CHAPTER 11 THIRD PERSON POV Patuloy ang mabagal na paglalakad ng kabayong sinasakyan nina Castro at Daisy. Ang araw ay halos nasa dulo na ng kalangitan, at ang ginintuang liwanag nito ay bumabalot sa buong ranch. Sa bawat hakbang ng kabayo, ramdam ni Daisy ang matatag na braso ni Castro na nakayakap sa kanya mula sa likod. Wala na siyang magawa kundi magtiwala na lang. Kahit ayaw niyang aminin, unti-unti siyang nasasanay sa presensya nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari, pero parang lumalambot ang loob niya. Hindi niya alam, sa di-kalayuan, may isang pares ng mata na matalim ang tingin. Nakatago sa lilim ng mga puno, may isang lalaki na tila nagmamasid sa bawat galaw nila. Isa itong kalaban ni Castro at malinaw na hindi maganda ang balak. Mula sa binoculars na hawak, pinagmamas

