CHAPTER 29 CASTRO POV Dalawang araw na ang lumipas mula nang huling board meeting at laban ko sa Europe. Pagod man ako sa biyahe, hindi ko iyon ipinahalata. Sanay na ako sa pressure, sa endless negotiations, sa mga boardroom na puno ng tensyon at mga taong lagi kong kailangang patunayan na ako ang may hawak ng kapangyarihan. Pero paglapag ng eroplano sa NAIA, iba ang bugso ng emosyon na dumaloy sa dibdib ko. Hindi excitement. Hindi rin saya. Kundi… isang malamig na pakiramdam na para bang may bigat akong gustong bitawan sa sandaling makauwi. Paglabas ko sa VIP exit, nandoon agad ang personal driver ko, pero pinili kong ako mismo ang magmaneho. Binuksan ko ang pinto ng aking Bugatti, pinaharurut ito sa highway na parang ako lang ang may-ari ng kalsada. Ang ingay ng makina ay parang tugt

