CHAPTER 28 QUISHA POV Lumipas ang dalawang araw mula nang bumalik ako sa Pilipinas. Kasama ko pa rin si Vallerie sa mansion, chill kami habang nag-aalmusal ng croissant at kape nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Pagbukas ko, isang tawag mula sa aking matagal nang mga kaibigan at kasamahan sa laban mga taong pinili kong pagkatiwalaan sa lahat ng misyon ko. “Quisha, girl! Uwi ka na pala ng Pilipinas? Aba, ang kapal ng mukha mo, hindi ka man lang nagparamdam!” boses ni Raselle, halatang excited pero may halong inis. Napangisi ako. “Relax. Kaya nga tinatawagan n’yo ako, ‘di ba? Meet tayo sa hideout. May kailangan tayong pag-usapan.” At doon nagkasundo kami. Pagdating ko sa hideout isang lumang warehouse na pina-renovate at ginawang parang underground HQ, halos magtitilian ang lahat.

