CHAPTER 8
THIRD PERSON POV
Madilim. Mabigat ang hangin. Ang tanging liwanag lang sa loob ng hideout ay ang mga fluorescent bulbs na kumikislap, parang nananakot. Ang paligid ay malamig, tahimik, nakabibingi sa tensyon. At sa gitna ng lahat ng ‘yon dalawang lalaki. Magkapareho ang anyo. Magkapareho ang mukha. Pero magkaibang-magkaiba ang puso.
“WHAT THE f**k DID YOU DO TO HER?!”
Isang malakas na suntok ang dumapo sa panga ni Castro mula kay Rhaizhein Zastor ang kakambal niyang matagal nang nananahimik pero ngayo’y isang bulkan na sasabog. Napaatras si Castro, bahagyang nadapa sa bigla ng atake.
“Gago ka na ba, Castro?!” sigaw ni Rhaizhein, hingal sa galit. “She took care of you! Inalagaan ka niya! At anong ginawa mo sa kanya? GINULO MO!”
Dahan-dahang tumayo si Castro, pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Tahimik lang siya. Walang emosyon. Pero sa mata niya, may apoy na naglalagablab.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo,” malamig niyang sagot.
“Hindi ko alam?!” galit na galit si Rhaizhein. “I was there! I saw her, Castro! DU-GU-AN! Nakagapos! Wala nang boses sa kakaiyak! WALA NA SIYANG LAKAS!”
“Then she deserves it,” malamig na tugon ni Castro habang naglakad papalapit sa bar table.
Muntik nang masira ang mga gamit nang sapakin ulit ni Rhaizhein ang mesa.
“PUTANGINA KA, CASTRO! Seryoso ka ba?! Anong klaseng tao ka?!”
“Hindi mo ako naiintindihan,” bulong ni Castro. “She’s mine. My property. She’s not allowed to disobey me.”
“PROPERTY?! So that gives you the right to hurt her?! To treat her like trash?!”
“Exactly.”
“TAENA KA!”
Muli siyang sumugod at sinuntok si Castro, pero nakailag na ito ngayon. Bumawi ng suntok si Castro at tumama sa sikmura ng kakambal niya. Napaatras si Rhaizhein, pero mabilis ding nakabawi. Nagkakahampasan na sila ng kamao, puro bigwas, puro galit, puro sigaw.
“A-anong gusto mong patunayan, ha?!” sigaw ni Rhaizhein habang nagbabakbakan sila. “Na mas malakas ka?! Mas makapangyarihan?! You’re a f*****g coward!”
“I’m surviving in this world the only way I know,” sagot ni Castro. “Control or be controlled.”
“Bullshit! That's not survival, that's abuse!”
Napamura si Castro at sinabunutan si Rhaizhein. “You don’t know what it’s like! You don’t know what it’s like to lose everything!”
“Hindi lang ikaw ang nasaktan sa mundo, Castro!” sigaw ni Rhaizhein. “Pero hindi dahilan ‘yan para sirain ang iba!”
Nagkatitigan silang dalawa magkakambal, magka-anyong magka-anyo pero ngayon ay parang mortal na magkaaway.
“Alam mo kung bakit kita hinarap ngayon?” ani Rhaizhein, nanginginig ang boses. “Dahil hindi ko na kayang manahimik. Hindi na ako pwedeng magbulag-bulagan habang binabasag mo ‘yung natitirang dangal ng babaeng nagmahal sa’yo kahit hindi mo siya minahal.”
“Hindi ko kailangan ang sermon mo.”
“Ipakulong kita kung kinakailangan.”
“Subukan mo,” bulong ni Castro, bahagyang tumawa ng malamig. “At ako mismo ang pupunit sa buhay mong tahimik.”
“CASTRO!”
“Hindi kita tinatawag para manghimasok!” sigaw ni Castro. “Kung pumunta ka rito para magsalita tungkol kay Daisy.GET OUT.”
“Hindi kita tatantanan hangga’t hindi ko siya nailalabas sa impyernong ‘to!” ganting sigaw ni Rhaizhein. “Babae ‘yan, gago ka! Tao ‘yan!”
Napahagalpak ng tawa si Castro. “TAO? Then she should’ve acted like one.”
Napalunok si Rhaizhein. “Ano'ng nangyari sa’yo? Dati... dati tayong dalawa ang may prinsipyo. Tayong dalawa ang palaging magkasama. Pareho tayong galit sa mga demonyo sa mundong ‘to. Pero ngayon… isa ka na sa kanila.”
Tahimik si Castro sa loob ng ilang segundo.
Tapos, lumapit siya sa kakambal. Matalim ang tingin.
At sa tonong malamig at walang bahid ng awa
“Kapag hindi ko nakontrol ang sarili ko ngayon, I will kill you. Even if you are my twin brother, Rhaizhein Zastro.”
Napatigil si Rhaizhein. Naramdaman niya ang panginginig sa likod ng batok niya. Hindi dahil sa takot, kundi sa bigat ng sakit.
“Kaya mo ba talaga ‘yan, Castro?” bulong niya. “Kaya mong patayin ang sarili mong kakambal para lang ipagpatuloy ang pagkawasak mo?”
“Kung yan ang kailangan,” sagot ni Castro. “Then so be it.”
Nagpanting ang tenga ni Rhaizhein. “I’m not afraid of you. I’m not afraid to fight you if it means saving Daisy.”
“Then prepare yourself. Because starting now… we’re not brothers anymore.”
Pumatak ang katahimikan sa loob ng hideout. Ang tunog ng patak ng tubig mula sa sirang tubo sa kisame lang ang maririnig. Tila naging hudyat iyon ng simula ng isang madugong laban.
Naglakad palayo si Castro, iniwan ang kakambal na titig na titig sa kanya. Pero bago tuluyang makalabas, lumingon si Castro at bumulong—
“She’s mine, Rhaizhein. And no one takes what’s mine.”
Ngunit hindi nagpapigil si Rhaizhein. “You don't own her soul, Castro. At kung hindi ka titigil… ako mismo ang magiging bangungot mo.”
Sumiklab ang mas malamig pang tensyon sa hangin nang muling magharap ang magkatunggaling kambal Castro at Rhaizhein. Wala nang espasyo para sa kahit anong lambing ng kapatiran. Wala nang bakas ng pag-aalalang magkadugo sila. Ang natitira na lamang ay galit, poot, at determinasyon.
“Try it,” ani Castro sa malamig at nakakakilabot na boses. Tumindig ang mga balahibo kahit ng mga aninong tila nakamasid lamang sa paligid. “Kunin mo ang pagmamay-ari ko… at papatayin kita.”
Hindi umatras si Rhaizhein. Bagkus, ngumiti pa siya isang ngiting puno ng tapang at paninindigan.
“Alam mo,” aniya, dahan-dahang lumalapit. “Matagal kitang pinanood, Castro. Sa bawat sakit na ibinigay mo kay Daisy, sa bawat gabi na umiiyak siya, sa bawat sigaw niyang pilit niyang kinakain para lang ‘wag marinig ng mundo... nakatanaw lang ako. Pero hindi na ngayon.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Castro.
“Mark my words, Castro. Mark them well.” Napalalim ang boses ni Rhaizhein. “I won't stop until she’s free. At lahat ng sugat na iniwan mo sa katawan at kaluluwa niya… I will make you pay for them.”
Napatawa si Castro. Hindi ngiti ng saya, kundi ng isang taong nanlalamig na sa damdamin. “Try mo lang magpakita kay Daisy,” bulong niya, mariin ang bawat kataga. “Alam mo kung anong kaya kong gawin.”
“Hahaha…” ngumisi si Rhaizhein, pilit inaalis ang nanlalamig na kaba sa kanyang dibdib. “Castro, wala pa naman akong balak magpakita kay Daisy. Wala pang tamang panahon.”
Tumahimik si Castro, pero ang mga mata niya ay matalim pa rin. Tila sinusuri kung nagsisinungaling ang kapatid.
“Pero sa oras na ‘yon dumating?” patuloy ni Rhaizhein. “Sa oras na makita ko na hindi lang sugat ang iniwan mo sa kanya kundi bangungot... maniwala ka, Castro. Ang impyerno na kinatatayuan mo ngayon masisindihan pa nang mas matindi kapag ako na ang bumawi.”
“Drama mo,” ani Castro, malamig ang boses, pero may bahid ng inis. “Sino ka ba sa kanya, ha? Tagapagtanggol? Tagapagligtas? Sa dinami-rami ng lalaking dumaan sa buhay niya, ikaw ang magmamalinis?”
Hindi sumagot si Rhaizhein. Matalim lang ang titig niya sa kakambal. At sa katahimikang ‘yon, ramdam ni Castro ang bigat ng hindi sinasabi.
“Sagutin mo nga ako, Rhaizhein,” ani Castro, sinadyang bitawan ang pangalan para mas mabigat ang dating. “May relasyon ba kayo ni Daisy?”
Napailing si Rhaizhein. “You don’t get it, do you?”
“Ayoko ng paligoy-ligoy,” matalim na boses ni Castro.
“Wala kaming relasyon, kung ‘yan ang ibig mong malaman. Pero alam mo kung anong meron ako? Respeto. At ‘yon ang bagay na hindi mo kailanman binigay sa kanya.”
“Respeto?” Tumawa si Castro. “Ang respeto, kinikita. Hindi hinihingi. At kung hindi niya ‘yon kayang gawin”
“Shut the f**k up, Castro!”
Naputol ang sinasabi ni Castro nang sumigaw si Rhaizhein. Matagal na niyang nilulunok ang lahat, pero ngayong nasa harap niya ang taong paulit-ulit na sumira sa taong mahalaga sa kanya, hindi na niya kayang manahimik.
“Alam mo bang tinatawag kang halimaw sa likod ng mga pader ng hideout mo? Tinatawanan ka ng mga tauhan mo kapag wala ka? Kasi kahit sila KAHIT SILA takot sa ‘yo. At ang pinakamasaklap doon? Mas takot sila kung paano mo tratuhin si Daisy kaysa kung paano mo sila parusahan.”
Nabitawan ni Castro ang basong hawak niya. Nabiyak ito sa sahig, pero ni hindi siya natinag.
“Pumunta ka rito para sirain ang pagkatao ko?” tanong ni Castro.
“Hindi ko kailangang sirain ang pagkatao mong wasak na,” matapang na sagot ni Rhaizhein. “Nasa harap ko na ang ebidensya.”
Tahimik. Sandali lang. Pero sapat na para marinig ang t***k ng damdaming halos pasabog.
“Kung iniisip mong ikaw ang magiging bayani sa kwento ni Daisy,” ani Castro, “then you’re delusional. Hindi mo siya kayang protektahan sa paraang kaya ko.”
“Protektahan?!” sigaw ni Rhaizhein, puno ng hinagpis at galit. “Is that what you call it? Torturing her? Stripping her of her dignity? Locking her like a prisoner?!”
Lumapit si Castro sa kanya, halos magdikit na ang mukha nila. “Hindi mo naiintindihan ang dynamics namin. Sa mundo ko, kung hindi mo kayang sumunod, mawawala ka. Ganun kasimple.”
“Hindi siya laruan, Castro. Hindi siya hayop na tinetrain mong sumunod. Tao siya. Babae siyang marunong magmahal, magmahal ng buo… kahit halimaw ang minahal niya.”
Tumawa si Castro masyadong malakas, masyadong mapait. “Halimaw? Mas halimaw pa siya sa ‘kin kung tutuusin.”
“Huwag mo siyang sisihin sa mga pagkukulang mo.”
“Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit siya naging mahina?” bulalas ni Castro. “Ikaw ang dahilan kung bakit natutong umiyak si Daisy. Dahil sa paniniwala niyang may lalaking tulad mo na magtatanggol sa kanya. Pero guess what? Wala ka. Lagi kang wala. Ako ang nandito. Ako ang kasama niya sa dilim.”
“Hindi ibig sabihin na ikaw ang kasama niya sa dilim, ikaw na ang tama,” bulong ni Rhaizhein.
Muling tumahimik si Castro. Pero halata sa panginginig ng kamao niya ang pagpipigil.
“Umalis ka na, Rhaizhein,” malamig niyang sabi. “Habang hindi pa ako bumibitaw.”
“Hindi mo na ako matatakot,” sagot ni Rhaizhein. “Hindi mo na ako mapapatahimik. At hindi mo na siya maaangkin tulad ng dati.”
Napahawak si Castro sa sinturon ng baril na nasa tagiliran niya.
“Try me.”
“Patayin mo na ako kung gusto mo. Pero kahit mamatay ako ngayon, tandaan mo ‘to lalabas ang katotohanan. Masisira ang mundo mong ginawa sa sakit ng ibang tao. At kapag nangyari ‘yon, wala nang matitira sa’yo kundi ang multo ng sarili mong kasalanan.”
Tumalikod na si Rhaizhein. Dahan-dahan. Hindi na niya kailangang tapusin ang usapan. Hindi na niya kailangang manalo ng argumento. Sa mismong kinilos ni Castro alam na niyang panalo na siya.
Pero bago tuluyang lumabas ng pinto, bumulong siya, bahagya pang lumingon.
“Hindi pa ngayon ang panahon, Castro. Pero sa pagbabalik ko, ako na mismo ang kakalaban sa impyernong nilikha mo.”
Umalis si Rhaizhein. Naiwan si Castro sa gitna ng kanyang tahimik pero naglalagablab na hideout. Mag-isa. At sa unang pagkakataon sa napakatagal na panahon, naramdaman niya ang bahagyang... pangangatog.
Hindi dahil sa takot. Kundi dahil alam niyang may babalik. May ganti. At posibleng iyon na ang wakas ng imperyo niyang binuo mula sa dugo.