SA KABILA NG LAHAT

1890 Words
CHAPTER 6 DAISY’S POV “Dahan-dahan lang, Castro…” Halos hinihingal na ako habang inaakay siya paakyat sa hagdan ng mansyon. Pareho kaming duguan siya mula sa labanan, ako mula sa pagod at takot. Wala nang ibang tauhan sa paligid. Kami lang. Kahit may pilay ang kaliwang binti niya at may benda ang balikat, hindi siya humihingi ng tulong. Pero ramdam kong naghihingalo ang katawan niya sa sakit. Nginig ang bawat hakbang. Kahit ganun, hindi ako tumigil. Hindi ako sumuko. Pinilit ko siyang suportahan, hawak ang beywang niya habang ang kanan kong kamay ay nakakapit sa balikat niya. Pakiramdam ko, bawat segundo ay mahalaga. Bawat hakbang delikado. “Konti na lang, Castro. Nandito na tayo…” Pagdating sa pinto ng kwarto niya, binuksan ko ito gamit ang siko ko. Binuksan ko ang mga ilaw, saka inalalayan siyang makapasok. Tumungo kami sa kama niya at dahan-dahan ko siyang pinaupo sa gilid. “Humiga ka. Kailangan mong magpahinga.” Pero hindi siya kumilos. “Castro?” Bigla siyang tumayo. “Hindi mo na kailangan magpanggap, Daisy,” malamig niyang sambit. Napakunot ang noo ko. “A-anong ibig mong sabihin?” “Yung concern mo? Yung pag-aalaga? Lahat ‘yan fake.” Umiling ako, napalapit sa kanya. “Castro, hindi” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong itulak palayo. Napa-atras ako at halos madapa sa carpeted floor ng kwarto niya. “DON’T ACT LIKE YOU CARE!” sigaw niya. “Hindi ako tanga, Daisy!” “Castro, hindi ko sinasadya kung” “Tumigil ka!” Napalunok ako. “Nagaalala lang ako sa’yo…” “Exactly,” bulong niya, habang dahan-dahang lumapit. “At ayoko niyan. Hindi mo ako madadala sa mga paawa mong tingin, sa mga luha mong parang pelikula.” “I’m not trying to” Bigla na lang sinakal niya ako. Napapitlag ang buong katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko. “C-Castro…!” pabulong kong sigaw habang hinahabol ang hininga ko. Ramdam ko ang lamig ng palad niya sa leeg ko. Ang higpit. Ang galit. “Naaalala mo pa ba ang sinabi ko dati, Daisy?” malamig ang boses niya, parang bangungot. “Na kahit anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin?” Umiiyak na ako, nanlalambot. “P-please…” Hindi niya ako pinakawalan. “Hindi mo ako madadala sa awa. Sa bait-baitan mong ganyan. Mark my words…” Sa isang iglap, hinagis niya ako. “AAHHHH!” Tumilapon ako sa gilid ng kama at tumama ang ulo ko sa matigas na mesa. Biglang umikot ang paningin ko. Dumugo ang sentido ko. Dumadagundong ang tenga ko. Bagsak ako sa sahig, humahabol ng hininga. Crash! Isang porselanang vase ang tumilapon mula sa gilid ng mesa, bumagsak sa likod ko at nabagsakan ang balikat ko. Basag. “Ughh… A-ara ay…” Napakapit ako sa ulo ko. May naramdaman akong mainit na likido. Dugo. “Castro…” pabulong kong sigaw. Pero wala siyang emosyon. Tumalikod siya, tinungo ang bintana ng kwarto at tumingin sa labas, parang wala lang. Habang ako’y duguan at nanginginig sa malamig na sahig. “Bakit ka umiiyak?” bulong niya, hindi man lang lumilingon. “Pinili mo ‘to, ‘di ba? Pinirmahan mo ‘yung papel. So live with it.” Napapikit ako, habang tuloy-tuloy ang luha ko. Mahapdi ang sugat sa ulo, pero mas mahapdi ang pakiramdam na wala akong halaga sa kanya. “Ginawa ko ‘yon para sa pamilya ko…” mahina kong bulong. “Hindi para saktan mo ako…” Naglakad siya palapit. Tumigil sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya, pero ang liwanag sa kisame ay nagpapalabo sa imahe niya. Wala pa ring awa sa mukha niya. Wala pa ring init. Wala pa ring puso. “Castro… bakit mo ako kailangang ganyanin? Ginagamot kita. Inalagaan kita” “Hindi kita kailanman hiningi.” “Pero nabubuhay ka pa rin dahil sa’kin! Dahil inalagaan kita! Ayaw mo man aminin pero” Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Halos mamilog ang tenga ko sa lakas. Napahawak ako sa mukha ko, umuungol. “Shut your mouth,” mariin niyang utos. “Wala ka talagang puso,” umiiyak akong sambit. “Wala kang konsensya…” “Matagal na akong ubos, Daisy,” bulong niya. “At ikaw? Isa ka lang sa mga gamit ko para manatili ako sa ibabaw.” Tahimik akong napaiyak. Tuloy-tuloy lang ang luha ko habang hindi ko kayang itaas ang ulo ko. Para akong batang nawalan ng nanay sa gitna ng giyera. Tumalikod siya muli. “Walang hiya ka,” sabi ko sa pagitan ng hikbi. “Sinira mo ako. Giniba mo ako. At kahit na hindi kita mahal… umaasa pa rin ako na may natitira pa sayong pagiging tao.” “Stop dreaming.” Tumungo siya sa walk-in bar niya. Binuksan ang alak. Nagsalin sa baso, saka tinungga habang ako’y duguan, wasak, nakahandusay sa sahig. Ang halimuyak ng alak humalo sa amoy ng dugo. Ang tunog ng yelo sa baso tumapat sa t***k ng puso kong unti-unting nawawala ng dahilan para tumibok. Tahimik na nakamasid si Mira mula sa bahagyang awang ng pinto. Napakagat siya sa labi, namumuo ang luha sa mga mata niya. Gusto niyang pumasok, pero alam niyang hindi siya pwedeng makialam. Hindi pa. Sana… sana kunin na lang ako ng langit. Sana… matapos na ‘tong bangungot. Pero kung hindi pa ‘to ang huli, siguro… may dahilan kung bakit ako buhay pa. Siguro may araw din na luluhod ang halimaw sa harap ko. At doon… doon ko mararamdaman na kahit kailan, hindi naging sayang ang pagluha ko. Umiiyak ako. Hindi lang ‘yung tahimik na pagpatak ng luha. Hindi lang ‘yung simple lang ang hikbi. Ito ‘yung pag-iyak na parang kinakaladkad mula sa kailaliman ng puso ko. ‘Yung parang hindi na luha ang lumalabas sa mata ko kundi sigaw na walang tunog. ‘Yung kahit gusto kong sumigaw ng “Tama na,” hindi ko na magawa kasi ubos na ako. Nakahiga ako sa kama niya. Pero hindi ito kama ng pahinga. Hindi ito kama ng pagmamahalan o init. Isa itong selda. Isa akong bilanggo. Ang mga pulso ko, nakatali sa headboard gamit ang leather restraints na dati ay para lang sa mga larong kontrol at kapritso niya. Pero ngayon… parusa. Paghihiganti. Gabi na. Tahimik ang buong mansyon. Wala kang maririnig kundi ang tikatik ng ulan sa labas at ang pag-iyak ko sa dilim. Nanginginig ang katawan ko. Hindi lang dahil sa ginaw kundi sa takot. Sa sakit. Sa bigat ng nararamdaman ko. FLASHBACK: Ilang oras lang ang nakalipas “Don’t test me, Daisy,” malamig na boses ni Castro habang nakatingin sa’kin sa gilid ng kama. “H-hindi ko naman sinasadya…” bulong ko, umiiyak. “Wala akong masamang intensyon” Pak! Isang sampal na naman. Malakas. Tumilapon ang mukha ko sa kabilang side. “Lagi na lang ‘yan ang sinasabi mo,” aniya. “Puro ka inosente. Pero ang dami mong ginagawang nakakainis.” “Castro, please…” Hindi siya nakinig. Humugot siya ng leather straps mula sa drawer. Hindi ko na alam kung saan niya kinukuha ang mga ‘yon, pero alam kong ginagamit niya iyon dati for power play. Pero ngayon, walang laro. Walang thrill. Pure rage. Cold, seething rage. Hinila niya ako sa kama, pinuwersa akong humiga, saka ginapos ang dalawang kamay ko sa headboard. “Castro! W-wait! Please! Masakit na” “Then maybe next time, you’ll think twice before acting like a goddamn saint.” Click. Nilock niya ang straps. Tapos tinignan ako parang hindi na ako tao. Parang hindi ako asawa. Parang hindi ako si Daisy. Parang wala lang ako. PRESENT Ilang oras na yata akong nakagapos. Hindi ko na alam. Wala akong relo. Wala akong cellphone. Wala akong boses. Napakasakit ng mga pulso ko. Dumudugo na yata ang isa. Pinilit kong kumawala kanina. Paulit-ulit. Hanggang sa sumuko na lang ako sa pagod. Tumulo ulit ang luha ko. “Castro…” bulong ko. “Bakit ba ako?” Sa dami ng babae sa mundo, sa dami ng kayang pumayag sa gusto mo, bakit ako pa? Ako pa na wala namang ginawa kundi ang subukang unawain ka? Mahalin ka kahit unti? Pero hindi niya ‘yon pinili. Pinili niyang sirain ako. Paulit-ulit. Hanggang sa maging abo na lang ang natitirang dignidad ko. Nang marinig kong bumukas ang pinto, napapitlag ako. Tahimik lang siyang pumasok. Suot niya ang black long sleeves niya, may kaunting dugo pa sa laylayan. Amoy baril, sigarilyo, at alak ang paligid. Ramdam ko agad ang tensyon. Hindi siya nagsalita. Naglakad lang papunta sa vanity mirror. Kumuha ng basang towel, pinunasan ang mga kamay. Tumitingin sa sarili. Wala siyang reaksyon. Wala siyang galit. Pero wala rin siyang lambing. Lumingon siya sa’kin pagkatapos ng ilang minuto. Parang ngayon niya lang ako napansin. “Gising ka pa pala.” “Hindi ako makatulog,” pabulong kong sabi. “Good,” aniya, malamig. “You deserve that.” Naglakad siya papunta sa kama. Naupo sa gilid. Tinignan ang mga kamay kong ginapos. “Duguan na,” aniya, tila wala lang. “You struggled, huh?” Hindi ako sumagot. Umiling lang ako, tahimik na umiiyak. “Drama mo talaga,” sabay buntong-hininga niya. “You think I’ll fall for this?” Tumingin ako sa kanya. Walang galit, pero puno ng sakit ang mga mata ko. “Hindi ko gusto na mapansin mo ako,” sagot ko, mahinang-mahina. “Gusto ko lang na maramdaman mong tao pa rin ako.” Tumawa siya. Pero hindi masaya. Saka yumuko sa’kin, inilapit ang mukha. “Tao? You’re my wife. Pero hindi ka kailanman naging asawa ko. Ikaw ang ari-arian ko. At wala kang karapatang mag-demand.” Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niyang iyon. “Tapos gusto mo pa akong alagaan?” tuloy niya. “Gusto mo pa akong yakapin? Punyeta, Daisy. Kung hindi ka lang legal wife ko, matagal na kitang ibinaon sa lupa.” Hindi ko na napigilang mapasigaw. “Then do it! Baon mo na ako! Patayin mo na kung ‘yun lang ang alam mong solusyon!” Nagpanting ang tenga niya. Tumayo siya bigla, binagsak ang upuan sa gilid. Tapos lumapit ulit sa’kin at tinapik ang pisngi ko ng dalawang beses hindi marahas, pero insulting. “You want to die?” Tumingin ako sa kanya. “I just want this to stop.” Matagal siyang hindi nagsalita. Parang nag-iisip. Tapos bigla siyang tumawa. “You’re really something.” Tumalikod siya, kinuha ang whiskey bottle sa bar. Nagbuhos sa baso. Tapos ininom nang tuloy-tuloy. Tumingin siya sa akin habang humihigop. Nakangisi. “Walang makakaalis dito nang buhay, Daisy. So habang buhay ka pa, get used to it.” Naglakad siya palapit, tumayo sa ulunan ko. Tiningnan ang mga sugat sa pulso ko. Tiningnan ang mukha kong basang-basa na ng luha. Then he leaned in and whispered in my ear. “Tomorrow, we’ll start over. And you’ll act like a good wife.” At lumabas siya ng kwarto, iniwang bukas ang ilaw. Ako? Naiwan. Nakagapos pa rin. Nanginginig. Umiiyak. Panginoon… kung naririnig mo pa ako… Patawad kung minsan, gusto ko na lang mawala. Pero kung may dahilan pa kung bakit ako nandito… ipakita mo, please. Bigyan mo ako ng lakas. At kung hindi man ako makawala, sana balang araw… ako ang maging dahilan ng pagbagsak ng halimaw na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD