CHAPTER 18 CASTRO POV Pagkatapos kong sabihin sa kanya na mas mahal pa ang baso kaysa sa buhay niya, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso ako sa mini bar sa gilid ng sala. Binuksan ko ang maliit na refrigerator, kinuha ang bote ng whiskey, walang yelo, diretso sa baso. Isang lagok. Mainit ang likido na dumaan sa lalamunan ko, pero mas mainit pa rin ang galit na bumabalot sa utak ko. Naririnig ko pa rin sa background ang mahina niyang paghinga, parang nanginginig sa kaba habang pinupulot ang mga bubog. Hindi ko siya tinitingnan. Ayokong makita ang mukha niyang parang basang sisiw ngayon. “Castro…” mahina niyang tawag mula sa kusina. Nilagok ko ulit ang whiskey, nilapag ang baso sa mesa nang may kalabog. “Shut up, Daisy. Don’t talk unless I tell you to.” Tumahimik siya agad. Mab

