RHAIZHEIN ZASTRO DRAVENHEART

1754 Words
CHAPTER 9 ZHIEN’S POV Tahimik lang ako. Parang anino. Walang nakakakita, walang nakakarinig. Pero lagi akong nandoon. Palihim na nakamasid, nakabantay… kay Daisy. Mula sa malayo, nakikita ko kung paano siya maglakad na para bang may pasan siyang mabigat na krus. Yung mga mata niya dating buhay na buhay, puno ng pangarap ngayon, parang ilaw na dahan-dahang nauupos. At bawat patak ng liwanag na ‘yon… ako ang saksi. Ako ang nakakakita kung paano siya tinatanggalan ng pag-asa, unti-unti, araw-araw. Hindi ako lumalapit. Hindi ko siya kinakausap. Hindi dahil ayaw ko kundi dahil wala pang tamang oras. Alam kong kapag nagpakita ako ngayon, mas lalo lang siyang malalagay sa panganib. Si Castro… kilala ko siya. Kapag naramdaman niyang may kahit sino na humahawak sa “pagmamay-ari” niya, magiging mas malupit siya. At ayokong madamay si Daisy sa galit niya dahil sa akin. Pero kahit anong iwas, kahit anong distansya, hindi ko maikakaila nakikita ko lahat. Nakatayo ako sa isang lumang pasilyo ng hideout, kalahating katawan nakasilip mula sa pader. Sa dulo, may maliit na silid. At doon… naririnig ko ang mga mahihinang hikbi. Si Daisy. Nakaluhod sa sahig, nakapikit, nanginginig habang pinipilit alisin ang gapos sa kanyang mga kamay. “Tumigil ka na diyan,” malamig na boses ni Castro, narinig ko mula sa bukas na pinto. Napatingin si Daisy, halatang takot. “P-please… Castro… ayoko na.” “Hindi mo na ako tatawagin sa pangalan ko,” malamig na utos ng kambal ko. “At hindi mo na rin uulitin ang ginawa mo kanina.” Kagat-labi lang si Daisy. Halata sa mukha niya ang pagod, gutom, at sakit. Sa loob-loob ko, gusto kong sugurin si Castro, tapusin lahat ngayon. Pero hindi. Hindi ako pwedeng padalos-dalos. “Bakit mo ‘ko ginaganito?” mahina niyang tanong, halos pabulong. “Dahil hindi ka sumusunod,” sagot ni Castro, at narinig ko ang tunog ng sinturon niyang bumagsak sa sahig. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang sarili ko. Ramdam ko ang poot na umaakyat sa dibdib ko, pero kailangan kong manatili sa dilim. At doon… narinig ko ang mga hagulgol niya, ang mga pakiusap na sana tama na, na sana itigil na. Pero kay Castro, wala ‘yong epekto. Alam ko ang paraan niya lalambingin, pagkatapos ay lalapastanganin ulit ang tiwala ng tao. Lumipas ang ilang minuto, lumabas si Castro sa silid. Walang emosyon sa mukha, parang walang nangyari. Dumaan siya sa pasilyo kung saan ako nakatago. Hindi niya alam na ilang pulgada lang ang pagitan namin. Narinig ko pa ang bulong niya sa sarili, “She’ll learn.” Nang makalayo siya, agad akong muling sumilip. Nandoon si Daisy, nakasandal sa pader, hingal at umiiyak. Dahan-dahan niyang tinakpan ang mukha niya gamit ang nanginginig na kamay. Para bang gusto niyang mawala na lang sa mundong ‘to. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nakita ang eksenang ganito. Tuwing gabi, nakatago lang ako sa mga sulok ng hideout, sinusundan ang mga yapak ni Castro. Naririnig ko ang mga sigaw ni Daisy kapag sinusubukan niyang lumaban. Naririnig ko rin ang mga katahimikang mas malakas pa sa sigaw mga sandaling sumusuko siya. Isang gabi, nakita ko siyang tahimik na nililinis ang sugat sa braso niya gamit ang maliit na tela. Wala man lang gamot, wala man lang nag-aalaga sa kanya. Hawak niya ang isang lumang baso ng tubig na parang ginto sa kanyang mga mata pinag-iingat, pinapahalagahan. At nang mapansin niyang may tumutulo na namang luha sa mata niya, mabilis niya itong pinunasan, para bang ayaw ipakitang mahina siya kahit mag-isa lang siya. May isa pang gabing hindi ko makakalimutan. Nasa likod ako ng lumang kabinet sa corridor nang marinig ko ang mabibigat na yabag ni Castro. Hawak niya si Daisy sa braso, halos kinaladkad palabas ng kwarto. “Wala kang karapatang lumabas!” sigaw ni Castro. “I just needed air!” pilit niyang paliwanag. “Air?!” tumawa si Castro, pero malamig. “You breathe when I tell you to breathe.” Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Gusto kong sumugod. Pero muli, pinigilan ko ang sarili ko. Bumalik sila sa kwarto at sinarado ni Castro ang pinto nang malakas. At sa katahimikang sumunod, narinig ko ulit ang mga mahihinang iyak. Ilang araw pa ang lumipas, at pareho pa rin ang eksena. Araw-gabi, nakikita ko siya nagpapakain ng kaunting tinapay na halos hindi na makain, natutulog sa sahig na walang unan, tinatakpan ang sarili ng manipis na kumot. Kapag dumadaan si Castro, bigla siyang titigil sa anumang ginagawa at luluhod, para lang hindi ito magalit. At ako? Tahimik lang. Anino lang. Pero bawat oras na lumilipas, mas lalo akong nasusunog sa loob. Isang hapon, nakita ko siyang nakaupo sa sahig, nakatingin sa maliit na siwang ng bintana. May liwanag na tumatama sa mukha niya liwanag na minsan lang niyang makita. Napatigil ako sa pagmamasid, kasi sa kabila ng lahat ng sugat at pasa, nakita ko pa rin ang isang bagay na hindi na kayang sirain ni Castro. Yung determinasyon sa mata niya. Pero alam ko, hindi iyon magtatagal kung hindi ako kikilos. Bago ako umalis sa puwesto ko, bumulong ako sa hangin hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko. “Hold on, Daisy… konting oras na lang. Hindi ka mag-iisa habang nandito ako.” At muli akong nawala sa dilim, tuloy sa pagbabantay, handang saktan ang sarili sa pananahimik… basta lang manatiling ligtas siya hanggang dumating ang tamang oras para iligtas ko siya. Tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot, halos hindi pa tumitigil ang pag-ring. "Boss, Code Black!" agad na bungad sa kabilang linya. Boses ni Rohel kanang kamay ko, matagal ko nang pinagkakatiwalaan. "Rohel, ano’ng meron?" mabilis kong tanong habang nananatili akong nakasilip mula sa sulok, nakabantay pa rin kay Daisy sa malayo. "May pamilya na naman na nangangailangan ng tulong. Tatlong bata, iniwan ng magulang, gutom na gutom na. At may isa pa isang lola na tinanggihan ng ospital kasi wala siyang pambayad sa operasyon." Napapikit ako, pinipigilan ang pagtaas ng tono ng boses ko. "Saan ang lokasyon nila?" "Sa lumang distrito sa south pier, Boss. Wala pang nakakarating na tulong doon. Lahat takot dahil kontrolado ng isa sa mga tauhan ni Castro ang lugar." "Putangina..." mahina kong bulong. "Sige, padala agad tayo ng tao. Dalhin mo rin ang medics natin. At Rohel..." "Yes, Boss?" "Siguraduhin mong walang makakaalam kay Castro na tayo ang tumulong. Ayokong madamay ang mga taong ‘yon." "Roger that, Boss. Alam mo namang secured ang galaw natin." Sandaling tumahimik si Rohel bago muling nagsalita. "Boss, sigurado ka bang okay ka lang diyan? Alam kong hindi madali ‘yung ginagawa mo bantayan si Daisy nang hindi lumalapit." Napatingin ako ulit sa kanya mula sa malayo. Nandoon pa rin siya sa maliit na silid, nakaupo sa gilid ng sahig, parang sinasalo ang bigat ng mundo sa mga kamay niya. "Hindi ito tungkol sa kung okay ako o hindi, Rohel," sagot ko. "Tungkol ‘to sa oras. Hindi ako pwedeng magkamali sa timing. Isang maling hakbang, mas lalo lang siyang magdurusa." "Pero Boss..." bumaba ang tono ng boses ni Rohel, parang nag-aalangan. "Alam mong araw-araw, mas lumalala ang lagay niya." "Alam ko," singit ko agad, mabilis pero hindi galit. "Kaya nga ako nandito. Hindi lang para manood. Para siguraduhin na sa oras na kumilos ako... walang makakapigil." "Kung kailangan mo ng backup" "Hindi pa ngayon," putol ko. "Maghanda lang kayo. ‘Pag sinabi kong oras na, walang tanong, walang atrasan." "Copy. Laging handa ang grupo, Boss." Bago ibaba ang tawag, narinig ko pa siyang nagsabi, "Ingat ka diyan. Alam kong wala pang idea si Castro tungkol sa grupo natin, pero ‘pag nalaman niya" "Hindi niya malalaman," madiin kong sagot. "Kahit kailan." Pagkababa ko ng tawag, saglit akong huminga nang malalim. Sa ilalim ng anino ng pader, ramdam ko ang t***k ng puso ko hindi sa takot, kundi sa galit na pilit kong tinatago. Maya-maya, may narinig akong yabag. Dumating si Franco, isa sa mga tauhan ni Castro, bitbit ang isang tray na may kaunting pagkain at tubig. Pumasok siya sa silid ni Daisy. "Dito ka lang. Kumain ka na," malamig niyang sabi. Napatingin si Daisy sa tray. "Salamat..." mahina niyang tugon, pero halatang nanginginig ang boses niya. "Huwag mo akong pasalamatan. Utos ‘to," sagot ni Franco bago umalis. Paglabas ni Franco, agad akong sumenyas kay Blade isa sa mga tao ko na nakatago sa kabilang pasilyo. "Boss?" tanong niya habang bahagyang lumalapit. "Siguraduhin mong hindi siya lalagpas sa radius ng silid ni Daisy. Kung susubukan niyang bumalik para manakit, pigilan mo sa paraang hindi niya malalaman." Blade tumango agad. "Understood." Bumalik ako sa pagmamasid. Sa loob ng silid, dahan-dahang kinain ni Daisy ang kaunting tinapay. Kita ko sa mga kamay niya may mga sugat, may pasa. Hindi ko na maalala kung ilang beses ko na siyang nakitang ganyan. Pero ngayon, parang mas mabigat ang pakiramdam ko. Nag-vibrate ulit ang cellphone ko. Si Rohel ulit. "Boss, update lang," mabilis niyang sabi. "Nadala na sa ligtas na lugar ang pamilya sa south pier. Nasa clinic na rin ang lola, nagsisimula na ang operasyon. Tapos may isa pang impormasyon" "Ano?" "May galaw si Castro mamaya. Umalis daw siya para makipagkita sa isang bagong supplier. Ibig sabihin, baka bukas ng madaling araw, hindi siya babalik kaagad." Napatigil ako. Sa utak ko, mabilis na umikot ang posibilidad. "Sigurado ka sa intel mo?" tanong ko. "100% verified, Boss. Source natin sa loob mismo ng grupo niya." Humigpit ang hawak ko sa cellphone. "Ibig sabihin… may window tayo. Maliit lang. Pero sapat para makuha ko siya." "Bibigyan mo na ba ng signal ang lahat?" tanong ni Rohel, halatang sabik. "Hindi pa." "Pero Boss" "Rohel, hindi ako gagalaw nang hindi handa. Kailangan kong makita muna ang kondisyon niya ngayon. Kapag nasiguro kong makakabawi siya sa biyahe… saka tayo gagalaw." Narinig kong bumuntong-hininga si Rohel. "Ikaw ang Boss. Susunod kami. Pero alam mong hindi kami makakapaghintay nang matagal." "Alam ko," mahinahon kong sagot. "At naniniwala akong darating ‘yung araw na hindi na tayo maghihintay." Pagkatapos ng tawag, muling bumalik ang katahimikan. Pero sa isip ko, mabilis na umiikot ang plano. Alam kong hindi ko na kayang magtagal nang ganito nakatago lang, nagmamasid, habang araw-araw ay unti-unting nawawala ang liwanag sa mata ni Daisy. Pero hindi rin ako pwedeng kumilos ng padalos. Kapag pumalpak ako, wala nang kasiguraduhan na mabubuhay pa siya. Kaya sa ngayon… mananatili muna akong anino. Pero isang aninong handang magdala ng unos sa tamang oras. At sa sandaling iyon dumating, walang makakapigil sa akin. Lalo na hindi si Castro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD