang pag-aalinlangan, pinutol ang ulo ng lalaki. Isang malakas na hiyaw, isang mabilis na hiwa, sabay talsik ng ulo sa paanan ng mga tauhan niya. Tumilapon ang dugo sa kisame, sa pader, at sa sahig. Basang-basa ang paligid ng dugo. Kumalat ito parang pintura ng bangungot.
"Secure the basement."
Pagbaba nila sa madilim na hagdanan, sumalubong ang mga minahan sa gilid ng pader. Ngunit hindi ito sapat para pigilan sila. Tinawag ni Castro ang isa sa demolition expert niya. "Defuse."
Pagkapasok nila sa underground vault, naroon ang anim pang kalaban. Pero wala silang laban.
"SURRENDER!" sigaw ng isa, pero huli na.
Una, binaril ni Castro ang dalawang tuhod ng lalaki. Pagbagsak nito, tinadyakan niya sa dibdib hanggang sa mawasak ang ribs nito. "Ayoko ng sumisigaw sa harap ko."
Isa pang kalaban ang lumapit mula sa dilim, may dalang machete. Ngunit maagap si Castro. Sinaksak niya ito sa tagiliran gamit ang combat knife, at saka kinagat ang tenga nito. Napasigaw ang lalaki habang dinura ni Castro ang bahagi ng tenga nito sa sahig.
"Lahat ng may kaugnayan kay Nikolai, ubusin."
Sunod-sunod ang putukan. Isa, dalawa, tatlo pang katawan ang bumagsak. Isang babae ang nagtangkang tumakbo pero nahablot ni Castro sa buhok. "Anong pangalan mo?"
"K-Karla..."
"Sorry, Karla," bulong niya. At dahan-dahan niyang ginilitan ito sa leeg gamit ang silver dagger. Habang dumadaloy ang dugo sa leeg nito, tumitig siya sa mata ng babae. "Say hi to Nikolai sa impyerno."
Nang masiguro nilang patay na ang lahat, saka sila lumabas ng basement.
"Sir, secured na lahat. Vault is empty. But may nakuhang USB sa ilalim ng altar."
"Give it to Mira. Ipag-imbestiga."
Sa labas ng mansion, isang lalaking pinakahuling nahuli ang nakaluhod sa lupa, duguan, nanginginig. Ito ang asset ni Nikolai na umano'y spy sa network ni Castro.
"Please... mercy..."
Lumapit si Castro. "Mercy?"
Tumango ang lalaki. "May pamilya ako..."
"Ako rin. Pero pinatay nila. So guess what?"
Biglang binunot ni Castro ang revolver at walang pag-aalinlangan, bumaril sa tuhod nito. Sumigaw ito sa sakit.
"Too loud," bulong ni Castro. Binaril niya rin sa bibig. Tumilapon ang dila nito. Punit ang pisngi. Hingalo na lang ang natira sa lalaki.
Lumuhod si Castro sa harapan nito. "Sabihin mo sa akin, masakit ba?"
Wala nang masabi ang lalaki. Umiiyak lang.
"Good," bulong ni Castro.
At saka niya pinutol ang leeg nito gamit ang baril walang putok. Isang pwersado at brutal na pagkabali. Tumagilid ang katawan sa lupa. Wala nang buhay.
Sa likod niya, nanonood lang ang mga tauhan niya. Walang nagsalita.
Walang luha. Walang tanong.
“Mission complete,” bulong ni Venrick.
Tumango si Castro. "Bumalik na tayo. Malapit na ang araw. At may isa pa akong dapat bantayan."
Habang paalis ang convoy nila, naiwan ang abandonadong mansion—wasak, duguan, at basang-basa ng kasalanan.
Walang nakaligtas.
Walang sinanto.
Ganoon kung maglaro si Haizen Castro Dravenhart.
Umuugong ang makina ng tatlong itim na SUV habang binabaybay nila Castro ang isang liblib at madamong daan papunta sa abandonadong mansion sa Tanza ang lugar kung saan natunton ang lihim na base ng kalaban. Kasama niya sina Corvus, Venrick, at sampung elite combat agents na armado ng high-grade rifles, blades, at tactical gear. Tahimik ang loob ng sasakyan. Ang tanging naririnig ay ang tunog ng radial comms at ang matalas na utos ni Castro kanina:
"Walang lalabas ng buhay diyan maliban sa pangalan ko."
Ngunit sa kalagitnaan ng daan BOOM!
Isang malakas na pagsabog ang nagpagulong sa unang SUV. Tumilapon ang sasakyan, gumulong ng tatlong beses bago tuluyang tumigil sa gilid ng daan. Kasunod noon, narinig ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa magkabilang bahagi ng kagubatan. Ambush.
“AMBUSH!” sigaw ni Corvus habang bumunot ng armas.
Pero walang takot na bumaba ng sasakyan si Castro. Suot ang bulletproof tactical vest, agad siyang naglabas ng customized M4A1 at pumwesto sa likod ng nasunog na SUV. Tumambad sa kanila ang isang lalaking may peklat sa kaliwang mata, naka-body armor din, at may hawak na heavy assault rifle.
“WELL, WELL, WELL... ARES! Hahaha! Long time no see,” sigaw ng lalaki. “O nga pala... nakaligtas ka pala sa ambush noon? Hahaha! Poor Ares!”
Nanlilisik ang mga mata ni Castro. Malamig ang tinig nang sumagot.
“So ikaw pala ang pumatay sa mga umampon sa akin dati... magkakasubuan tayo ngayon.”
Bigla siyang pumutok ng sunod-sunod na bala, sabay-sabay din ang putok ng mga tauhan niya. Tumugon din ang kampo ng kalaban nagkagulo ang paligid. Ang hangin ay pinuno ng pulbura, sigaw, at putok ng baril.
Tumilapon ang ilang tauhan, sabog ang katawan. Tumalsik ang laman-loob ng isa sa mga sniper nang tamaan sa ulo. Sa gitna ng lahat, galit na galit si Castro.
“Corvus, suppress fire sa left flank! Venrick, hawakan ang rear exit!”
Habang tumatakbo si Castro sa gilid ng bunker wall, pinutukan siya ng shotgun. Nagtalsikan ang bato, dumaan sa balikat niya ang bala. “Damn it!” Napamura siya.
Naubusan ng bala ang rifle niya. Kinalas niya iyon at hinugot ang dual tactical blades mula sa likod.
Tumalon siya sa ibabaw ng railing at sinalubong ang lalaking may peklat. Nagbanggaan ang katawan nila. Sabay silang gumulong sa madamong lupa.
Napakabilis ng suntukan parang MMA fight sa ilalim ng ulan ng bala. Sinakal siya ng lalaki, pero sinipa ni Castro ang tuhod nito sabay tusok sa tagiliran gamit ang combat knife. Sumigaw ang lalaki. Gumanti ng siko sa panga si Castro.
“GAHHH!”
Isang suntok. Isang tadyak. Pagbira sa buhok. Pagbugbog ng ulo sa lupa. Krack! Nabali ang ilong ng kalaban.
“Papatayin kita!” sigaw ni Castro, habang hawak ang leeg ng lalaki, itinutulak niya ito sa lumang poste.
Ngunit bago niya maituloy ang paggilit sa leeg nito gamit ang blade...
TING! granada.
Napatingin silang dalawa.
BOOOOOOM!!!
Tumilapon ang katawan ni Castro. Sumalpok siya sa kahoy na haligi, bali ang braso, duguan ang mukha, at nawalan ng malay sa ilang segundo. Habang ang kalaban? Nakatakas sa kalituhan.
“Boss! Boss Castro!” sigaw ni Venrick.
Mabilis siyang binuhat at isinakay sa SUV. May tama sa tagiliran. May punit sa noo. Bali ang kanang braso. Putok ang labi at sugat-sugat ang binti.
“RUN BACK TO THE ESTATE!” sigaw ni Corvus sa driver.
SA DRAVENHART MANSION
Nasa veranda si Daisy, hawak ang mug ng salabat, pilit inaaliw ang sarili kahit nanginginig pa rin ang katawan mula sa trauma. Biglang bumukas ang gate. Huminto ang sasakyan sa harap ng mansion.
Tumakbo palabas si Mira, pero mas mabilis si Daisy. Sa pagbukas ng pinto ng SUV, nakita niya si Castro bakas ang dugo sa mukha, putol ang manggas ng damit, at parang wala nang malay.
“CASTRO!” sigaw ni Daisy, tumakbo papalapit.
Napaluha siya sa nakita. Hindi siya makahinga.
“Aid kit! Mira! Get the kit now!”
Hinila niya si Castro, pinasok sa mansion at inihiga sa leather couch sa sala. Nagsisimula nang mawala ang ulirat ni Castro.
“Hey... hey, don’t you dare die on me...” pabulong ni Daisy habang tinatanggal ang bulletproof vest at nililinis ang sugat niya sa braso.
Umiiyak siya habang pinupunasan ang dugo sa mukha nito gamit ang towel.
“Castro... please... kahit anong ginawa mo sa’kin... huwag ka munang mawala... not like this...”
Pinisil niya ang kamay nito habang ginagamot ang sugat sa gilid ng tiyan gamit ang antiseptic.
“Aaray ka rin pala...” bulong ni Daisy, nanginginig ang boses habang pinipigil ang iyak.
Hindi siya sumagot. Mahina lang ang paghinga nito.
Dumating si Dr. Hugo pagkalipas ng labinlimang minuto.
“Pagalingin mo siya...” halos hindi na marinig ang boses ni Daisy. “Kahit demonyo siya... hindi ko kayang makita siyang ganito...”
Sa mga oras na ‘yon, hindi na niya iniisip ang sakit. Ang galit. Ang takot.
Ang iniisip niya lang, ay mabuhay ang lalaking kahit kailan... hindi nagpakita ng awa.
Pero para sa kanya, kahit pa durog ang puso niya...